Chris' POV
Bestfriend?? Ganun na ba talaga sya kamanhid??!! Ilang beses ko na pinaramdam sakanya na mahal ko sya! Higit pa sa besprens ang tingin ko sakanya! Ngayon na nga lang ako nagkaron ng lakas na loob para sabihin sakanya... Pero Ano?? Bawal daw kami! BESTFRIENDS! Yun lang daw! YUN LANG! Pero yung Kris na yon? Last week pa lang yata nya yun, nakilala pero ano? feeling ko, sasagutin na nya!
"Ano ba Becca! Pinaghirapan ko to!"
"Ha!? Edi akin na ooh... Thank you! Oh shoopi na, magdedate pa kami!"
Enough
"ANO BA BECCA?? Bakit ba ang manhid manhid mo? Ilang beses ko ba dapat iparamdam sayo na mahal na kita! Mahal na kita, dati pa! Ilang beses ko na pinaramdam! Pero ano? Sa iba ka parin nakatingin! Yung pagiging rebound ko, binalewala mo! Naghanap ka parin ng iba! Yung kiss natin nung birthday ni Joe? Yung sinabi ko sayo nun? Ano? Wala lang yun!? Gawaing pang-BESTFRIENDS lang ba yun? Ano? Sabihin mo! Pati sila Julie sinasabi na diba??"
Natahimik sya... Hindi ko na rin nakita si Kris...
"C-chris... H-hindi ko alam... N-na ganun na p-pala tingin mo sakin"sabi nya sabay yuko...
"Sige... Don't worry... Yung sinabi ko kanina? Wag mo na intindihin... Yung sinabi kong mahal kita? Wag mo na intindihin! Kasi hindi na! Hindi na kita mahal! At.. Kahit Bestfriend hindi na rin! Starting now, you're just a stranger kn my eyes! JUST STRANGERS! Not Bestfriends or Lovers... STRANGERS!!"sabi ko sabay alis...
Narinig kong nagbubulungan sila Julie sa gilid... Si Rebecca naman, naririnig ko na yung pag-hikbi... Wala na kong pake sa kanila...
Pumunta ako sa Bar... Malamang maglalasing ako! Nakakabanas naman kasi si Becca! Bakit ganun sya kamanhid? Talagang lahat ng ginagawa ko, para sakanya biro lang! Kahit hindi na gawaing magbestfriends pang bestfriends parin talaga ang intindi nya! Sino ba hindi maiinis dun? Kapag ako ang nagbigay ng flowers, para sakanya friendly flowers yun! Pero kapag iba, tingin nya type agad nya! Hayst! Bwiset! Kapag ako ang nagyayaya ng date, para sakanya FRIENDLY date lang yun! Pero pag iba, date na date na yun! Mag-on na kinabukasan!
Ayaw ba talaga nya sakin? O baka manhid lang sya?... Or ayaw nga talaga nya... Hindi nga baka manhid lang... Urrgghhh!!!
Pero ngayon, wala akong gustong ibang kasama kundi ang alak... Kaya pumunta ako sa Bar...
1 shot
2 shots
3 shots
4 shots
5 shotsWow! Immune na yata ako sa alak ah? Eh halos araw araw ba naman magyaya ang tropa ko?
6 shots
7 shotsHindi parin ako lasing... Djk lasing na ko... Hohoho! Wehheeeeii... Ang manhid nya! Walang pakiramdam... Kahit magpakulam sya, manhid parin... Huhuhu bakit ganun? Oh baka ayaw nya sakin... Eh bakit ayaw nya sakin? Naging mabait na bestfriend naman ako sakanya? Bakit... Hohuho... Pinaghihirapan ko yung mga binibigay ko sakanya... Alam nyo ba, nagbigay ako sakanya ng notebook na may lock na may nakalagay na I love you... Indirect way ko sana yun to say I love you to her... Pero ano ginawa nya? Nagtenk yoo... Tapos ginawang listahan ng mga BF nya yung NB na yooon! Huhu...
*poink*
Nalaglag na yung ulo ko sa lamesa tapos nakatulog na ko...
"Tsk tsk... Akala ko ba immune na tong gagong to sa alak?"
"Oo nga, eh nakakailang shots palang daw bangag na..."
"Eh bakit ba kasi yan naglasing? Alam naman di pa sanay sa lasingan!"
"Tumahimik kayo, ayan gigising na"
Pagkadilat ko, nakita ko yung tatlong tarantado kong kaibigan..
"A-anong nangyari sakin?"
"Baliw ka ba? Naglasing ka kaya! Tapos nakatulog ka daw agad!"
"G-ganun?"
"Bakit ka ba naglasing?"dami nilang tanong! Ako na nga tong may sakit eh...
"Pag ba kayo, nalalasing tinatadtad ko ng tanong?? Hindi naman diba?"
"Pucha! Wala kaming pake!"
"Sabihin mo na kase! Ang bakla mo!"
"Oo na, oo na! Nagpakahirap kasi ako para makakuha ng ireregalo kay Becca pero it end up na mas gusto nya parin yung baguhan! Sabi nya, Bestfriend bestfriends lang daw kami! Hanggang dun lang daw! Eh sinong gago ang hindi maiinis??"sabi ko sabay talikod.... Maghahanda na ko sa sigaw at malakas nilang tawa...
"Bakit ba kasi pinapagpilitan mo yung sarili mo sakanya?"
"Oo nga, ang dami dami namang chixx na mas maganda pa sakanya!"
"Oo kaya, ang dami kayang nagkakandarapa sayo!"
"Wag ka ngang tanga Chris!"
"Oo nga para kang bakla eh"
"Na friendzoned ka? So? Edi maghanap ka ng iba, jusmeyo! Kalalaki mong tao!"
Bakit nga ba kasi ako nagtitiis sa babaeng hindi naman ako pinapansin? Nabansagan pa akong bestfriend eh parang iyakan nalang nya ako! Nakakainis! Edi magsama nalang sila nung Kris na yun! Wala akong pake sakanila! Lapit ako ng lapit sakanya pero lagi nalang nya ko pinapalayo! Tinutulak palayo! Sabagay BESTFRIEND lang ang tingin nya sakin...
Mas mabuti pa kung kay Crystal nalang ako... Tama... Atleast kay Crystal may pag-asa ako at hindi sya manhid...
Siguro hindi talaga ako ang meant-to-be ni Becca...
Siguro hindi talaga kami karapat dapat sa isa't isa...
Siguro sa iba ako nararapat...
At sa iba rin sya nararapat...Para sakanya si Kris...
At para sakin si Crystal...
End of Chapter 12
Ano nakakainis na ba si Rebecca?? Hehe, yaan nyo... Kay Crystal naman kayo maiinis... Mwahahahaha!