Chris' POV
Kailangan ko nang umiwas kay Rebecca. Sasanayin ko ang sarili ko na wala sya.
"Chris!"nako! Nandyan na sya!
Kailangan makalimutan na rin nya ako. Ayokong mahirapan kaming dalawa kapag malayo na kami sa isa't isa. Ayokong umasa sya at ayokong umasa na kami parin ang mamahalin ng isa't isa. Pero ako, mukang hinding hindi ako makakahanap ng taong makakapalit kay Rebecca. Pero ayoko rin naman makulong sya sakin diba? Kaya dapat maging malaya syang magmahal ng iba...
Kahit alam kong parehas kaming masasaktan sa desisyon kong to.
Bakit ba laging ganito? Aalis nanaman ako.
Tumakbo ako palayo kay Rebecca. At ayun, hinanap nya ko. Pero nung hindi nya ko nakita, nanghinayang sya tapos yumuko.
Sorry Rebecca. Pinapaiyak nanaman kita.
Pero pinunasan nya agad yung luha nya. At as usual, sinubukan nyang magmukhang walang problema.
Kakayanin nya to. Alam kong kakayanin nya.
Buong araw ko syang iniwasan. At buong araw rin syang naghanap sakin.
Hapon na. At walapa kong balak na umuwi. Ewan ko. Hindi ako mapakali! feeling komay kulang sakin ngayong araw at dito ko lang yun sa Campus matatagpuan. Kaso nga lang hindi ko natagpuan.
Ayy hinde. Natagpuan ko na pala. iniiwasan ko lang. Iniiwasan ko ang kaligayahan ko.
Pumunta ako sa may puno sa Campus. Dun ako madalas tumambay eh.
Habang nakahiga ako dun, may narinig akong footsteps. Napatingin ako sa likod nung puno...
HALA! SI REBECCA!
Napatago agad ako.
Pero imbes na tumakbo ako, umupo lang ako.
Ok na sakin yung masulyapan o marinig lang yung boses nya. Ok lang kahit hindi ako maka-move on sakanya. Ok lang kahit ako ang masaktan.
Basta sya, makamove on na.
Narinig ko na nilapag nya yung bag nya. At dumamdal sa puno.
"Ang daya mo Chris... Aalis na... NANAMAN!!!"Sigaw nya. "Sana hindi nalang. Sana mangyari ulit yung dating nangyari... Yung hindi ka talaga umalis? Haay."sabi nya tapos umupo habang nakayakap sa tuhod. "Nakikita mo kaya tong sunset?"oo. Hindi lang yung sunset. Ikaw din. "Ang ganda noh? Dati sabay tayong nanonood nito eh. Pero sa susunod, iba na ang kasama mo."at sa mga oras na yun, alam kong umiiyak na sya
At sa mga oras na yun din, gusto ko syang yakapin at halikan. Pero hindi pwede.
"Ayoko pang umalis dito. Parang may kulang eh. At yung kulang na yun, dito ko dapat matatagpuan. Kaso nagtatago!"parehas na parehas na kami ng iniisip ni Rebecca. Haha!
Tumayo sya. Sinilip ko sya at pinupunasan na nya yung luha nya.
Humarap sya dito. TEKA ANO??!!
"Huh?"
Haaay. Sht. Patense naman lintek. Buti nalang nakatago agad ako.
Eh ang tanga ko din eh. Dun ako pumwesto sa may bag nya. Aba! Syempre kukunin nya yun at makikita ako.
Kinuha nya yung bag nya tapos umalis na.
*riing-- riing*
May tumatawag.
"Gags, tawag ka ni Ms. Minerva. Punta ka daw sa Faculty"sabi ni Joe
*toot-toot*
Wow bastusan. Ni Hindi man lang ako pinagsalita. Tapos ganun lang kaikli yung sasabihin? Wow naman. Ano to? Paubusan ng load? Edi tinext nalang sana nya. Tsk!