Rebecca's POV
*BLAG!*
"Aah!"sigaw ko... Holo ano to? Biglang sumara ng malakas yung pinto... Tapos ang dilim... Holo..
Hala pano na yan? Anong gagawin ko? Takot ako sa dilim! Nasan na sila Christine? Sabi nila nandito daw sila... Hala! Huhuhu!
"Uhmm... Hello? M-may tao ba dito?"sabi ko... Wala nagbabasakali lang... Pero alam ko namang walang sasagot sakin kasi sarado talaga tong auditorium... Ewan ko ba sa mga kaibigan ko!
*creek*
"Eek!"hala ano yon?
Ano ba yan! Para naman akong nasa horror movie! Hala, pano kung may serial killer pala na nasa loob nito?
Hala! Naiiyak na ko! Napapaluha na ko! Huhuhu!
Chris' POV
*BLAG!*
"Wha--"yun nalang yung nasabi ko... Aba't bakit biglang sumara yung pinto?
Wow ang dilim lang...
Haay... Anong kagaguhan nanaman kaya tong pinasok ko? Haay! Lagot sakin tong Joe na to! Tsk, tsk...
"Uhmm... Hello? M-may tao ba dito?"
T-teka... Si Becca yon ah? Bakit sya nandito?
Pero ang alam ko, takot sya sa madilim...
Teka sya ba yun? Papalapit yata sya sakin!
Dahil dun, napatakbo ako ng di oras...
*creek*
Haay! Buti nalang hindi nya ko nakita kasi madilim!
Maya-maya, may narinig akong parang umiiyak... Tapos hinanap ko yun... Nakita ko si Becca na nakaupo, umiiyak...
Haay... Kung pwede ko lang sya tabihan sa mga oras na to...
*toot, toot, toot, toot*
Bigla ko naman yun narinig... Ano ba yun? Bakit ang dami kong naririnig?
Napatigil rin si Becca sa pag-iyak tapos parang hinanap kung san nanggagaling yung tunog...
Ako rin naman, hinanap ko rin yon...
"Ano to?"sabi ni Becca, tapos kinuha nya yung parang bola na may umiilaw na red na may takip...
Haay, kung ano ano talaga kinuhkuha ng babaeng yun... Hahaha, napaka pakielamera!
Kaya ako, hinanap ko kung san nanggaling yung tunog, hindi na muna ako tumingin sakanya...
*BLAG!!!*
"AAAAAHHH!!!"rinig kong sigaw ni Becca... Kaya sa sobrang kaba ko, napatakbo ako papunta sakanya...
"Becca, anong nangyayare?"tanong ko...
Nanlaki agad yung mga mata nya... Teka...