Chapter 18- Babye Chris

161 10 0
                                    

***later***

Nasan ba si Chris?!

Hinanap ko si Chris eh... Obvious ba? Nasan ba yung gagong hinayupak na yon?!?!

Pumunta ako sa room nila... Nagbabakasakali na nandun sya... Sumilip ako sa bintana...

Wow! Bakit lonely tong lalaking to? Sya lang nasa room eh... Well... ATTACK!!!

"HOY CHRIS!"sigaw ko agad pagkapasok ko sa room nila... Wow himala, di nya kasama si Crystal... Mas mabuti na yon!

"Ha? R-rebecca? Anong ginagawa mo dito?"gulat na gulat na tanong nya...

"Ano muna ibig sabihin nito!"sabi ko sabay pakita nung sulat... "Alam kong nakasulat dito na wag kitang kausapin eh.. Pero wut lang?? San ka pupunta? Anong aalis?! At kasama mo si Crystal? Explain nga!!"

"Rebecca... Hindi mo--"

"Tska anong nangyari sa Bes or Becca na tawag mo sakin? Bakit Rebecc--"

"Ikaw tong nag-papa explain diba? Wag ka sumingit..."

Natameme naman ako...

"Aalis kami.. Pupunta kami sa France... Aalis na kami, para hindi mo na kami makita... Sa ganun, hindi ka na masasaktan tuwing makikita mo kami... Sa ganun, hindi na rin ako masasaktan pag nakita kong nasasaktan ka dahil samin... Sa ganong sistema... Ok tayong lahat..."

"Anong OK? Eh hindi ok sakin yun!"

"Pwede ba!? Naplano na kaya wag ka nang umepal?!"

Emeged... Natameme ulit ako... Hindi pa ko napagtataasan ng boses ni Chris...

Umiiyak na ko... Ano ba yan! Dati-dati lang... Pag-umiiyak ako, si Chris ang nagpapatahan sakin... Ngayon si Chris ang nagpapaiyak sakin!

Ang sakit pala Chris?

"Balit Chris? Pwede... Alam mo pwede tayong magsimula ulit! Eto saglit..."pinunasan ko yung luha ko tapos nilahad ko bigla yung kamay ko sakanya..."Hello! I'm Rebecca Kastillos--"

"Kung balak mong magpakilala ulit... Wag mo na utuloy... Isipin mo nalang na inisnob kita nung nagpakilala ka... Ok? So ibig sabihin hindi tayo magkakilala..."

"Ano ba Chris! Bakit ba ang Hirap mong iplease?"sabi ko habang nagdadabog... "Ang galing ko... Mahal kita, mahal mo sya... Congratulations! Ako na tanga!"

Nagulat ako nung sabihin ko yung word na Mahal Kita... Ewan ko ba pero yun ang lumabas sa bibig ko... Pero mukha namang wala syang pake kaya Gora lang sa speech ko...

"Sige... Papayagan kitang umalis kasama si Crystal... Hindi na kita guguluhin... At kunyari, paglabas natin ng room na to... Hindi tayo magkakilala... Pero..."may gusto pa kong gawin..."Yakapin mo muna ako..."

Yung kanina na noo nya na naka-kunot... Parang dumeretso na...
Yung mata nya na parang galit na galit... Ngayon parang yung mata ng dati kog Bestfriend...
Yung bestfriend ko na wala pa sa grupo ng mga Heartrob...
Yung Bestfriend ko na plain student sa school...
Yung bestfriend ko na hindi kilala ni Crystal...
Parang dumalik ang dati kong Bestfriend...
At ang alam ko nalang...

Niyayakap nya ko...

"I love you... Sorry... Babye"sabi nya...

Dapat ko bang sabihin na... I love you too?
Dapat ko ba sabihin na... I forgive you?

Pero teka...

Babye daw? Pinapakawalan mo na ko Chris? Well... Kung ganon...

Babye Chris...

End of Chapter 18

Yun ooh! Ano? Okay ba ang ating Chappie ngayong araw? HAHA!
Dun sa mga silent readers dyan... Paramdam naman guyxsz??
Comment, Vote, Spread & be a Fan!
(Maging electric fan daw)
Lowls... Corny...

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon