Chapter 64- Friendship (Part 2)

252 10 6
                                    

Hehe. Walang maisip na matinong Title, pinart 2 nalang XD

Rebecca's POV

**Flashback** (Ulit)

**3 days Later**

Nandito lang ako sa bahay. Sabado naman eh. Wala ring binigay na assignments samin. Tama na daw yung 5 days na pag-aaral. Tambay daw muna kami ng 2 days.

Hmff. Wala namang magawa.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. Aabutin ko sana yung Phone ko nung biglang--

*Blog*

Biglang may tumunog na parang may bumangga sa bintana ng kwarto ko. Hmp. Baka nananakot lang.

Aabutin ko ulit sana yung cellphone ko nang biglang may bumangga nanaman...

*Blog*

At isa nanaman.

Anong trip to?

Inisip ko nalang na may mga ibon na sadyang tatanga-tangang lumipad. Hmm. Kawawa naman.

*Blog*

*Blog*

Whathe?

*Blog*

Ano ba yun!? Natatakot na ko ha...

Joke. Kinakabahan lang...

At dahil sa napakatapang ko (aysus) binuksan ko yung bintana ko.

"Becaaaaa!!!"

"Waahh!"

Nadatnan ko si Chris na nakakapit sa isang bamboo stick ata to? Habang gumegewang-gewang sya pati na yung mahabang stick.

"Anong kaululan to?"

"Mamaya ko na sasabihin! Kunin mo nalang yung kamay ko! Please! Hilong hilo na ko!"sabi ni Chris habang gumegewang gewang parin at naka-extend yung kamay nya para kunin ko. Pero di ko parin kinuha at nag cross-arms ako.

"Hmp. So ikaw pala yung bumabangga sa bintana ko kanina pa?"masungit kong sabi.

"Oo! Oo! Ako! Please! Yung kamay mo!"sabi nya. Aabutin ko na sana yung kamay nya kaso may bigla akong realize.

"Teka, kanina ka pa gumegewang dyan ah? Bakit hindi ka mahulog?"

"What? So parang gusto mong mahulog ako?"

"Hinde ah. Curios lang."at sa pagkakataong yun, kinuha ko na yung kamay nya. "Ang effort mo ah. May pinto naman kami eh"

"May bisita kasi ka kasi eh"

"Oh so? Porket may bisita ako, bawal na gamitin yung pinto?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon