Chapter 46- Friends vs. Crystal

88 5 0
                                    

Crystal's POV

Habang nag-lalakad lakad ako, naisipan kong pumunta sa may Roof top ng bahay ko. So ayun, bumalik ulit ako. Ok lang naman. Ano namang mapapala ko dun noh? Tska pag umiyak ako, lantaran pa. Eh pag sa rooftop eh walang pakielamero noh.
Kaya ayun.

~Rooftop~

Whooo! Peace of mi--

"CRYSTAAAAL!!!"aish! Naman oh! Kung kelan ba naman. Sino b yun? Nangbubulabog eh.

"Sino-- hoy! Bakit ka nakapasok?"tanong ko sakanya. I mean. Sakanila! Anong ginagawa ng mga kaibigan ni Rebecca dito? Sheesh.

"Una, bukas yung pinto. Pangalawa BAKIT MO SINASAKTAN SI REBECCA??!!"

"HUH? Ako? Sinasaktan si Rebecca? Luh. Pano yun nangyre!?! Anong ginawa ko?"ano? Ano nanamag kasalanan ko? Nagpapakatino na nga ako at nananahimik diti tapos ako nanaman yung mali?!?!

"Hindi mo ba alam? Na dahil sa kagagahan mo, nasasaktan si Bes ngayon!"-Christine

"Oo nga! Umuwi ka ba dito para guluhin ulit silang dalawa?"-Joy

"Siguro hindi ka pa nakakamove on kay Chris kaya ka ganyan noh?"-Julie.

"Sa totoo lang. Wala akong alam dyan sa mga sinasabi nyo! Ano ba kasi ang nagawa ko?"

"Wag ka na ngang magkunyari! Yung sinasabi mo na maghihiwalay din balang araw sila Chris at Rebecca? Hindi ba gusto mo talagang saktan si Becca dun sa nga sinasabi mo? Diba?!?!"-Christine

"Hindi! Ano ba guys? Nagbago na nga ako! Mali yung pagkakaintindi mo!"

"Mali? Anong mali?! Ikaw ang mali! Wag ka na nga magpa-inosente effect!"-Joy

"Kung mali man kami. Sige nga? Anong palusot naman ang sasabihin mo?!"-Julie

"Oo alam ko nasaktan ko si Rebecca sa mga sinabi ko kahapon. Pero iba talaga yung gusto kong iparating! Gusto ko lang sabihin sakanila na hindi magtatagal ng pang-habang buhay yung pag-iibigan nila! Kaya dapat hindi masyadong umasa at umibig si Becca dahil pag nangyari yun, sya ang mas masasaktan!"paliwanag ko.

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon