Chapter 27- Bomba?!

156 8 0
                                    

Christine's POV

Waaah! Naguguluhan na ko!!! Anong nangyayari sa planet earth?! Diba sabi ni Chris pupunta daw sya kasama yung malanding si Crystal? Eh daFudge, nakita namin silang magkasama dito sa Campus!

Tska daFudge... May bagong 'bestie' si Becca? Holo pinalitan na ko ni Becca? At sa vabaklush pa! Anyare da mundong ibabaw?

Pagkatapos na pagkatapos ng klase, nagmeeting agad kami nila Joy at Julie...

"Guys, nasa France ba talaga sila Chris?!"

"Kung hindi ka ba naman kasi shunga, noh julie? Kung nasa france sila edi sana wala sila dito sa campus!"

"Edi ibig sabihin... Nagsinungaling si Chris nung sinabi nya na pupunta silang America?"

"Hindi natin malalaman kung hindi natin itatanong... Teka teka... Ayun si Chris!"sabi ko sabay turo kay Chris

"Oh? Ano tungkol dyan?!"

"Mag-isa lang sya... Naiisip nyo ba ang naiisip ko?"

Ayun, bigla kaming nagkatinginang tatlo...

Mwahaha...

...

"Aah!"

"Sshh!!"

"Hoy ano ba?!"alam nyo ginawa namin? Nyahaha! Kinidnap namin sya...

Joke lang... Hinatak lang namin sya papunta sa isang di mataong lugar...

"Hoy Chris! Anong kalokohan to?!"

"H-ha? Chris? He-he... Sino yon?"

"WAG KA NANG MAGDENY!!! ALAM NA NAMIN YUNG KAGAG*HAN MO!!!"

Ayan... Beastmode na si Julie! Sa iktsura nyang yan, sino ang hindi mapapaamin? Sa aming apat si Julie ang pinakamagaling mag-interogate...

"BAKIT KA NAGSINUNGALING??!! BAKIT MO SINABI NA PUPUNTA KANG FRANCE KASAMA YUNG DAGANG YON??!! EH HINDI NAMAN!! NANDITO KA!! ALAM MO BA KUNG GAANO NASASAKTAN SI BECCA PAG NAALALA NYA YON??!! ALAM MO BA KUNG GAANO SYA NASASAKTAN TUWING MARIRINIG NYA YUNG PANGALAN MO??!! HA??!! TAPOS MALALAMAN NYA LANG NA NAGSINUNGALING KA SAKANYA!!!"

"Alam mo rin ba kung gaano kasakit para sakin gawin ang lahat ng yon?"mahinahong sabi ni Chris...

"A-anong ibig mong sabihin?"tanong bigla ni Joy...

"Hindi ko ginusto yon..."

"Pinilit ka ni Crystal?"

"Hindi"

"Alam mo Chris, HINDI ka malabo... Blurred lang..."pamimilosopo ko

"Haay... Dati kasi, napagpasyahan ko na lumayo sakanya para walang masaktan... Pero biglang nagbago ng isip ko... Pero ang alam ni Becca, nasa France ako ngayon... Kaya hindi ako nagpapakita... Kahit si Crystal... Wag nyong sasabihin ah?"sabi nya...

Kami naman dun, tameme... Kaya pinanood nalang namin sya paalis...

Huwaw... So yun yon?

"Teka! Hindi naman natin dapat sila hayaan na ganun nalang ang status!"sabi ko...

"Oo! Kaikangan gumawa tayo ng paraan!"sabi ni Joy...

"Hmm... Kung ako... Sasabihin ko ang gusto kong sabihin sa isang tao kapag alam kong yun na last time na magkakausap kami..."

"TAMA!!!"Sigaw bigla ni Julie...

"Oh may naisip ka?"

"Oo! Kung kayo lang ni Joe ang magkasama sa isang lugar tapos nalaman nyo na may bomba don? Anong gagawin mo?"

"Edi sasabihib ko sakanya kung gaano ako naiinis sakanya! Sasabihin ko lahat lahat ng mga gusto... Kong... Sabihin... YIEEE!!! GETS NA KITA JULIE!!!"

"So Joy? Kaya mo ba gumawa ng pekeng bomba?"

"Ofcourse!"

"Hoy bakit narinig ko pangalan ng pinaka gwapong nilalang sa buong mundo dito?"aish... Ayun si Siraulo... Kasama yung dalawang ugok...

"Siraulo..."bulong ko...

"Yeah, may sinasabi ka babe?"sabi nya sabay akbay pa sakin...

"Eew... Babe ka dyan! Tska hoy, uso na deodorant... Yuck!"sabi ko tapos tumabi ako kay Julie... Alam kong hindi nila ako malalapitan kapag nandito si Julie...

"So? Gagawa kayo ng fake bomb para kila Chris at Becca?"

"Uhmm... Joy tulungan na kita?"tanong ni Jhon sabay tulong kay Joy...

"Ahem... Wag na Jhon... Uhmm... Ako nalang..."sabi bigla ni Charlie...

Yiee! I smell something fishhy!!

"Oo sya nalang... At kelan ka pa naging gentleman?"sabi bigla ni Julie kay Jhon...

"Yiee! May malansa!"yie may namumuo...

...

Maya-maya natapos na rin yung fake bomb... Nilagay namin sa auditorium... Sa auditorium kasi walang tao dun ngayon... tapos tinext namin si Becca...

To: Bes Becca

Uy! Pnta u auditorium mmya lunch, usp tau, tgilan m muna yng vavaklang BESTIE mo

Message sent!

Tapos naglagay naman yung mga boys ng note sa locker ni Chris...

Pare, punta ka auditorium mamayang lunch

At ang masasabi ko lang ay... Ampanget ng handwriting!!! Pwe!

Rebecca's POV

Nagtext sakin si Bes na punta daw ako sa auditorium mamayang lunch... Mag-uusap daw... Susme, hindi ba pwedeng ngayon nalang? Or tawag nalang? Or itext nalang nya? Tsk... Dami pautot ni Bes ah?

Chris's POV

Gago talaga yon si Joe... Naglagay ng note sa locker ko... Paano kung nakita ni Becca yun? Edi mahahalata? Haay...

...

*BLAG*

End of Chapter 27

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon