Chris' POV
"Becca!"tawag ko kay Becca
"Chris!"tawag naman sakin ni Joe...
Haaay! Oo nga pala... Parte na ko sa Grupo ng mga Heartrob... Mapapalayo ako kay Becca!?
"Tara na! Ia-announce na natin na kasama ka na sa Grupo!"sabi ni Joe sabay hatak sakin...
"H-ha? Kailangan pa talagang iannounce yun?"
"Oo naman!"
Nasa likod lang ako ni Joe... Maya maya nakapunta kami sa Basketball Court... Bakit kami nandito?
"HOY!"aray ah! Sabay sabay silang tatlo sumigaw... Nakaka-OP sila pramis...
Pero sa simpleng HOY nila, napatingin lahat ng estudyante... May mga kinikilig na babae... Hay... Alam kong pogi sila pero diba ang OA nila?
"Masanay ka na sa mga babaeng yan... Isang araw, kikiligin sila at dahil sayo na yun!"sabi ni Charlie...
"Makinig kayo! Ngayong araw... Si Chris... Uhh... Uhmm..."lumapit sakin si Joe "Ano apelyido mo?"haha! Laftrip!
"Alcantara"
"SI CHRIS ALCANTARA AY ISANG OFFICIAL MEMBER NAMIN! GETS NYO?? SIGE BAHALA NA KAYO!"maangas na sabi ni Joe...
"YEHEY!! Ayoko na kay CarlyBabes! Kay ChrisBabes na ko! He's so pogi!"
"Yeah so Papable!"
"Sya na Mhine ko starting now!"
"Ang fogi nya grabe nakakakilig!"
"Wag nga kayo! Kay Crystal na sya!"
"BAKIT BA ANG NEGA MO PALAGI!!??"Haha! Ang saya naman pakinggan ng usapan ng mga babaeng yan...
Pero teka... May fangirls ako? Wow... Sana naman magselos si Becca... Hehe joke lang...
Ako lang yata matino sa grupo nila eh... Lahat kasi sila nagcutting kanina, ako lang yung pumasok sa klase... Ang KJ ko daw... Sorry naman! Hahaha
"Uy Chris! Bespren!"ayan nanaman... Bespren nanaman... "Balita ko ikaw daw yung napili nila Joe, Charlie at Jhon na maging kapalit ni... Ni Carl sa grupo..."nahirapan pa sya sabihin yung pangalan nung Carl...
"Ha? Oo nga eh..."
"Gago yung Jhon na yun! Muntik na masira HeadPhones ko!"sabat ni Julie... Ahha! Oo nga pala nag-habulan sila kahapon... Ano dahilan? Trip kasi ni Jhon kuhanin yung Headphones ni Julie kaya naghagaran...
"Ayan! Tama lang yan nuh! Magiging Popular ka na! At popular rin si Crystal, so pwedeng pwede kayo!"eh bat ikaw? Popular ka rin naman ah? Bakit hindi mo naiisipan na pwedeng owede tayo?
"Manhid eh..."bulong ni Joy sakin... Yeah sinabi nya pa...
"Oo nga pala! Wag ka talaga malelate ha!"
"Opo madam opo!"sagot ko... Hay... Pinapagpilitan talaga nya ako kay Crystal...
~Recess
Nandito ako sa tambayan kung tawagin nila... NakakaOP sila promise! Sila sila lang yung nag-uusap, hindi ako maka-relate...
"Hahaha! Gago! Hahaha!"ohdiba? Sila tumatawa habang ako, NGANGA
"Putek pre! Laftrip mukha nya nun! Hahahah!"malas mo pag baguhan ka palang dito...
"Hahaha! Tae pinaalala nyo pa kase! Hahaha!"makitawa nalang kaya ako? Hmm wag na... Baka sabihin pa nila nakikitawa lang ako...
"Oy Chris! Sorry na o-OP ka ah? Hahahah!"
"Okay lang"NOT
Haaay... Makasurvive sana ko...
Rebecca's POV
I'm so happy for my Best Friend! Isa na sya sa mga heartrob sa school! Pwedeng pwede naman sya dun kase ang pogi nya! Biglang sikat si Bespren eh! Umaasenso yung Popularity! Sana umasenso na rin yung LOVE! Sana mainlove naman sya kay Crystal!
"Hay nako Becca! Napaka manhid mo kamo!"
"Oo nga! Nandyan na sa harap mo pero ano? Pinamigay mo!"
"Dapat iningatan mo na yon! Gaga ka talaga!"
Ayan nanaman yung tatlo kong kaibigan na dinaig pa lola nyo kung maka-sermon...
"Ano ba kayo! Walang gusto sakin si Chris!"
"Akala mo lang WALA! Pero MERON! MERON! MERON!"hala nagiinarte na si Tin...
"Tigilan nyo ko ha!"
"Bakit ba ayaw mong tanggapin na may gusto si Chris sayo? Ayaw mo ba sakanya? Bakit?"
"Hindi naman sa ayaw ko sakanya! Pero kasi... Ang gusto ko, sya yung magsasabi para alam kong totoo! Dapat sincere nya rin sabihin para maniwala talaga ako!"
"So pag sinabi nya sayo yun 'Sincerely' maniniwala ka?"sabi ni Julie
"Kahit anong sabihin ng isang tao 'Sincerely' paniniwalaan mo?"sabi ni Tin tapos sumeryoso yung mukha nya... "I'm beautiful... I'm sincere!"
"Psh! Mga nalalaman mo ah!"
"Eh Becca! Paano naman kung natatakot sya sabihin sayo? Dakilang Torpe yun!"singit ni Joy
"At ikaw naman si DAKILANG MANHID!"sabat ni Christine
"Ewan! Bahala kayo dyan! Gawin nyo, gusto nyo basta wag nyo ko kukulitin!"sabi ko...
Eh paano kung... Gusto nga talaga ako ni Chris? Haha! Imposible... Hindi ko maimagine!
Teka alam nyo ba kung bakit ko pinapagpilitan si Chris kay Crystal? Haha! Eh bagay sila eh! Tska... Kailangan naman ni Bespren ng babae na mamahalin nya nuh!
"Eh ikaw nga yun eh!"nagulat ako nung nagsalita si Christine... Hay! Nako! Sinusulat ko kasi yung mga iniisip ko... Eh mga loko, binabasa pala nilang tatlo sa likod ko!
"OY AKIN NA YAN!"baliw ba naman... Si Julie kinuha yung Notebook ko!
"Hmm... Eh paano kung... Gusto nga talaga ako ni Chris? Haha! Imposible... Hindi ko maimagine! Teka alam nyo ba kung bakit ko pinapagpilitan si Chris kay Crystal? Haha! Eh bagay sila eh! Tska... Kailangan naman ni Bespren ng babae na mamahalin nya nuh!"lintek! Binasa pa!
Buti nakuha ko agad... Baka kung ano pa mabasa nya eh...
"Becca bakit ba kasi ayaw mong maniwala na may gusto sayo si Chris? MATAGAL NA!"
"Ang gusto ko... Manggaling sakanya yan..."
"Arte nito! Ayaw pa maniwala sa tsismis!"
"Yun na nga eh! Tsismis lang yan eh! Paano kung naniwala ako sainyo eh hindi naman pala talaga totoo? Edi naga-assume lang ako nun?"
"Ah so wala kang tiwala samin!?"
"Uhmm... OO? Ahhaha!"
"Langya to!"
Tapos ayun... Sabunutan kami... Ahahah! Dejoke lang... Asaran lang naman with sampalan... Ahha!
End of Chapter 4