Chapter 15- Girlfriend?

191 9 3
                                    

Rebecca's POV

Aray! Ang sakit naman nun? 3 days before the Go Away event... And I'm still crying like it just happened earlier... WALANGJO!! Ganito pala epekto ng nag-eemo? Napapa-english ng di oras? Lowls...

Wala... Tinetesting ko lang patawanin ang sarili ko... Haha, hehe... Wala gusto ko lang yan marinig mula sa sarili ko...

Nandito ako sa canteen... Si Christine dumadaldal tungkol sa chorvaness... Ewan ko ba kung tungkol san! Di ako nakikinig eih... Tanong nyo nalang kila Julie at Joy... KUNYARI nakikinig yang mga yan eih...

Hindi ako nakikinig kay Christine dahil wala akong pake... Sa isang tao lang nakapako ang tingin ko...

Kay Chris...

Ang saya nya kasi eh... Tawa sila ng tawa nila Crystal... Si crystal na ba ang pumalit sakin? Sya na ba ngayon ang bagong best-friend??

Bakit ganun? Nakangiti lang si Chris... Hindi nga tumitingin sakin eh... Kay Crystal lang nakapako ang tingin nya habang ang lapad ng ngiti... Abot langit ang ngiti... Bakit ganun Chris? Madaya ka naman! Ako nagdurusa dito sa Go Away thingy mo... Pero ikaw? Happy-happy lang.... Ang daya mo!

Ayun... Wow... Dati kami ni Chris gumagawa nyan ah? Dati ako ang sumusubo sakanya... At sya ang sumusubo sakin... Ngayon... Bakit si Crystal na?

Dugdug dugdug...

Yung puso ko... Alam nyo bang nakakasakit kayo??

Ayoko na nga!

Tumayo ako tapos umalis... Naiiyak na ko... Halatang nagulat sila Christine sa ginawa ko... Babye muna ha? Iiyak lang ako sa cr...

Chris' POV

Napatingin ako kay Becca na umalis sa upuan nila...

Sorry... Pero kailangan mo na talaga akong kalimutan... Hindi pwedeng ako lang ang makalimot... Hindi rin pwedeng ikaw lang... Dapat pareho tayo... Sorry...

"Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya..."sabi ni Crystal... "N-nakokonsesnsya na ko..."sabi nya...

"Ako rin naman eh..."

Go away...

Go away...

Naiisip ko parin ang huling sinabi ko kay Becca... Ang hirap din para sakin sabihin yun noh...

"Sumosobra na yang Chris na yan ah!"rinig kong sabi ni Christine... Napatingin kami ni Crystal sakanila...

"Oo nga! Sobra na nyang sinasaktan si Becca!"sabi naman ni Joy...

"Bwiset sya! Akala ko pa naman mabait sya!"hello? Julie nandito ko!!

Sorry guys... Para sainyo din to...

Umalis sila... Susundan yata si Becca...

Sorry talaga...

Rebecca's POV

Bakit ba ganun?! Ang sakit sakit na talaga! Ngayon ko lang naramdaman tong sakit na to! Grabeng sakit na to! Sobrang sakit!

Sinigurado ko muna na walang tao sa Cr... Nilock ko rin yung pinto...

"Ang tanga ko din eh... Kung ayaw kong makita na hawak ng iba... Edi sana hindi ko binitawan..."yan ang nasabi ko habang pinupunasan ang luha ko... "Bakit ganun kasakit ang pang-iiwan mo sakin?? Diba dapat... Kasing sakit lang ng mga sa ex ko? Eh bakit parang mas masakit yung sayo?!"bakit nga ba Chris? Anong meron sayo? "Kahit gaanun... Kailangan matatag ako..."pinunasan ko ang luha ko... At nilagay yung shades ko... Lumabas na ko ng Cr...

Sinalubong ako agad ng tatlo kong kaibigan... Hindi nila ako kinausap... Sumunod lang sila sakin... Alam na talaga nila kung ano ang gusto ko...

"Uy! May nangyayari sa Canteen!"
"Hala! Ano? Dicount sa pagkain?!"
"Hinde! Tungkol sa CrysChris daw!"
"Talaga? Hoo! CrysChris Shipper ako!"

Sabi nung dalawang babae... Teka anong nangyayari sa Canteen?!

Napatakbo ako sa canteen ng di oras... Naunahan ko pa yung dalawang babae...

"Crystal... Do you want to be my Girlfriend?"

Teka wuutt?!?!

"Teka... Chris parang ang bilis naman yata?"

"Ilang week na rin tayong magkasama... Kaya.. Pwede ba?"

"Hmm.... Yes!"

Week? Week lang sila mag BFF niyaya agad ni Chris maging GF...

Ako?

Year na aa...

End of Chapter 15

Hi guyxsz!! Ano kayo? Chriscca or CrysChris?

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon