Chapter 34- Buhay na kaldero

130 7 0
                                    

Rebecca's POV

Nung papasok ako sa school, nakapag-tataka na walang nag-sundo or teacher na nag-utos kay Chris..

At wala ring epal na nantrip sakin kaninang umaga!

Hindi tuloy ako mapakali sa subject na to ngayon! Ano ba kasi binabalak g babaeng yun? Kinakabahan ako nuh! Baka mamaya hagisan na nya ko ng ahas or ipis or uod or butiki or lizard...

Teka diba parehas lang ang butiki at lizard?

Eeerr... Nakaka-diri at nakaka-takot palang imaginin... Haay, makapag-focus na nga lang sa subject!

...

Pero di ko kaya eh! Baka mas malala yung plano nya! Haay... Ano ba naman to! Bakit ako natatakot sakanya? Diba sabi ko hindi ako naytatakot at hindi ko sya aatrasan?

Feeling ko kasi ito na yung magihing PINAKA masama nyang plano sakin...

Baka hanggang ngayon, nag-paplano parin sya ng gagawin nya sakin!

Aish! Ano ba yan, think positive na nga! Ang nega ko ah?

Siguro natakot na sakin yun... Or nakonsensya sa mga kagagahang ginawa nya... Or narealize na talaga nya na kahit anong gawin nya, hindi nya ko mapapa-bagsak!

*kriing*

Yun! Bell na! Most awaited! Nyahaha...

"Himala, walang nangyari kaninang umaga... Kung kelan naman may extra uniform ka na"haha! Oo may extra uniform na kong dala!

"Tch, ayaw mo nun? Di ako nasasaktan or napapahiya"sabi ko...

"Pero... Sa tingin mo, sino ang pwedeng gumawa sayo neto?"

Haay...

"Uhmm... Ewan ko, ang pag-kakaalam ko, friendly ako at walang kaaway dito..."pati nga si Crystal akala ko friend ko... Di pala!

Pumunta na kami ni Chris sa canteen

Crystal's POV

Bakit nga pala wala akong nagawang plano kanina? Haay...

"Oy bruha! Weak ka ha, hindi ka lumaban this day... Happening to you? Abnormal ka na?"sabi nung si Mitzy hababg nagli-lipstick

Hindi ko na sya sagot... Ang totoo lang hindi ko rin alam ang isasagot...

Hinalo ko nalang yung juice ko...

Haay...

Nakita ko nanaman sila... Ang saya talaga nila... Bakit ganun?

Kalmadong kalmado ako kanina at parang ang lalim ng iniisip ko...

Pero bakit ngayon, parang gusto kong mambuntal ng tao...

"Crystal! Nabalitaan mo na ba yung Prom night bukas?"

"PFFTT!!!"muntikan ko nang mabuga yung inumin ko... "Bukas? Ang aga ah!"

"Haler, bruu... Last week pa yung ina-nounce... Eh may iba kang kinabi-busyhan! Kaya hindi mo alam..."sabi nya...

Oo nga noh...

"Hmm! Spaghetti pala ang ulam for the week dito sa Canteen!"sabi ni Mitzy habang inaamoy pa yung spaghetti... "Teka speaking of prom night... Naiimagine ko silang dalawa"

"Sinong dalawa?"

"Si Rebecca at si Chris, ofcourse!"

"Imaginin mo sila... Nahsasayaw sa ilalim ng spotlight... Nagtatawanan... Masayang masaya... Makikita mo sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa..."

Di ko alam kung nang-aasar lang tong si Mitzy eh... Pero oo iniimagin ko nga sila...

Sumasayaw ng masaya at puno ng pag mamahal... Habang ako... Nakatingin lang sakanila sa malayo... Pinapangarap ang taong kasayaw ni Becca...

Nandun ako sa malayo... Inggit na inggt sakanya... Kasi masaya sya... At kasi kasama nya ang taong mahal nya... Inggit ako kasi mahal sya ng taong mahal nya...

Hindi kagaya ko... M.U!

As in Mag-isang Umiibig

Napatingin ako kay Rebecca...

Buti ka pa...

"Bakit ganun bruha? Kuya mo, minahal din sya... Tapos si Chris minahal din sya... Ano yun? Sya na lahat... Nasakanya na lahat... Kinukuha nya na lahat sayo pero ikaw eto! Dedma..."

Napatingin ako sakanya agad... Tama sya...

Inimagine ko ulit...

Nandun lang ako sa sulok... Walang kasama... Habang lahat ng tao, kasama si Rebecca... At masaya sila...

Napatayo ako ako sa upuan ko pagkatapos ko mag-imagine...

Pinuntahan ko agad si Rebecca...

"Hayop ka!"

"Aray!'"sabi nya sabay hawak sa pisngi nya...

Sinampal ko lang naman sya...

Sa sobrang galit ko, feeling ko kahit anong mahawakan ko maihahampas ko kay Rebecca...

"WAAAH!!"

Kahit ako, nagalit dun sa ginawa ko... Hinagis ko kay Rebecca yung Kaldero ng Spaghetti...

"Crystal hindi na ikaw yan"sabi nya...

H-hindi na?

Napatingin ako kay Mitzy

Nasakanya na lahat... Kinukuha nya na lahat sayo pero ikaw eto! Dedma...

Hindi... Hindi ako pwede ganun ganunin lang!!.

"Hey! Anong nangyayari!"dumating si Chris... "Crystal... Ikaw? Ikaw ang gumagawa sakanya nito?"

"OO! Ano bakit? Pipigilan mo ko? Hindi mo ba alam na ginagawa ko to PARA SAYO!"

"ano?!"~Chris

"Manhid ka ba?! Ano ba Chris!! Gusto kita! Gustong gusto!"

Alam ko na ang sasabihin ni Chris sakin kaya bago pa ko masaktan, umalis na ko...

End of Chapter 34

Guyxsz! Malapit na matapos ang story na to!

Mga... Hanggang Chapter 45 lang po ito ha? Last 11 chapters nalang po!

Pwede nyo naman po basahin ang story ko na

'It's a dream come true'

Or

'My Mean Girl'

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon