Chris's POV
Ngayon na yung date namin ni Crystal... Naalala nyo pa ba? Yung date ko... Yung FIRST DATE ko na si Becca ang namili ng kadate ko... Dapat kasi si Becca yung First Date ko eh...
"Chris! Ano ba! Late ka ng 2 minutes! Pinaghintay mo si Crystal!"wow ah? Si Crystal lang naghintay? Anong ginawa nya?
"Grabe ka naman.. 2 minutes lang yun Bespren!"
"Kahit naaaaa! Tsk... Kahit kelan talaga ang pasaway mo!"haha! Ang cute nya pag-naaasar! Tumataba yung mga pisngi! Hehe "Anong tinatawa tawa mo dyan?? Pasok na dun! Bilis! Naghihintay na sa loob si Crystal!"utos sakin ni Becca habang tinutulak ako papasok... Haay...
"Kami lang sa loob? Ikaw san ka pupunta?"tanong ko sakanya bago pa kami makapasok...
"Hahanapin ko ulit yung destiny ko!"haaay... Ayan ang ayoko eh... "Alam mo nakakainggit ka... Ikaw malapit mo na makasama yung destiny mo!"
"Ha? Paano mo naman nalaman? Tska... Sino? Si crystal ba?"
"Oo! Haay... Kainggit... Osha sige babye na! Ingatan mo sya ah? Wag kang gagawa ng kalokohan dyan! Hahanapin ko na destiny ko para kapag naging kayo na hindi ako ma-OP! Babye!"sabi nya sabay takbo palabas...
Haay... Ayan nanaman sya sa destiny thingy nya... Ang dami na nyang lalaki na dinate... Pero bakit ako, hindi nya makayanang idate?
"Chris?"
"Ha? Oh Crystal! Nandyan ka na pala! Sorry kung pinaghintay kita ah?"
"Haha! Ano ka ba naman... Okay lang yun! Narinig ko si Becca kanina habang sinesermonan ka dahil late ka ng 2 minutes... Haha!"
"Haay! Lakas talaga ng bunganga nun! Nakakahiya naman sayo"pansin nyo ba na Under ako kay Becca? Haha! Di pa nga kami Under agad ako... That's nice
-__-"Okay lang! Lahat naman tayo nalelate, pati ako... Tara kain na tayo! May nga foods na kong inorder kung ayos lang sayo..."
"Oo naman! Tara pasok na tayo?"sabi ko sabay bukas ng pintuan para kay Crystal...
"Thanks!"ohdiba ang gentleman ko?
Ayos naman si Crystal... Bali-balita ko, hindi daw sya malandi... Tapos mabait... Sexy, maganda, maputi, makinis ang balat, palangitim, may dimples, shiny yung hair, mahinhin... Lahat na ng magagandang katangian nasakanya na... No wonder maraming nagkaka-crush dyan, mapa-lalaki o babae... Perfect na nga daw sya eh...
Pero ibang iba sya kay Becca... Pero mas gusto ko parin si Becca...
"Balita ko, ikaw daw yung pumalit sa pwesto ni Carl dun sa Grupo ng mga Heartrob?"
"Ha? Haha! Oo eh... Hindi nga ako maka-relate sa mga yun eh! Sila sila lang nagkakaintindihan! Lagi akong OP... Lagi akong nganga..."
"Teka marami akong alam tungkol sa kanila! Gusto mo mag-kwento ako sayo tungkol sakanila para hindi ka na ma-OP sakanila sa susunod?"
"Sure! Pero... Paano--"
"Paanong nangyari na marami akong alam tungkol sakanila kahit hindi kami close? Ha! Simple lang... Kinekwentuhan ako ng mga Best Friend kong Stalkers nila..."
"Haha! Wow! May stalkers talaga?"
"Hindi mo lang alam... Ikaw nga rin may stalker eh..."
"HA??! Ang creepy naman... Ayoko nun!"
"Haha! Teka... Naiiba na yung usapan eh... Yung tungkol sa grupo... Mati may Gang sila... The Guns yung pangalan ng gang nila... Parang The Guns Gang? Basta un na yun... Tapos meron daw sila laging kaaway... Yung... The-the... The Dagger Kings ba yun? Ay ewan basta yun na yun! Basta corny yung name..."
"Teka... So parang yung dalawang yun yung nakikipag-basagan ng ulo? Ganun?"
"Tumpak!"
"Aah... Okay..."
"Tapos eto pa... Alam mo bang si Joe... Pag may nakitang Chixx, tatargetin nya agad... Yung parang papaasahin tapos iiwan? Yun! Tapos yung Charlie naman napapagkamalan na daw na bakla kasi sabi nya si pa daw sya naiinlove... Yung Jhon naman, pag-naiinlove hindi alam... Yung parang ayaw nya sabihin sa sarili nya na inlove sya? Yun... Pero pag pinaglalaruan nya lang, ang bilis nya magsabi ng I Love You..."
"Hmm... Okay! Hanep ang pe-playboy pala ng mga yun?"
"Oo kaya wag ka tutulad sa mga yun! Jusko wag ka sana mahawa... Tapos... Sabi nila... Naging ganun daw yung mga yun kasi, parang.. Niloko daw sila nung mga girlfriend nila na sobrang mahal nila.. Kaya yun! Nagloko..."
"Owww..."
"Yeah... Tapos si Charlie yung pinaka bata sakanilang lahat... 15 lang ata yun eh! Pero nagtataka ka kung bakit naging tropa nya si Jhon at Joe? Well... Sa sobrang talino nyan dati eh napunta agad sa mga kalevel natin... Eh iniwan nga ng GF nagloko na... Hindi naman sya mabagsak ngayon kasi malakas sya sa Spoiled Brat na anak ng Principal..."
"Hmm... Okay..."
"Ano pa ba? Ah! (Blah blah blah)"
Di ko akalaing madaldal pala si Crystal... Haha! Pero infairness ha! Sa kadaldalan nya, sure na ako na hindi na ko mao-OP...
Ang saya kasama ni Crystal
End of Chapter 5