Many Years Later
Sa loob ng maraming taon na wala sila sa tabi ng isa't isa.Ang mga taon na puno ng sakit at hinanakit. Ang mga taon na puno ng pag-iyak tuwing gabi. Sa mga taon na yon ay maraming nagbago.
Pilit na kinakalimutan ang tao na nagbigay ng kasiyahan sa buhay nila. Pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman. Pilit na naghahanap ng tao na baka makapagkumpleto ng pagkukulang na kanilang nararamdaman ngunit parehas bigo.
Sa pagbabalik. Ano kaya ang maaaring mangyari? Anong magiging epekto ng pagbabago sa relasyon nila?
Sa maraming taon na yon. Ang pakiramdam kaya nila ay nakatago pa? O baka naman binaon na sa limot.
Chris' POV
"Hey Dude!"sabi sakin si Steven sabay apir pa.
"Uyy! Ano balita?"sabi ko. Half Pilipino sya kaya naiintindihan naman nya ko. Ayokong manosebleed sa tuwing kausap ko sya noh!
"Wala naman. Uyy! Yun na si Zoey!"
"Hello Guys!"sabi naman ni Zoey. Nagtatravel yung papa nya sa iba't ibang lugar at saktong sumama sya nung papunta yung papa nya sa Pilipinas kaya marunong sya magtagalog, kaso nga lang medyo slang parin.
At. Sya rin yung babae na niligawan ko. Nagbakalasali na malilimutan ko sya. Pero inamin ko ang lahat sakanya. Na panakip butas lang sya. Pero imbes na magalit sya, pinatawad nya pa ko. Bestfriend nga kami eh. Pero wala paring tatalo kay... Alam nyo na.
"Asan si Chloe? Yung lagi mong kasama! Yung BFF mo!?"sabi ni Steve na parang nang-aasar kay Zoey.
"Sus! Y'know that girl naman. Always late in our lakad!"haha. Ang conyo.
"Yucks! Ang conyo mo Zoey!"sabi ko.
"Hoy hoy hoy! Lovebirds! Nag-aaway nanaman ang Tanga"sabi ni Chloe na kakadating lang sabay turo kay Zoey "At ang PAASA!"Sabi nya at ako naman ang tinuro.
Si Chloe yung Pilipino na nagmigrate lang dito sa America. Yan yung pinaka pintasera at shushunga shunga saming apat eh!
"Huh? What's Tanga and Paasa?"tanong ni Zoey kay Chloe. Ang dami pa nyang hindi alam na tagalog words!
"Yung Tanga ay Dumb. Nagmamahal at naghihintay para sa tao kahit alam nya na hindi sya kayangmahalin nung taong mahal nya. Parang si Juan Tamad! Naghihintay at nagpapakatanga na mahuhulog sakanya yung prutas!"sabi naman ni Chloe.
"Huh? Who's Juan Tamad?"tanong ni Zoey. Nyahahaha!
"Naglitnya ka dyan, hindi ka naman pala naiintindihan."
"Yung paasa naman, yun yung taong nagbibigay ng motibo sa tao na mahal ka nya pero hindi naman pala."sabi ni Steven.
...
...
...
...
A-W-K-W-A-R-D
May past kasi sila Steven and Chloe.
"What's Motibo?"sabi ni Zoey na magbasag sa katahimikan naming lahat.
"Nako! Wag na nga, tara na lakad na tayo! Walang katapusang eksplanasyon na to eh!"
*Riiing Riiing*
"Ayy teka! Yung Phone ko Ringing"sabi ni Zoey.
"Ang Conyo ng GF mo!"bulong sakin ni Steven. Siniko ko lang sya.
"She's not my girlfriend anymore."bulong ko sakanya. At nagulat sya. Huh? Hindi pa ba nya alam? Akala ko sinabi na ni Zoey!
"Huh? REALLY??!! Yes! Thank You Dad! MUAH MUAH!!!"Sabi ni Zoey sa kausap nya sa Phone.
"Sino yun?"tanong ko.
"Why? Are you Jealous?"tanong nya.
"Aha---"hahalakhak pa sana tong si Chloe pero piligilan ni Zoey.
"Pupunta daw akong Philippines! That's my Birthday Gift from Dad! Isama ko daw kayo!"
"Really Best?? YIPPIEE!!! Makakabalik na ako samin! Dalaw tayo samin ah?"sabi ni Chloe.
"What's dal---"
"WALA"
"Since si Chris ang pinakamatagal sa Pinas, he will be our Tour Guide!"-Steven
"Luh. Talagang ako?"sabi ko sabay turo pa sa sarili ko.
"Teka, kelan ba yan Best!?"tanong ni Chloe.
"Next Week"
"Yes! Excited na ko!"sabi ni Chloe.
Ako? Nanginginig ako ngayon sa posisyon ko. Ayokong bumalik. Hindi ko kaya. Hindi ko pa kayang makaharap sya ulit...
At tinuloy namin ang lakad namin. Pumunta muna kaming Starbucks.
"Uhmmm... Teka, Zoey. Of all places, bakit sa Phillipines pa?"tanong ko.
"KASI DUN DAW YUNG BIRTHPLACE NG MAHAL NYA!!!"-Steven
"Siraulo. Si Zoey ka ba?"-Ako.
"Uhmm. Because I liked it more than any Country we Visited"
"Ah. Don't you like to go to France? Singapore? Disneyland? Korea?"
"No. There's something special there that I can't explain"
"Ok."
Matagal pa yun pero kinakabahan na agad ako.
Ano nalang ang gagawin ko pag kaharap ko na sya? Hala! Baka Galit sya sakin! Patay. Ano kayang mangyayari pag ganun?!
"Dude. Natatae ka na ba dyan? HAHAHA"Sabi ni Steven.
"Sira. Wala may inaalala lang."
"Sus. ZOEY OH! PROBLEMADO SI--- HEY!!!"Sabi ko nung inapakan ko yung paa nya.
"Shut up"sabi ko.
Wag kaya ako sumama? Sheesh. Ang babaw naman ng rason ko kung ganun.
Pero hindi naman siguro kami magkikita dun diba? Sa laki ba naman ng Pilipinas.
Pero kahit na mangyari yun. Handa akong harapin yun. Kasi...
Hanggang ngayon... Mahal ko pa sya...
End of Chapter 54
It's a dream come true. (May part 2 pa po yan! Kaso nga lang hindi ko pa po napa-publish)
My Mean Girl. (No Comment. Basta basahin nyo. Haha!)
Thanks