Chapter 40- Flight

101 6 0
                                    

Rebecca's POV

Hala, nasan na ba yun? Hindi ko makita si Khris! San kaya yun pumun--

"GAGO KA KASI!!"Hala! Si Khris yun ah?

Narinig ko yung parang may sumusuntok.

Teka! Hala! Baka may ka-away si Khris dun! Baka may kasuntukan!

Nung narinig ko na palakas ng palakas yung tunog. Dumikit ako dun sa pader. Lam nyo yun? Ninja Style.

Sumilip ako ng konti. Nakita ko si Khris peri hindi ko alam yung sino or ajo yung sinusuntok nya. Pero sumugod agad ako.

"Hoy! Maghunusdili ka! Kawawa naman yung sinu... suntok... mo..."pahina ng pahina yung boses ko nung makita at narealize ko na pader pala yung sinusuntok nya.

"Si Crystal?"

"Ewan ko, si Chris na ang baha--"

"Si CHRIS??!!"susugod nanaman sana sya pero pinigilan ko lang sya.

"Hoy hoy hoy! Ako na bahala dun pag may ginawang kalokohan yun! Ok?"

"Hay... Siguraduhin mo lang. Tska bakit ka nandito?"

"Po? Nandito po ako para damayan po ang isa pong lalaki na parang wala pong respeto."wala syang sagot. Emotionless yung mukha "oh eh bakit nga pala hindi mo alam kung nasan si Crystal? Inaway mo ba?"

"Haay... oo"

"Eh siraulo ka pala eh, kailangan mong makipagbati sakanya bago sya lumuwas papuntang America!"

Bigla nyang kinuha yung phone nya. Dinial si Crystal.

"Kasi mag-aaway na nga lang, kung kelan pa aalis si Crystal. Nako wrong timing kang mokong ka--"

"Ssh!"sita sakin ni Khris. Ngayon ko lang nakita na ganyan kagalit yung mukha nya. Mukhang mahal na mahal nga niya si Crystal. "Ayaw sumagot"

"Ano bang sinabi mo?"

"Wala."

"Wala? So ano, Abnormal sya para magtampo ng walang dahilan?"

"May nasabi ako sakanyang masamang bagay"

"Ah basta ayusin nyo ya-- HOY! Bumalik ka dito! Aba!"takbuhan daw ba ko ng mokong? Hahabulin ko pa sana kaso nga lang umulan. "KHRIS!!!"Sigaw ko pero lumingon lang sya. Syet! Ganyan tayo noh? Bastusan!?

The next day

Ngayon na yung flight ni Crystal. How's Khris kaya? Yuck conyo...

"Rebecca! Ano balita kay Khris?"

"Psh. Yung siraulong yun? Iniwan kaya nya ko sa ulanan! Ikaw? Ano balita kay Crystal?"

"Ehh... Sinabihan daw sya ni Khris ng Selfish eh"

"Ah! So yun yung sabi ni Khris na nasabihan nya si Crystal ng masama?"

"Hmm.."sabi nya sabay nguya ng burger.

"Tara na nga! Baka ma-late tayo sa flight ni Crystal!"sabi ko tapos hinila ko na sya. "Pupunta kaya si Khris dun? Makikipagbati na kaya yung isa sa kanila?"

"Hmm"

"Linchak naman eh, nguya ka ng nguya eh!"sabi ko sabay hampas sakanya.

"Aray, bakit? Di pa ko nagla-lunch eh, ikaw kasi."

"Ano? Anong ako?"

"Wala! Sabi ko, oh ikaw! Gusto mo?"

"Hay nako!"sabi ko with maching face palm pa.

Paki-palaalala nga kung bakit ko to minahal...

Crystal's POV

Hay. Hindi ko alam kung mamimiss ko si Khris o... Ay ewan!

Sheesh. Nakaka-kaba.

6:00 palang umalis na ko ng bahay. Pupunta pa kasi ako sa puntod ni Kuya eh. 8:00 pa naman ang flight ko. Pupunta kaya si Rebecca? Tinext ko na sya eh.

Eh si ano kaya pupunta?

Sheesh-maryosep. Malamang di yun pupunta! Baka nga mag-celebrate pa yun kasi wala na yung SELFISH na babae na buhay nya. Haay.

Dumeretso ako sa puntod ni Kuya.

"Hi Kuya."sabi ko habang pinupunasan yung maalikabok nyang puntod. "Sorry ha? Matagal-tagal na rin akong hindi nakabisita."sabi ko. "Nakakamiss ka naman kuya."dagdag ko. "Aalis na ko kuya ha. Punta na kong America. Kinukuha na ko nila Tito at Tita eh."sa totoo lang naiiyak na ko. Pinipigilan ko lang. "Sorry ulit kuya. Alam mo naman na siguro yung mga nangyari samin nila Rebecca diba?"nakaka-guilty. Kada-oras na maalala ko yun, nagi-guilty ako. "At. Alam mo ba kuya. Nakita ko na si Bru. Kaso nga lang. Hindi kami magkasundo ngayon."at dun na nagsimulang pumatak yung mga luha ko. "Sige. Bye na kuya ha? Haha. Ang drama ko! Haha! Hay. Mamimiss kita."sabi ko tapos nilapag ko na yung bulaklak na binili ko.

Tuluyan na kong umalis. Tapos dumeretso na ko sa Airport.

Aish! Napaka naman. Nakakatakot. Nakakakaba.

Umupo muna ako ng saglit.

"Crystal!"narinig kong sigaw ni Rebecca. Kasama nya si Chris.

Pero hindi si Khris.

Aish! Kung ayaw nya pumunta edi wag nya! Poproblemahin ko pa ba sya? Hmp! Arte arte nya.

"Hinahanap mo sya noh?"

"Ha? Hindi ah!"

"Weh? Eh nandito na nga ako sa harap mo eh, pero daig mo pa ang bulag parang hindi mo kami makita kasi iba ang hinahanap mo."Hay nako Rebecca. Ang bait mo naman, bakit nga pala kita kinainisan dati?

"Tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot."sabi ni Chris habang dina-dial ulit yung number ni Khris. "Halos makabisado ko na yung number ng mokong na to ah? Buti nalang unli ako."

"Kung ayaw mong tumulong, ehdi wag mo! Nakakahiya naman sayo eh noh? Hindi naman kasi kita pinipilit!"sabi ko pa.

"Eh bakit naman kasi hindi ka nagpapaalam! Kahit sino naman siguro magagalit diba?"sabi pa nya.

"Gaya nga ng sabi ko kanina. Wag ka nang tumulong kung ayaw mo! Baka napipilitan ka lang!"

Matagal-tagal din kaming nag-bangayan dun. Halata namang nagseselo-- ESTE NAIIRITA na si Rebecca saming dalawa kaya tinigil na namin. Eh sakto namang fight ko na.

Teka WUUT??!! Sh*t flight ko na!

Waaah!!

End of Chapter 40

Yay! Buhay na ulit ako! Hahaha! Tnx ulit sa mga sumosoporta! Muah!

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon