Rebecca's POV
Nagising ako sa sikat ng araw.
Teka, asan ba ko? Bakit di ako makagalaw?
Dinilat ko ng mabuti yung mga mata ko. At tumambad sakin ang napakagwapong mukha ni Chris. At napakalapit nya sakin...
Teka...
ANO?!!
Natulak at napabangon ako ng di oras.
Oo nga pala! Nakulong kami dito sa Library nila Chris... Tapos... Nakatulog kami??!! DITO?!?! KAMING DALAWA?!?! MAGKAYAKAP PA?!?!
Nooooo!!!
"Hoy! Aaaah! Anong nangyari?! Binastos mo ba ang aking magkababae kagabi??!!"tanong ko kay Chris...
1....
2...
3...
4...
5...
"HAHAHAHAHAHA!!! Ang dumi ng isip mo! NYAHAHAHAHA!"WUTDA.
"Aba malay ko ba kung may nawala na pala sakin kagabi? Huh!"
"Sus. Syempre wala noh! OA mo"
"Weh? Pano naman ako makakasiguro?"
"Kasi may respeto ako sayo kaya hinding hindi ko gagawin yun noh."
Napatunganga naman ako dun.
*click*
"Aay nako! Mga batang to talaga! Pano kayo napunta dito? Eh ngayon ko lang binuksan tong library!"sabi ni Manong Janitor.
YES!!! WE'RE FREE!!!
"Kuya, nalock po kaya kami kagabi dito!"sabi ko kay Manong. Aba't buti Saturday ngayon.
"Ah, kaya pala may mga magulang dun sa baba. Tinatanong kung nasan yung mga anak nila. Uyy baka magulang nyo yun!"sabi ni Manong Janitor.
Nagkatinginan kami ni Chris tapos sabay kaming umalis sa Library.
Pagbaba namin nandun nga yung mga magulang namin na kausap yung Principal.
"nako! Anak!"sigaw ni Momma sabay yakap sakin
"hoy babae! anong nangyari? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Bakit hindi KAYO umuwi kagabi? Nagtanan kayo?! Ikaw, bata bata nyo pa---"
"Papa. Nalock kami sa Library. Hinding hindi po namin gagawin yun noh. May pangarap pa po kami."sabi ko.
"Oo nga naman Honey. Ang dumi ng isip mo! Hindi ganun ang anak namin! Ayy, teka. Nasabi mo kanina na aalis na si Chris?"una, natutuwa ako kasi hindi ako pinagalitan ng malupit. Pero nalungkot ako kasi naopen nanaman yung topic na aalis na si Chris
"Oo nga eh! Magkakahiwalay ang magbestfriend! Ayy. Teka! Couples na pala"sabi ni Tita.
"Break na po kami"sabay naming sabi ni Chris
"ANO??!!"sabay sabay naman nilang sinabi. (Including Principal)
Napatingin kaming lahat dun sa Principal
"Ayy sorry."sabi nya tapos pumasok sa office nya.
"Ngayon na nga pala yung flight namin. Ano, gusto nyo sumama sa Airport?"-tanong tito.
"Oh sige--"
"Hindi nalang po ako sasama..."sabi ko bigla. Ayokong makita syang umalis. Lalo akong nasasaktan. "Medyo antok pa po kasi ako eh. itutuloy ko nalang po yung tulog ko sa bahay... Mauna na ko ha"sabi ko tapos umalis na ko sa school. Uuwi na ko.
Habang nasa daan, hindi ko mapigilan ang mga luha ko.
"Rebecca!"sigaw ng lalaki sa likod ko. Hindi ako lumingon kasi ayokong makita nya kong mahina. Pero niyakap nya ko mula sa likod. Sobrang higpit.
Lalong nagwala ang mga luha. Hindi ko na napigilang humagulgol.
"Mamimiss kita Chris..."
"Mas lalong mamimiss kita... Rebecca... Ikaw lang ang nandito"sabi nya tapos kinuha nya yung kamay ko para ilagay sa puso nya. "Pero sana... Makahanap din tayo ng tao na magmamahal sa atin... Sana makahanap tayo ng taong mamahalin din natin... Hindi dapat tayo magpakulong sa pag-ibig ng isa't isa... I'm letting you love another person..."
Lalong umagos ang luha ko at mas napahagulgol pa ko.
Hinalikan nya ko sa noo at niyakap ulit ng mas mahigpit.
Niyakap ko rin sya. Kasing higpit ng yakap nya.
"Chris... Ito na ba ang last na yakap natin? Ito na ba?"
"Hindi ko alam Rebecca..."bigla syang humarap sakin... At hinalikan ako...
Ang halik na nagpapatunay na mahal nya ko...
Kahit sa huling sandali...
"Pwede tayong magkayakap kahit kelan. Pero baka imposible na nating maramdaman ang halik ng isa't isa..."sabi nya at tuluyan na syang umalis...
Chris...
(NYAHAHA!!! Pinabasa ko to sa Classmate ko, akala nya may mamamatay sakanilang dalawa (Chris at Rebecca) Hahaha. Ganun ba talaga kaOA ang mga characters ko? Haha. Sorry. Hindi ako marunong magpaiyak eh. Naistuck tuloy ako dito.)
End of Chapter 53
Okey! Ieextend ko po tong story hanggang 65 Chapters! Wala lang. Sinisipag eh. Nyahaha! Yan po yung bawi ko sainyo dahil sa maikling update ko today ; )
Pabasa rin po nung dalawa ko pong story:
It's a Dream Come True - First Story ko po yan!
My Mean Girl - Second Story po. HehePa-vote po, tska po paleave ng Comment! Thank you Readers! <3