Chris's POV
Hello... Kilala nyo na siguro ako? Ako yung lalaki na hindi popular... Konti lang ang kaibigan... At kung magka kaibigan ee... Mahal ko na agad... Oo mahal ko ang nag-iisa kong kaibigan... Si Rebecca... Eh sa tagal naman ng pinagsamahan namin sinong di mapapamahal? Ang kaso... Hindi ganun ang tingin nya sakin... "Best Friend"yown! Hanggang dun lang ako... Nothing less... Nothing more... Friendzoned kumbaga... Actually hindi PA kasi hindi pa ko umaamin... Pero siguro pag-umamin ako, sure friendzoned... Or baka mas malala! Baka iwasan nya ko! Nega na kung nega... Torpe na kung torpe...
Nandito ako sa canteen... Kumakain mag-isa... Nasan si Becca? Andun... Hinahanap daw meant-to-be nya... Sana ako nalang... Sana ako nalang yung meant-to-be nya... Pero wala ee... Malabo yun mangyari...
"Chris!"nagulat ako nung biglang may yumakap sakin... Si Becca... Umiiyak nanaman...
"Oh? Anong nangyari Becca?"tanong ko sakanya tapos pinaupo ko na sya sa tabi ko...
"Si Carl kasi... Huhuhu!"
"Anong ginawa nya sayo? Tara reresbakan ko!"
"Nge? Weh? Kaya mo ah?"aba biglang tumigil sa pag-iyak?
"Aba't umiiyak ka diba?"
"Oo nga... Huhuhu! Tinu time ako ni Carl!"haaay... Carl... Sarap mo isalvage...
Haay... Maraming beses na ko nandito sa scene na to... Ilang beses na nya ko iniyakan dahil sa mga BF nya na akala nya meant-to-be na nya pero niloloko lang pala sya... Laging ganito...
Naiinis rin ako sa mga lalaking yun eeh! Kung ako sakanila, hindi ko hahayaang umiyak si Becca! Ang perfect kaya nya! Maganda, mabait, matalino... San ka pa? Yun nga lang manhid... Hindi rin... Torpe lang ako...
"Huhuhu... Akala ko talaga sya na meant-to-be ko... Hindi pala! Nagtutime sya sakin... Nakita ko sya kanina na may kahalikan na ibang babae... Ayun! Nakipagbreak sakin... Nasampal ko sya! Akala ko talaga... Ano ba yan! Kelan ko ba kasi makikita yung meant-to-be ko??!! Ang tagal nya dumating naiinip na ko... Kelan kaya sya dadating?"nandito sya all the time... Malapit lang sayo hindi mo lang napapansin... Yung lagi mong iniiyakan... Ni minsan di mo man lang naisip na pwedeng ako yung meant-to-be mo? I'm the boy you NEVER notice...
"Ako kase meant-to-be mo..."sabi ko... Kahit seryoso ako, iisipin nya na nagbibiro lang ako... Best Friend eh... Best Friend LANG eeh...
"Hahhaha! Baliw ka talaga... Buti nalang nandito ka para pangitiin ako..."oo nga... Ako yung Best Friend/Clown mo... Yun lang eh... Hanggang dun lang!
"Haha... Oo... Ganda mo kasi pag-nakangiti!"
"Aww! Sweet mo BesPren!"yeah... Bespren... Lang..."Tara na nga.. Kain na tayo... Uy penge nga nyan!"sabi nya...
"Kunin mo na kung ano gusto mo dyan!"pati ako pwede kunin mo na?
"Thanks Bespren! Muah! Love you!"
"Love you too!"sabi ko... Kahit hindi sya seryoso, ako seryoso sa pagsabi ko ng I love you... Damang dama ko... Feel na feel...
Later: Next Subject
"Hello Rebecca!"
"Hi Becca!"
"Morning Ganda!"
"Hi Miss B.(Miss B. Means Miss B.eautiful... Yan tawag sakanya dito sa school... Popular sya eh...)"
"Hello!!"puro lalaki naman mga bumabati sakanya... Yung iba ex nya...Ang galing... Sya, napapansin at binabati... Pero ako na katabi nya? Wala... Extra... Invisible...
"BES!"sigaw nila Christine, Joy at Julie... Mga babaeng kaibigan nya... "Hi Chris!"dahil kaibigan ako ng kaibigan nila, kaibigan din nila ako... Gets? Tska... Sila ang nakakahalata na may gusto ako kay Becca... Este alam na nila... Dati pa... Tuwing sinasabi nila kay Rebecca na may gusto ako sakanya, tumatawa lang sya... Na para bang biro lang...
Umupo na kami sa upuan... Ganito seating arrangement namin...
| Julie | Ako | Becca | Christine
| Joy |Kinekwento na ni Becca kay Christine yung nangyari dun sa "carl" achuchhu..
Si Joy naman nag-aadvance reading... nerd yan eh...
Si Julie naman nag-eearphone lang... Boyish yan...
Ako naman nakatitig lang ang tingin kay Becca... Ang ganda nya kahit nakaside view..."Baka matunaw..."sabi sakin ni Julie...
"Adik ka! Nagmumusic ka diba?"sabi ko... Sa kanilang tatlo nila Joy, Christine at Julie, si Julie ang pinaka close ko... Pero PINAKA close talaga ako kay Becca... Namahal ko nga eh...
Maya-maya nakaman namin na Absent yung teacher... Biglang nagkandagago gago sa room... May nga tumatalon, may mga sumisigaw... Parang mga tanga... Maya-maya lang pumasok na yung 3 heartrob sa school... Si Joe, Jhon at Charlie... Mga pogi na tinitilian ng mga babae na daig pa ipis... Bad influence naman yang mga yan! Bad boy, nagcucutting, at tignan mo! Late pumasok... Pero hindi sila nagbibisyo...
"KYAAAHAHA! Joe ampogi mo papicture!"
"CHARLIE I LOVE YOU AKIN KA NALANG!"
"JHON! POWTA MAKALAGLAG PANTY ANG KAGWAPUHAN MO!!"Malalanding babae... Buti nalang hindi ganyan si Becca...
"OY BECCA KRAS KA KAMO NI CHRIS!"ayan nanaman sila Christine...
"Hahaha! Chris oh kras mo daw ako!"totoo naman eh...
"Oo nga! May lihim na pagtingin yan sayo!"~Tin
"Weh? Eh bakit hindi ko alam?!"~Becca
"Eh kase Manhid ka at Torpe sya!"~Joy
"Diba ang galeng? Perfect Match kayo!"~Julie
Haay naku... Pag talaga nalalaman na sinasabi kay Becca na kras ko sya, tumitigil sa mga ginagawa... Yung kaninang magbabasa at nagmumusic ngayon nakikichismis na...
"Chris pigilan mo nga sila! Inaasar ako!"childish na sabi ni Becca...
"Oy tigil daw"yun lang nasabi ko...
"AYIIEEEE!! Ginagawa talaga mga sinasabi ni Bes! Nako true love yan!"
"Ogag ka talaga Bes!"sabi ni Becca...
"Hahaha!"sige tawa nalang Chris...
Nakita ko yung mga heartrob na nakatingin sakin... Tapos nagbubulungan... Nasabi ko ba na mga basagulero din tong mga toh? Naku baka pinaplano nilang bubugin mamayang uwian!
"UY SI CHRIS! MAY KRAS KAY CRYSTAL!!"sigaw ni Becca...
HUWAATT??!!
End of Chapter 1