Bad #21

55.1K 996 28
                                    

-BAD #21-






"ANO?! Si Wade?! Seryoso ka? May relasyon ba kayo?" Gulat na tanong ni Xyra sa'kin nang araw na yon. Bumuntong hininga ako. Kinukwento ko kasi sa kaniya para makahingi sana ng advice. Hindi ko naman kasi makausap si Prim at alam kong madaming iniisip yon.






"Wala kaming relasyon. Ganito kasi yan, dinuko ako nung mga tauhan ni Takama kaya ako napunta doon sa bidding kung saan nandoon din si Wade. Hindi ko alam anong pumasok sa utak niya at binili niya ko sa halagang 500 million dollars. Tapos iyon palang Takama, siya pala may ari ng kumpanya na pinagutangan ng mga magulang ko noon. Kaya ang lumalabas ngayon kaya ako binenta sa bidding ni Takama ay para maibalik sa kaniya ang utang na yon." Kwento ko sa kaniya. Tumango tango si Xyra at ininom ang gatas niya.






"Matalino din si Takama ha, pero teka? Pano ba kayo nagkautang kay Takama?" Curious na tanong ni Xyra. Naalala ko pa ang kwento ng mga magulang ko noon sa'kin. Napakatagal na noon.





"Dati kasi naaksidente ako. Hit and run. Bata pa daw ako noon. Hindi naman mayaman ang mga magulang ko at tama lang sa'min ang kinikita ni Papa. Malubha ang nangyari sa'kin. Nagkaron ng kumplekasyon pero hindi ko na maalala kung ano iyon." Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng ulo ko at kinapa ang peklat ng tahi sa anit ko. Ito ang nagpapaalala sa'kin ng malubhang trahedyang iyon.






"Grabe. Naalala mo pa ba kung paano ka naaksidente? Hindi mo ba nakita yung plate number o kahit itsura man lang ng sasakyan?" Sunod sunod na tanong ni Xyra. Ngumiti ako sa kaniya at umiling.





"Lahat ng nangyari sa buhay ko bago ako maaksidente ay hindi ko na maalala." Malungkot na sagot ko kay Xyra. Napanganga siya at hindi makapaniwala.






"Nagkaamnesia ka? Hindi na ba bumalik alaala mo?" Nagaalalang tanong ni Xyra sa'kin. Umiling lang ako at tumawa ng konti.






"Kung babalik man edi sana bumalik na. 16 years old lang ano noong nangyari yon. Ilang taon na ko ngayon ni isang alaalang nawala sa'kin eh hindi  na bumalik." Naging malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Xyra at niyakap na lang niya ko. Malungkot din naman ako na ganoon ang nangyari sa'kin pero syempre tanggap ko na din.






"Anong plano mo kay Wade ngayon? Gusto mo ako na magbabayad sa kaniya para makaalis ka na sa poder niya?" Mabilis akong umiling sa kaniya.






"Hindi hindi ok lang. Mapapagod din naman siya sa pangungulit sa'kin eventually. Hindi nga lang ngayon." Ngumiti ako kay Xyra at bumuntong hininga naman siya.






"Osiya! Babalik na ko sa trabaho. Balitaan mo na lang din ako pag tumawag si Prim sayo ha? Nagaalala na ko sa kaniya." Tumayo na ko at niyakap siya. Hindi man ako nakakuha ng advice ay ang gaan sa pakiramdam na mag kwento ng problema.






"Ako nga din nag aalala na kay Prim. Kahit kay kuya Yckos nagaalala na din ako. Lagi na lang siyang lasing." Hindi na namin maintindihan ang dalawang yon. Kung hindi lang nag makaawa si Prim sa'kin na wag magsalita sa nangyayari sa kaniya edi sinabi ko na kay Yckos lahat.







Nagpaalam na ko kay Xyra at bumalik na sa trabaho. Pagkalabas ko ng elevator ay nakita ko si Wade sa tapat ng pinto ng office namin. Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ginagawa ng mokong na to dito? Nagtago ako at sinisilip lang ang susunod niyang gagawin. May dala dala siyang isang boquet ng bulaklak at chocolates may teddy bear pa. Para ba sakin yon? Napahawak ako sa dibdib ko. Muka siyang nagdadalawang isip kung papasok ba siya o hindi. Hinintay ko pa siyang pumasok pero hindi niya ginawa. Napakamot na lang siya sa ulo niya at itatapon na sana ang mga dala niya sa garbage bin sa gilid niya pero tinakbo ko ang distansya namin at pinigilan siya.







"Ano ka ba? Bakit mo itatapon?" Tanong ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya.






"Where were you? Hindi mo naman break ah? Bakit wala ka sa office niyo?" Masungit na tanong niya sa'kin. Si Xyra at Yckos nga hindi ako pinupuna siya pa?






"Galing ako sa office ni Xyra. May pinasa akong file. Eh ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Sabay kaming napatingin sa mga dala niya. Nginisian ko siya. Ikaw haa.






"Para sa'kin ba to?" Namula siya bigla. Napahalakhak ako ng malakas sa itsura niya. Para siyang batang unang beses lang napahiya sa buong buhay niya.







"N-NO! I just wanna ask you if this is alright. Babae ka alam mo kung anong gusto ng babae." Pag dedeny niya pa. Aysus! Kunwari ka pa Wade. Alam ko na yan mga ganyan palusot.






"Eh kanino mo ibibigay?" Pang aasar ko pa sa kaniya. Nataranta siya ng konti pero hindi niya pinapahalata. Namumula nanaman ang pisngi niya ang cute cute niya!






"What's going on here? Wade? Kanina pa kita hinahanap. Naghihintay na si Yckos sa labas." Napatingin kaming parehas sa babaeng akala mo ay kinuha sa model magazine. Siya iyong babaeng nakita ko sa bahay ni Wade noong huling nandoon ako. Maarte pa rin siya ngayon pero hindi ko maitanggi na napakaganda niya.






"Oh! I remember you. Diba ikaw iyong babaeng binili ni Wade sa bidding? I still cant believe na 500 million dollars ka." Aniya nang mapatingin sa'kin. Tumawa pa ng napakaarte. Gusto ko siyang sabunutan!





"Let's go Lia." Hinila na siya ni Wade pero napatili ang babae nang makita ang hawak ni Wade.






"Is this for me! Of course para sa'kin yan alangan para sa kaniya. Who am i kidding!" Binigay ni Wade ang lahat ng iyon sa babae pero iritado ang mukha niya. Umangkla ang babae sa leeg ni Wade at hinalikan siya sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Maglaplapan ba naman daw sa harap ko?! Napatalikod na lang ako at pumasok sa opisina. Dinabog ko pa ang pintuan.






Nakakainis! Naiinis ako!

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon