Bad #44

39.7K 861 12
                                    

-BAD #44-








Habang tumatagal kong nakakasama si Wade madami akong nalalaman tungkol sa kaniya. Mga bagay na alam kong hindi niya pinagsasabi sa iba. Tulad na lang ng siya mismo ang pumatay sa sarili niyang Ama. Hindi ko alam ang buong istorya bakit niya ginawa iyon. Pero sigurado naman ako na malalim ang dahilan bakit niya ginawa iyon sa sarili niyang Ama. Nakaupo lang kami ngayon ni Wade so couch dito pa rin sa mansion nila Yckos. Tahimik lang kaming dalawa na nanonood ng tv.






"Babe, do you love me?" Gusto ko na siyang sapakin dahil ilang beses na niya tinatanong sa'kin yan simula nag i love you ako sa kaniya. Pero kesa sa sapakin siya ay napangiti na lang ako.






"Oo nga. Mahal nga kita. Paulit ulit?" Kinurot ko pa ang ilong niya. Ngumiti siya. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa dibdib niya. Naramdaman ko ang puso niya na mabilis ang pagtibok gaya ng sa'kin. Para bang sabay na sabay ang pagtibok ng mga puso namin.






"I just want to hear it. It makes my heart race. I love that feeling." Mahinahon na sabi niya sa'kin. Hinaplos ko ang mukha niya at namula ang pisngi niya. Bakit ang swerte ko? Bakit ako binigyan ng lalaking tulad niya? Wala naman akong ginawang mabuti para mapaulad ang mundo pero heto ako ngayon at tinitignan ang mga mata ng lalaking sobrang mahal ko.






"I love you, Wade. I love you so much." Napangiti siya. Ngiti na lagi kong nakikita sa kaniya pag ako ang kasama niya. Hindi siya ganito ngumiti pag ibang tao ang nakakahalubilo niya pero pag ako ganito siya lagi ngumiti. Iyong para bang ngiti ng isang Wade na walang lakas, walang angas, at walang kasamaan. Si Wade lang.






"Ahh.. Music to my ears. You don't know how many days i've been dying to hear you say that." Niyakap niya ako at hinalikan ang labi ko. Gaya ng laging nangyayari hinalikan ko rin siya pabalik. Kahit kelan hindi ako tumatanggi sa mga halik niya. Hindi ko siya pinipigilan dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko rin. Mahal ko siya eh.






"Will you wait for me to come back?" Tanong niya sa'kin. Kumunot ang noo ko. Tinignan ko siya sa mata at mapungay ang mata niya.






"Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at Hinaplos ang mukha ko bigla naman akong kinabahan.






"I'll be back ok? You have to stay in my mansion for your safety." Bilin niya sa'kin. Naguguluhan at kinakabahan ako.






"Saan ka ba pupunta? Bakit ayaw mo sagutin yung tanong ko?" Niyakap niya ako at hinalikan ang leeg ko. Huminga siya ng malalim.





"It's better if you don't know. I will call you everyday ok? Just promise me one thing.." Kinakabahan talaga ako. Para kasi siyang nagpapaalam tapos matagal na mawawala. Ayoko ng ganito.





"Ano?"




"You'll never... Leave me."






-----






"Goodmorning, Ema. Glad you're back. Oh nice hair." Bati sa'kin ni Derrek pag pasok ko sa opisina namin. Dalawang gabi akong umiiyak ayoko sana pumasok pero kailangan.






"Salamat. Kamusta na?" Pilit kong tinatago ang kalungkutan ko. Sigurado akong ayaw din naman ni Wade na maging ganito ako.






"Ok naman. Masaya kasi ilang linggo nang wala si Sonia dito." Napatingin ako sa desk ni Sonia at wala na ngang gamit doon.






Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon