-BAD #15-
Nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan ng opisina namin sa security department. Hindi ko kaya pumasok pero kailangan kasi eh! Nakakahiya lang humarap sa kanila matapos iyong ginawa ni Wade. Bumuntong hininga ako at napakamot na lang. Aysusme! Bahala na! Nakakaputang ina na tong pag aaligid ni Wade sa'kin. Nagugulo niya ang tahimik na buhay ko. Binili niya ako pero hindi ang buong pagkatao ko. Iniisip ko kung paano ako makakabayad sa kaniya para hindi na niya ako magambala. Pagpasok ko sa opisina ay nakita ko kaagad si Sonia na nakasandal sa desk ko at ginugulo nanaman ang iritadong si Derrek.
"Oh nandito na pala si miss Hickey." Pang aasar ni Sonia sa'kin. Inirapan ko na lang siya. Si Derrek naman ay nginitian ako.
"Makaalis na nga dito. Baka may dala ka pang sakit at mahawa pa ko." Maarte at pakendeng kendeng na bumalik sa desk niya si Sonia. Nakahinga naman ako ng maluwag at hindi ko kailangan makipag away sa kaniya ngayon. Wala din ako sa mood.
"Goodmorning. Coffee?" Inilagay ni Derrek sa table ko ang starbucks coffee na lagi niyang binibili sa'kin. Nahihiya pa rin ako sa kaniya.
"Salamat. Tsaka Derrek, pasensya na pala doon sa ginawa ni Wade. Hindi kami! Hindi ko siya boyfriend! Tsaka iyong mga pula pula sa leeg ko? Allergy iyon. Allergic reaction lang sa itlog." Depensa ko sa sarili ko. Tanga na lang siguro ang maniniwalang allergic reaction iyon pero sana makalusot pa rin. Ngumiti lang si Derrek sa'kin at inilapit muli ang kape.
"Don't worry i understand. Naniniwala naman ako sayo." Sagot niya sa'kin. Hulog ng langit ang lalaking ito! Kagwapo na kabait bait pa!
Dahil doon ay good mood ako buong maghapon. Walang Wade na nang gulo sa'kin. Sabay pa kami nag lunch ni Derrek. Si Sonia nabalitaan kong ililipat ng department kaya mas gumanda pa ang mood ko. Mawawala na ang bruhildang iyon. Nagpaalam ako saglit kay Derrek dahil may kailangan akong ipasa kay Yckos at Xyra. Nauna ako kay Xyra. Natagpuan ko pa si Lucas doon at may dala dala siyang mga damit ng baby.
"Ilang buwan na ba yan at may dala na agad na damit ng baby tong asawa mo?" Tanong ko kay Xyra habang tinitignan ko ang mga cute na damit pang baby na dala ni Lucas.
"Mag 4 months na pala tapos kelan ko lang nalaman na buntis na pala ako." Napakamot pa siya sa ulo niya. Blooming na blooming talaga si Xyra. Maganda si Xyra at mas gumaganda siya ngayon dahil buntis siya.
"Ikaw Ema? Kelan ka mag kakaanak? Si Primrose may anak na pati na rin itong si Xyra. Baka tumanda kang dalaga niyan. Mapagiwanan ka." Sabi pa ni Lucas. Napatawa si Xyra kumunot naman ang noo ko. Bata pa lang naman ako ah? Hindi naman ako nagmamadali magkaanak!
"Xyra konti na lang at sasampalin ko tong asawa mo." Tumawa ulit si Xyra at ganun na din si Lucas
Matapos ng konting kwentuhan ay nagpaalam na ko kay Xyra para bumalik sa trabaho. Pasipol sipol pa ako nang pumunta ako sa opisina ni Yckos. Bumati lang ako sa sekretarya niya at hinayaan niya naman akong pumasok. Pagpasok ko doon ay nakita ko si Yckos na nakatayo sa gilid ng ceiling to floor window niya. May hawak siyang bote ng san mig at nakatingin sa malayo. Hayy. Kung hindi lang sana umiksena si Monica edi sana ok lang sila ni Prim. Kamusta na kaya iyon? Sana ok lang siya.
"Yckos ito na iyong report ng mga bagong security codes. Napasa ko na rin kay Xyra iyong para sa kaniya." Humarap si Yckos sa'kin at halos kumunot na ang balat ko sa noo nang makita ko siya. Hindi ko pa nakikita si Yckos na ganito. He always looks presentable and he's very formal when it comes to work. Kaya hindi ko lubos maisip itong nakikita ko ngayon na kalagayan niya.
"Thanks, Ema." Simpleng sagot niya sa'kin at bumalik na sa swivel chair niya. Ganito ba nagagawa ng love sa kaniya? Ibang iba kay Xyra at Lucas na palaging masaya.
"Ok ka lang na Yckos?" Hindi ko na napigilan mag tanong. Nagaalala din naman ako sa kaniya dahil boyfriend siya ng bestfriend ko.
"I'll be ok, Ema." Sagot niya at nginitian ako ng konti. Palabas na sana ako ng office niya pero biglang bumukas ng pintuan niya. Niluwa non si Wade at ang lalaking nagkadena sa'kin noon sa bidding.
"Oh? Babe? What are you doing here?" Hinapit ako ni Wade at pinulupot ang mga braso sa baywang ko.
"Aba? Babe ka jan. Alis nga alis! May trabaho ako!" Tumawa siya at hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi niya ba alam na nakatingin iyong dalawang lalaki sa'min?! Babagya ko siyang tinulak at tumawa ulit siya.
"Ano ba Wade! Hindi ka na nakakatuwa!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya at tumawa naman iyong lalaking kasama niya.
"Aba, love life sa halagang 500 million dollars? Kailangan ko din niyan." Sabi noong lalaki at umupo sa sofa.
"Gago ka Ryan!" Tumawa si Wade at binato itong Ryan ng cellphone niya. Aba! Ano mayaman? Cellphone pinangbabato lang sa asaran ng kabarkada??
"Wade ano ba aalis na ko. Hindi na talaga ako natutuwa sayo." Seryosong sabi ko sa kaniya. Inilapit niya pa ako lalo sa sarili niya at tinitigan akong mabuti.
"Alam mo kung anong nakakatuwa?" Tanong niya sa'kin habang may nakakapanindig balahibong ngisi sa labi niya.
"A-ano?" Napalunok ako. Parang kinukuryente ang buong katawan ko dahil sa boses niya.
"You.. Me.. On my Bed.. Tonight." Bulong niya sa'kin na halos mapaupo na ko dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Ano bang ginagawa mo sa'kin Wade!!!
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
Chick-LitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...