-BAD #20-
Halos tatlong linggo na akong hindi pinapansin ni Wade. Lagi ko siya nakikita na nagpupunta sa office ni Yckos pero hindi niya ko pinapansin. Siguro napagod na sa pangungulit? Pero feeling ko parang mali naman iyong ginawa ko na pinagsabihan ko siya ng ganoon nung huli kami nagkita. Pero ayoko lang kasi ng ganoon? Iyong sasabihin na mahal ka ng biglaan. Eh hindi ko nga siya kilala at sure akong hindi niya din ako kilala. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro nga hindi totoo iyon kasi hindi na siya namansin ehh. Ito din naman ang plano ko, ang iwasan siya.
"Ema pauwi ka na ba?" Tanong ni Derrek sa'kin matapos ko ayusin ang gamit ko.
"Oo eh. Madami pa kong dapat asikasuhin sa bahay. May test din ako bukas sa online schooling ko." Sagot ko sa kaniya. Nanliligaw yata siya pero hindi ko naman pinapatulan kahit obvious na.
"Ay ganoon ba. Hatid na kita. Dadaan din naman ako sa doon sa inyo kaya sumabay ka na sa'kin." Ngumiti na lang ako at pumayag sa alok niya. Nakakahiya naman kasi lagi na lang niya ako inaalok ihatid sa bahay pero hindi ako pumapayag.
"Buti naman ay pumayag ka na. Magtatampo na sana ako eh." Tumawa kaming dalawa at hinampas ko siya sa balikat ng pabiro. Loko loko talaga.
Habang nasa byahe kami ni Derrek pauwi sa bahay ko ay tawa lang kami ng tawa. Pano kwela din pala siya tulad ko. Nakakatanggal pagod talaga pag tumatawa. Lalo na si Derrek pa kasama ko. Nakakatuwa siya. Gusto ko siyang kasama pero not in a romantic way? Iyong tipong bestfriends lang ganon. Tinuro ko lang ang daan papunta sa bahay ko at nonstop nanaman ang pasasalamat niya sa'kin. Nang makarating kami sa bahay ko ay nakita ko kaagad si Wade na nakasandal sa itim na Dodge car niya na nakapark sa tapat ng bahay ko.
"Si Wade Sandoval yan diba? Bakit siya nandito?" Tanong ni Derrek sa'kin habang tulad ko ay nakatingin din siya sa kaniya.
"Hindi ko alam. Itatanong ko na lang. Sige na, salamat Derrek ha?" Nagpaalam na ko kay Derrek at nagmadaling bumaba. Nakita pa ko ni Wade. Binaba ni Derrek ang salamin sa bintana ng kotse niya at kinawayan ako. Kinawayan ko na din Tsaka siya umalis.
Lumapit naman ako kay Wade na tinitignan ang kotse ni Derrek na palayo sa'min. Masama ang tingin niya pero nawala din iyon nang tumingin siya sa'kin. Tulad ng huli kami nagkita ay mukha nanaman siyang pagod. Pagod ba o maamo lang talaga ang mukha niya ngayon kesa sa normal na ekspresyon ng niya.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya at pinagkrus ang mga braso.
"Why are you with that asshole?" Kunot noo niyang tanong sa'kin. Problema nito?
"Hinatid niya lang naman ako. Kaibigan ko si Derrek." Sagot ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako at bumuntong hininga.
"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko. Bakit ka nandito?" Binuksan ko ang gate at sumunod naman siya sa'kin papasok ng bahay.
"Can i sleep here again?" Tanong niya sa'kin pagkaupo niya sa sofa.
"Ang laki laki ng bahay mo dito ka matutulog? Kumain ka na ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya. Muka nanaman talaga siyang pagod.
"It's lonely at my house. Para naman akong bilanggo sa bahay na yon. I don't feel good staying there. So i'm thinking of staying here for a while." Halos mabitawan ko ang basong hawak ko. May ngisi nanaman sa labi niya at alam kong hindi maganda ang ibig sabihin non.
"ANO?! Hindi pwedee! Hindi ka pwede dito Wade! Ang laki laki ng bahay mo doon ka na lang." Napakamot ako sa ulo ko. Hindi siya pwede dito. Matagal na kong walang kasama dito sa bahay tsaka ano yon? Live in kami? Hindi pwede yon!
"I think you forgot the fact that i own you. Three weeks lang akong hindi nagparamdam sayo nakalimutan mo na?" Tumayo siya at nilapitan ako naestatwa ako sa kinatatayuan ko at napalunok. May kung ano sa ngisi niya na iba ang pakiramdam ko.
"Pe-pero hindi ka pwede dito." Kinakabahan na sagot ko sa kaniya. Pinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Bumilis ang paghinga ko at ganoon din siya. Sobrang lapit namin sa isat isa. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.
"Why? Don't you wanna be with me?" Pinasadaan niya ang tingin ang labi ko at ako naman ay napatingin din sa labi niya. Naginit ang pisngi ko. Bakit gusto kong halikan iyon? Parang hinahanap hanap ko ngayon ang halik niya?
"A-ano? Te-teka..-" bago ko pa mahanap ang sagot ko ay siniil na niya ko ng halik. Damn i missed him! Ano bang nangyayari sa'kin?!
Hinalikan ko siya at hinalikan niya ko. Kahit na nahihirapan akong abutin ang labi niya dahil mas matangkad siya sa'kin ay hindi ko ininda. Namiss ko siya at ngayon ko lang yon naramdaman. Hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari. Nadala na lang ako sa mga pangyayari at nagising na lang ako sa katotohanan nang ipasok niya ang pagkalalaki niya sa kababaihan ko. Nag sex kami. Nanaman. Habang natutulog siya sa tabi ko ay tinatanong ko sa sarili ko kung ano nga ba kami? Hindi naman kami friends? Pero ganito ginagawa namin. Hindi naman kami lubos na magkakilala pero sobra sobra na ang ginagawa namin. Ano ba ko sa kaniya? Ano ba siya sa'kin?
"I love you...." Bulong niya bigla. Tulog na tulog siya. Sleep talking? Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito iyong pakiramdam ko pag sinasabi niya yan? Masakit pero ang sarap pakinggan.
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
ChickLitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...