-BAD #13-
"Nauna na po akong umuwi kasi sumama ang pakiramdam ko. Kukunin ko na lang po iyong sweldo ko ngayon gabi sa susunod." Sabi ko habang kausap ang manager namin sa pag mamarlboro girl.
"Oh siya, sa susunod na lang at magpahinga ka. Sa saturday na ulit tayo magkita kita."
"Sige po. Salamat po." Nagpaalam na ko at ibinalik ang telepono sa lalagyan niya. Naiwan ko kasi sa van namin iyong bag ko. Hindi ko naman kasi alam na hahatakin ako ni Wade dito. Nihindi ko nga alam na magkikita kami!
"Hindi ka pa ba nalalasing?" Tanong ko kah Wade habang nakayukyok siya sa mini bar niya hawak hawak ang bote ng Jack Daniels.
"You know Yckos right?" Malumanay na tanong niya sa'kin. Napangiwi ako dahil tinapat niya pa ang bote ng alak sa'kin. Lasing na talaga siya.
"Oo kilala ko siya. Bakit?" Si Yckos lang naman ang lalaking mahal na mahal ng bestfriend ko. Na ngayon ay nagtatago sa probinsya dahil sa pagbabanta ng babae ni Yckos. Medyo may tama din sa utak iyon ehh.
"What does he have that i don't?" Tanong ni Wade at nilagok ulit ang alak na hawak niya. Hinablot ko iyon sa kaniya at tinakpan. Lasing na siya kaya hindi na siya masyado makagalaw. Buti na lang dahil baka ano pa mangyari sa kaniya ako pa masisi.
"Alam mo anong meron sa kaniya na wala sayo?" Hinila ko siya para makatayo siya at pinaakbay siya sa'kin para maihiga ko na siya sa kwarto niya. Mamamatay na to sa kalasingan.
"What?" Kunot noo niyang tanong sa'kin habang naglalakad kami dahan dahan paakyat sa kwarto niya.
"Puso. Siya marunog magmahal. Ruthless man siya sa kaibigan ko noong simula, pinakitaan niya naman to ng pagmamahal. Nagmamahalan sila ni Prim. Eh ikaw? Wala! Wala kang puso. Para kang isang bato sa gitna ng mga bulaklak. Lahat sila may buhay at ganda. Ikaw wala. Matigas ka at walang pakiramdam. Lagi ka lang makakasakit dahil sa katigasan mo." Ibinagsak ko siya sa kama niya at nakita kong tulog na siya. Napabuntong hininga na lang ako.
Inayos ko siya ng higa at tinanggal ang polo niya. Kahit na sobrang sexy niya ngayon hindi ko muna iyon pinansin. Tinanggal ko rin ang pants niya. Alam ko ang pakiramdam pag lasing. Nalasing na din naman ako. Kaya lang ako walang nag alaga. Basta lang ako nakatulog sa bahay. Nakaboxers na lang si Wade ngayon. Mapepreskuhan na siguro siya ngayon. Pumasok ako sa banyo ng kwarto niya at binasa ang dimpo doon para mapunasan ko siya.
"Lalasing lasing kasi tapos bagsak naman." Bulong ko habang pinupunasan ko ang katawan niya. Wala munang kaharutan ngayon. Kahit nakabalandra ang manly chest, 6 pack abs, at nakakatakam na v line niya ay malakas kong pinipigilan ang sarili ko tumingin.
Nang matapos ko siyang punasan ay napatanong ako sa sarili ko. Oo mabait akong tao. Pero bakit nagpapakabait ako sa kaniya? Masamang tao siya, pinagsasamantalahan niya ang kahinaan ko, hindi siya marunong rumespeto, nuknukan ng yabang at pilyo ang ugali, pero bakit? Bakit ako nagpapakabait sa kaniya? Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin sa kaniya habang mahimbing siyang natutulog. Iba iyong pakiramdam ko sa lalaking ito. Kakaiba kesa sa ibang mga lalaking nakilala ko o sa kahit na kanino. Bumuntong hininga na lang ako. Kumuha ako ng tshirt niya sa drawer at nagpalit ako. Wala akong damit kundi ang uniform lang sa marlboro girl. Hindi na nga ako sanay magsuot noon. Pakiramdam ko ang sikip sikip na sa'kin. Tumaba ba ko?
Lumabas ako sa kwarto niya at nilibot ang buong mansion niya. Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako malatulog. Madaming tumatakbo sa isip ko. Iyong sinabi ni Wade sa'kin kanina. Pinatay niya daw ang Ama niya? Dahil kay Kaith? Sinong Kaith? Habang iniisip ko iyon ay pumasok ako sa isang kwarto na dalawa ang pinto. Punong puno ng mga litrato ang kwarto. May mga mukang mamahalin na frames pa na litrato ng mga magagandang scenery. Si Wade ba kumuha ng mga to? Photographer pala siya ha? Talented. Sa dami ng litrato doon ay may isang nakakuha ng pansin ko. Nakalagay ito sa isang puting frame at nang lapitan ko ay hindi pala siya litrato kundi painting. Isang portrait ng napakagandang babae. Nasa edad mga sampung taon ang bata sa'kin. She looks familiar. Tinitigan ko pa iyon at maya maya pa ay napansin ko ang pangalan sa gilid ng painting.
"Kaith Ledesma." Basa ko. Biglang tumulo ang luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang masakit? Agad kong pinunasan ang luha ko at umalis na doon. Ano ba tong nangyayari sa'kin. Sa antok siguro? Umiling iling na lang ako at bumalik sa kwarto ni Wade.
Tulog pa rin siya. Huminga ako ng malalim at umupo sa gilid ng kama at hinaplos ang mukha niya. Mukang madaming pinagdaraanan si Wade. Ako din naman madami pero hindi ko masyado dinidibdib. Mahihirapan lang ako lalo. Habang nakatitig kay Wade ay naramdaman ko naman ang Awa. Mukang napaka importante sa kaniya ng Kaith na iyon. To think na pinatay niya ang tatay niya dahil pinatay iyong Kaith? Hindi kaya't mahal ni Wade iyon? Nakaramdam nanaman ako nang sakit sa puso ko nang maalala ko ang itsura ng Kaith na sinasabi niya. Umiling na lang ako. Antok lang siguro to. Humiga ako sa sofa dito sa kwarto ni Wade at pinilit matulog. Kahit na nahihirapan ako matulog dahil sa mga iniisip ko ay pinilit ko pa rin. Bakit ko ba iniisip iyon? Wala naman akong koneksyon sa buhay nilang dalawa ni Wade. Iba ang pakiramdam ko kay Wade, iba din ang pakiramdam ko nang makita ko iyong portrait ni Kaith. Kakaiba talaga ehh. Hayy bahala na nga!
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
ChickLitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...