-BAD #8-
Gumising ako ng maaga pero aantok antok pa ko. Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Gusto kong lumayo kay Wade pero i owe him. Hindi naman pwede na basta ko na lang siya hindi pansinin. Hindi biro ang 500 million dollars na ibinayad niya para sa'kin. Ang hindi ko lang matanggap ay hindi ko siya kaya iresist. Delikado ako at ang pagkababae ko.
Ginawa ko ang normal na ginagawa ko sa umaga. Ligo, ayos, kain tapos pasok sa trabaho. Para akong lumulutang hanggang sa makababa ako ng Fx sa tapat ng building. Hindi naman ganito ang mood ko lagi pag pumapasok pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sa dami ba naman ng nakakabaliw na eksena simula noong isang gabi hanggang kahapon ay normal naman siguro mabaliw ako. Napabuntong hininga ako.
"Goodmorning." Malumanay na bati ko sa kanila pagkapasok ko sa security department. Nakita ko si Derrek na nakangiti sa'kin at si Sonia na masama pa rin ang tingin. Wala ako sa mood Sonia wag ko ko simulan.
"Goodmorning, Ema. Absent ka kahapon ha? Which is odd because you never miss a day at work." Inabot sa'kin ni Derrek ang starbucks coffee ay nginitian ko siya.
"Sumama lang ang pakiramdam ko kahapon kaya hindi ako nakapasok." Sagot ko kay Derrek. Magsasalita sana siya nang maghasik ng lagim si Sonia.
"Naku! Baka buntis ka? Sigurado ako hindi mo kilala ang Ama niyang bata sa tyan mo." Maarteng sabi ni Sonia sa'kin at lumapit pa sa desk ko.
"Pwede ba Sonia? Wala ako sa mood ngayon ehh baka hindi ko mapigilan sarili ko itapon ko sayo tong kape na hawak ko. Tsaka ano bang pakielam mo? Pano pag sinabi ko sayong buntis nga ako at si Derrek ang ama may magagawa ka ba?" Tinarayan ko na siya. Hindi naman ako pumapatol sa mga ganitong bagay pero mainit lang talaga ang ulo ko.
"Derrek?! Binuntis mo ang babaeng to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sonia kah Derrek. Hindi nanaman nakasalita si Derrek dahil biglang pumasok si Xyra at si Jonah- ang manager ng security department.
"Goodmorning ladies, and Derrek." Bati niya sa'min. Hindi ko iyon napansin dahil nakatitig lang ako kay Xyra. Parang may kung ano sa kaniya. Parang blooming siya ngayon. Hindi lang ngayon dahil madalas ko naman makita na blooming siya pero iba itong ngayon. Malakas.
"Goodmorning ma'am." Bati namin sa kanila. Nginitian ako ni Xyra at ganun din ang ginawa ko. Kakaiba talaga ang pagka blooming niya ngayon.
"Gusto lang namin sabihin na kailangan mas higpitan ang security ngayon dahil iyon sa utos ni sir Yckos. Hindi naman sa nagkukulang tayo sa security, gusto niya lang ipaalam na kailangan magdagdag ng security dito sa buong building." Paliwanag ni Ms. Jonah. Tumango tango lang kami.
"Nandito si Ms. Xyra dahil kay Ema. Kaya sinama ko na siya dito. O siya iyon lang. Derrek, Sonia balik sa trabaho. Ema, sumama ka muna kay Ms. Xyra." Nauna lumabas si Ms. Jonah kaya naiwan kaming apat dito sa office. Niyakap ako bigla ni Xyra at ramdam ko ang excitement sa kaniya.
"Anong meron?" Tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya at pinakita sa'kin ang phone niya at nakita ko doon si Lucas na may hawak na pregnancy test at tuwang tuwa. Nanlaki ang mata ko. No way!
"Buntis ka?!" Excited na tanong ko. Napapalakpak pa ako at napatalon talon sa tuwa. I'm so happy for her. Mukang tuwang tuwa din si Lucas.
"Well dumaan lang ako dito para ibalita sayo. Sinabi ko na din kay Kuya kaya pupunta siya mamaya sa mansion at kakausapin ako. Kinakabahan nga ako ehh kakabalik lang din yata ni Prim. Feeling ko ok na sila kasi ok na si Kuya eh." Gumaan naman lalo ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Masaya si Prim masaya na din si Xyra. Nakakainggit lang pero masaya din ako para sa kanila. Bigla ko na lang niyakap si Xyra.
"Oh bakit?" Tanong ni Xyra nang yakapin niya din ako. I just feel so left out. Para akong napapagiwanan ng panahon. Sila masaya na ako eto pa rin magisa.
"Wala masaya lang ako para sayo. Worth it lahat ng paghihirap mo. Dumating na blessings mo." Nginitian ko siya at ganoon din siya sa'kin.
"Thank you. Tama ka heto na ang blessings ko. Osige na at mag lunch ka na uuwi na ko dahil si Yckos papunta na siguro iyon sa mansion." Nagpaalam siya sa'kin at nagmadaling lumabas ng office. Nakita ko pa si Lucas sa labas ng office namin na naghihintay kay Xyra. They look so happy together.
Kelan kaya ako titignan ng lalaki ng ganon? Iyong puno ng pagmamahal at iyong tingin pa lang eh alam mo nang kuntento na siya sayo. Kayo na forever? Walang iwanan magsasama at magmamahalan hanggang sa huling hininga? Hayy. Bakit ba ko naghahanap ng ganon eh hindi naman kwento ng Romeo and Juliet ang buhay ko. Hindi sinulat ni William Shakespeare ang buhay ko. Bumalik na lang ako sa desk ko at kinuha ang bag ko para sana makapunta na sa labas at makahanap ng makakain. Ginugutom ako sa pagiisip na may forever nga ba o wala.
"Ema! Ema..!" Napatingin ako kay Derrek. Ay susme! Hindi ko na siya napansin. Ang lalim kasi ng iniisip ko.
"Ay Sorry, may iniisip lang ako kaya di kita napansin." binigyan ko siya ng konting ngiti. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Nag react nanaman si Sonia pero hindi namin pinansin.
"Tara lunch tayo?" Yaya ni Derrek sa'kin pero bago pa ako makapag salita at biglang bumukas ang pinto ng office namin at iniluwa noon si Wade na may kung anong ngisi sa mukha niya.
"Excuse me, but i wont touch her if i were you." Mariin na utas niya. Tumingin siya sa kamay ni Derrek na nakahawak sa kamay ko. Napatanga lang ako kay Wade. Anong ginagawa niya dito?
"Bakit? May problema ba?" Umangas na din ang pananalita ni Derrek dahil sa mayabang na pagsasalita ni Wade. Napalunok ako. Nasan na ba si Prim at Xyra pag kailangan ko sila??
"Uhh.. Te-Teka lang wa-wag kayo-" bago ko pa matapos ang sasabihin oo ay biglang kinuha ni Wade kay Derrek ang kamay ko. Mahigpit ang hawak niya sa'kin na parang isa akong batang mawawala sa mall.
"Don't you dare touch whats mine."
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
Literatura FemininaWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...