Bad #2

96.7K 1.5K 16
                                    

-BAD #2-







"Ema, muntik ka nanaman malate ha nako." Bungad agad sa'kin ng intrigerang si Sonia. Hindi ko na lang siya pinansin at sumubsob ako sa desk ko. Inaantok pa ko. Puyat nanaman kasi ako dahil rumaket ako ng Marlboro girl kagabi. Susme, anong oras na ko nakatulog tapos nakalimutan ko pa na dapat maaga ako ngayon. Sapat naman ang sinasahod ko dito sa trabaho ko pero may pinagiipunan kasi ako kaya kailangan ko pa mag raket ng ibang trabaho.








"Nag marlboro girl ka ba kagabi? Eto oh kape." Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Derrek na may dalang dalawang starbucks coffee. Nginitian ko siya at nagpasalamat para sa kape.








"Sabi ko naman sayo pagkailangan mo ng pera mag sabi ka sa'kin. Delikado iyong nag mamarlboro girl ka." Sabi pa ni Derrek at umupo sa desk niya na nasa tapat ng desk ko.








"Kailangan ko kasi bayaran iyong tuition sa online schooling na ginagawa ko. Diba sinabi ko naman sayo hindi pa ako tapos sa kurso na kinuha ko. Busy naman ako sa trabaho kaya hindi ko maisingit ang pagaaral. Online schooling na lang ang choice ko para matapos sa college." Paliwanag ko sa kaniya. Umiling iling na lang siya sa'kin. Magsasalita pa sana ako nang biglang pumulupot si Sonia kay Derrek na parang linta. Si Derrek naman ay umirap sa kawalan at tinanggal ang mga braso ni Sonia na nakakapit sa kaniya pero matigas ang mukha ni Sonia. Yumakap pa rin siya kay Derrek.








"Baka naman may ibang ginagawa yan si Ema sa pag mamarlboro girl niya kaya ayaw tumigil. Naeenjoy niya siguro. Diba?" Binigyan ako ng napaka pekeng ngiti at nakakasurang tingin ni Sonia. Inirapan ko siya. Kung pwede lang itapon sa kaniya ang kapeng hawak ko ay ginawa ko na.








"Dont talk to her like that Sonia. Sino ba tong nang loko at kumabet sa matandang mayaman na nakilala niya sa bar para lang sa pera? Hindi ba't ikaw? Layuan mo nga ako Sonia." Marahas na hinawi ni Derrek ang mga braso ni Sonia at tumabi sa'kin para bumalik sa trabaho.







Nagpigil ako ng tawa dahil sa reaksyon ni Sonia. Ex girlfriend siya ni Derrek at hiniwalayan siya ni Derrek dahil nga sa kumabit siya sa MMMM (Matandang Malibog na Madaling Mamatay) para sa pera. "Shoo! Balik ka sa desk mo." Pagtataray ko kay Sonia. Umirap siya sa'kin at padabog na bumalik sa desk niya. Ikaw kasi ehh singit ka pa. Nagsimula na akong magtrabaho at nag ayos ng mga codes para sa security. Assistant manager kasi ako ng security department. Ilang oras ang lumipas ay biglang nag ring ang telepono ko at sinagot ko iyon.








"Ema? Pinapatawag ka ni sir Yckos sa office niya." Sabi ni William na nasa front desk. Tumingin ako sa relo ko. Buti na lang ag break time na. Nakakahiya naman kasi tumanggi pag pinapatawag ako ni Yckos sa opisina niya. Binigyan nila ako ng trabaho kaya binabalik ko ang ang kabutihan nila.








"Sige. Pupunta na ko." Sagot ko kay William at binaba ko at telepono.








"Ano nanaman kaya palusot na gagawin ko. Alis muna ko Derrek. Tawag daw ako ni sir Yckos." Paalam ko kay Derrek at tumayo na para pumunta sa opisina ni Yckos.







Ilang linggo na kong nagpapalusot para kay Primrose. Nagkabalikan na sila tapos naghiwalay nanaman. Ewan ko ba kay Prim. Ayaw naman niya mag kwento. Basta ang alam ko nasa probinsya sila ngayon ng inaanak ko. Pagkalabas ko ng elevator ay napatingin agad ako sa sekretarya ni Yckos na namumutla. Problema neto?







"Pasok na ko ha. Baka magtaka ka pa. Araw araw ako pinapatawag dito." Inirapan ko iyong sekretasya ni Yckos at dumiretso na sa opisina niya.







As always, nakasimangot nanaman siya at nakatitig sa laptop niya. "Yckos may balita na." Napatingin siya agad sa'kin.






"Joke lang wala pa."


"Ema naman."




"Eh bakit kasi pinatawag mo nanaman ako?" Napakamot ako. Nakakainis kasi araw araw na lang. Ang dami dami niyang pera di niya gamitin para hanapin si Prim. Hina din nito eh.







"Nagbabakasakali lang. Didn't she call you or text you today?" Bakas ang pagaalala ni Yckos kay Prim. Ewan ko ba sa kaibigan kong 'yon. Mahal naman siya ni Yckos bakit di pa siya bumalik.







"Hindi ehh. Kung tumawag man o nagtext edi sana sinabi ko na sayo." Sagot ko sa kaniya. Tumango tango siya at bumintong hininga. Nakakaawa din naman tong lalaking to. Sana maging maayos na sila ni Prim.






"Osiya, babalik na ko at lunch break na. Babalitaan na lang kita ulit if ever tumawag o mag text si Prim." Yckos gave me a weak smile. Mababaliw na to.





Paglabas ko ng opisina ni Yckos ay may isang lalaking nagmamadaling pumasok sa opisina ni Yckos. Matangkad siya at maliit ako kaya ayon di niya ko napansin. Nabangga niya ko at napaupo ako sa sahig. Bago pa man ako maka pag react kay nakapasok na siya sa opisina ni Yckos.





"Abay gago-" susugurin ko sana pero pinigilan ako ng babaeng kasama niya at ng sekretarya na rin ni Yckos.






"Wag na Ema. Bestfriend ni sir yan." Banta pa sa'kin ng sekretarya ni Yckos. Inayos ko na lang ang uniform ko at huminga ng malalim. Kahit na gago pa rin hindi man lang nag excuse.






Dumiretso na lang ako sa elevator para makabalik sa security office. Parang pamilyar ang lalaking yon. Ilang beses ko na yon nakikita na pumupunta dito pero di ko naman pinapansin. Bahala na. Gago siya. Walang galang sa babae. Sana mabilaukan siya.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon