-BAD #4-
"Xyra ito na yung hinihingi mong weekly report sa security department." Inabot ko kay Xyra ang folder at umupo sa visitor's chair sa harap ng desk niya.
Another day at work. Nakakapagod din iyong paulit ulit ang ginagawa sa trabaho pero nakakatuwa naman pag sumesweldo kaya masarap din magtrabaho. Ang gulo. Nakatingin lang ako kay Xyra habang busy siya sa katetext sa phone niya. Ngiting ngiti pa siya.
"Kilig pa more, Xyra. Konting ngiti pa sasabog ka na jan." Pang aasar ko sa kaniya. Tumawa siya at itinabi ang cellphone niya. Pag may love life talaga.
"Ano ka ba kinikilig lang ako kay Dad kasi pinuntahan niya nanaman daw si Mommy. Araw araw kaya niya dinadalaw si Mommy. Forever talaga kahit na wala na si Mommy mahal na mahal pa rin siya ni Dad. Megan and Nick Sy forevs!" Ngingiti ngiti pa siya at kinikilig pa habang nagkukwento. May pumasok sa utak ko at ngumisi ako sa kaniya.
"Eh Lucas Demitri at Xyra Lalaine? Forever din kaya?" Biro ko sa kaniya. Humalagapak siya ng tawa. Sabi na ehh. Umiling iling na lang ako.
"Halos araw araw na yon dito ah?" Dagdag ko pa. Namula ang pisngi niya. Feeling ko sila na talaga ni Lucas. Sa ngiti pa lang ng lalaking yon pag nakikita ko sa hallway pag dinadalaw si Xyra ay halatang halata na mahal na mahal niya talaga ang kaibigan ko.
"Ay nako basta ok lang kami. No comment." Tumawa pa sa kilig si Xyra. Kumunot ang noo ko.
"Pfft! No comment ka jan ano? Artista? Masyadong showbiz ha. Sige na aalis na ko para makabalik na sa coding at makauwi ng maaga." Nagpaalam na ko kay Xyra at bumalik na sa trabaho. Dahil kay Prim ay naging kaibigan ko na din si Xyra. Friendly naman siya at kagaya ni Prim napakabait niya din sa'kin.
Pagkapasok ko sa opisina nakita ko nanaman si Sonia na nilalandi nanaman ang iritadong si Derrek. Ngumisi na lang ako. Try harder Sonia. Mahihirapan ka lang pero hindi na babalik si Derrek sayo. Kahit siguro pag ako nasa posisyon ni Derrek hindi ko na din siya babalikan. Bumalik ako sa desk ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Sonia. Pinagseselosan talaga ako ng bruhildang to.
"Bakit ka nandito? Can't you see we're talking here?" Maarteng pagsusungit niya sa'kin. Napakamot ako sa ulo ko at pinipigilan ang tawa ko.
"Desk ko to, oras ng trabaho. Ikaw bakit ka nandito? Baka gusto mo bigyan kita ng dahilan para bumalik ka sa trabaho mo." Nginisian ko siya. Ano ka? Pag pinasa ko sayo ang codings at checking baka umiyak ka ng dugo.
"Teka trabaho mo yan ah? Hindi mo pwede ipasa sakin." Tatawa tawa pa ang bruha samantalang si Derrek ay nagpipigil na ng tawa.
"Actually she can pass all of her work to you. Assistant manager siya dito. Hindi nga dapat siya ang gumagawa ng mga iyan dahil trabaho mo yan Sonia." Seryoso pero nagpipigil ng tawa na sabi ni Derrek. Once again napahiya nanaman si Sonia.
"May araw ka din sa'kin Ema." Padabog nanaman siyang umalis sa harapan namin. Nagtawanan kaming dalawa ni Derrek.
Bumalik na ko sa trabaho ko dahil gusto kong umuwi ng maaga. Sino ba naman hindi gustong umuwi ng maaga? Balak ko din sana mag marlboro girl ngayon. Gaya ng inaasahan ko ay natapos ko ang trabaho ko ng maaga. Haayy! Sa wakas. Inayos ko ang gamit ko at naginat. Masyado ko na yatang napapabayaan ang katawan ko dahil sa trabaho. Tumataba na nga ako eh. Sumisikip na ang uniform ko sa marlboro girl.
"Ema, uuwi ka na ba?" Tanong ni Derrek sa'kin. Ang gwapo niya habang tinatanggal niya ang neck tie niya. Pag niligawan niya ko magpapaligaw talaga ako. Ang bait niya sa'kin tapos araw araw niya ko binibigyan ng kape. Kung titignan perfect boyfriend material siya.
"Oo, raraket pa ko ng marlboro girl. Malelate pa ko." Umiling iling siya at hinawakan ang kamay ko. Eehh kilig ako.
"Magusap nga tayo ng masinsinan, Ema." Aniya at pinaupo ako ulit sa swivel chair ko. Inilapit niya ang upuan niya sa'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Bago pa ko makapag react ay sumingit ang magaling na bruhildang si Sonia.
"Oy oy oy! Ano yan!? Bawal yan Derrek." Lalapit sana sa'min si Sonia pero nagsalita si Derrek.
"Wag kang epal Sonia, bubuhusan kita ng kape!" Iritadong saway ni Derrek. Napabalik sa desk niya ni Sonia pero sumisilip silip pa rin sa'min. Inirapan ko na lang. Oo nga wag ka epal Sonia.
"Wag ka na mag marlboro girl, Ema. Sa totoo lang gusto kita at nag aalala ako tuwing nalalaman kong nag mamarlboro girl ka sa gabi." Napanganga ako sa sinabi niya. Teka nga? Ano daw? Gusto niya ko?
"A-ano? Gusto mo ko?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin at tumango. Naginit ang pisngi ko. Ang ganda ko naman. Siguro proud na proud ngayon ang mama ko sa langit.
"Simula dumating ka dito nagustuhan na kita. I'm just worried that you might ignore me if i tell you kaya ngayon ko lang sinabi. Hindi na kasi ako matigil ng kakaisip sayo. I'm worried about you." Halos maputulan ako ng hininga sa mga sinasabi niya. Hindi ko inexpect na mangyayari to.
"De-derrek teka lang easyhan mo lang. Oh my god.." Napahawak ako sa dibdib ko. Kanina lang iniisip ko na boyfriend material siya at pag niligawan niya ko ay magpapaligaw ako tapos ngayon eto na!?
"I'll let yoy think about it. You dont need to answer me now. Pero pwedeng favor?" Hinawakan niya ulit ang kamay ko at tumingin sa'kin. Ang gwapo shet.
"Can i drive you home? Just for tonight?" Parang nag mamakaawa ang mata niya kaya napatango na lang ako. Wala na kong nagawa nang hatakin na niya ako palabas ng office.
Narinig ko pa ang pag ngingilngil ni Sonia pero natawa lang si Derrek. Nang makarating kami sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Akala ko sa movies lang meron ganoon. Kinilig ako! Tapos inayos niya pa ang seat belt ko kaya napalapit siya sa'kin. Ang bango bango niya tsaka ang muscles oh my god talaga. Ang sarap hawakan. Pero nagpigil ako. Ang halay naman kasi diba.
Habang nasa byahe kami papunta sa bahay ko ay nakumbinsi niya akong wag mag marlboro girl ngayon. Ok lang naman siguro kung hindi ngayon pwede naman sa ibang araw pero hindi ko na sinabi sa kaniya. Kunwari na lang pumayag ako. Hindi ko naman kasi mabitawan iyon ehh. Maliban sa trabaho ko ay doon lang din ako kumukuha ng pera. Mabilis kasi ang pera sa pag mamarlboro girl tapos may tip pa. Magbebenta ka lang ng yosi sa bar tapos may mahiwagang 1k ka na paguwi.
"Dito na lang ako. Salamat sa pag hatid." Nginitian ko si Derrek at ganun din siya sa'kin. Yung dimple niya susme!
"Goodnight."
"Good night din. Magingat ka sa pagdadrive."
Tumawa siya at lumabas na ko ng kotse niya. Binaba niya ang bintana at kinawayan ako. Kumaway din ako at tumalikod na para itago ang kilig ko. Pag pasok ko ng gate ay narinig ko na siyang umalis. Hindi matanggal ang ngiti ko. Grabe talaga. Bago ko mabuksan ang pintuan ng bahay ko ay may biglang humila sa'kin at tinakpan ang bibig ko ng panyo. Nagpumiglas ako at halos maiyak na ko sa kaba. Pero masyado silang malakas at nang hina ako sa kakaibang amoy na naamoy ko galing sa panyo. Maya maya ay nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
ChickLitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...