-BAD #31-
"So what do you want to do today?" Tanong sa'kin ni Wade matapos niyang maghugas ng pinagkainan namin. Gusto ko siya batuhin ng tshirt at pantalon. Paano ba naman naka boxers lang? Tapos bakat pa yung... "Patawarin sana ang mga mata kong makukulit." Bulong ko sa sarili ko habang papalapit si Wade sa'kin.
"What did you say?" Tanong niya pa ulit. Umiling iling na lang ako at ngumiti sa kaniya.
"If you want to go out just tell me. But i don't feel like going out today. Gusto ko dito lang muna sa bahay. Matagal naman tayo dito so we can do all the exploring tomorrow." Ngumiti siya at inakbayan ako. Tumango naman ako. Ganun din naman ang gusto ko ngayon. Dito lang sa bahay at magtingin tingin ng mga kung ano ano dito. Ang laki kasi nitong mansion na to. Mukang bago nga talaga siya.
"Sino nga pala iyong tumawag kanina? Sila Yckos ba?" Tanong ko kay Wade. Bumuntong hininga siya at hinalikan ang noo ko. Kahapon pa siya malambing ha. Napapansin ko na talaga. Siguro nga totoo yung sinasabi niyang mahal niya ko? Aysus! Tila kami teen agers na bagong crush crush lang.
"No. It's Maine. She just reported some things at work. Tara sa entertainment room. Let's watch movies or something." Bakas sa mukha niya na may iniisip siya. Hindi siya masaya tulad ng kanina. Baka may problema sa kumpanya niya? Pag dating namin sa entertainment room ay isang malaking flat screen tv agad ang tumambad sa'kin. Parang mini cinema ang dating tapos may xbox pa at mga games. Entertainment room nga.
"Oh i forgot the popcorn. Mamili ka na ng movie i'll just get the popcorn ok?" Hinalikan niya ang pisngi ko at umalis na. Anong problema nun? Ang bipolar? Nilibot ko na lang ang entertainment room at naghanap ng movie na mapapanood. Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko ang favorite kong movie - The Vow. Maganda to!!
Lumabas ako ng entertaintment room para puntahan si Wade. Nakita ko siya sa tapat ng microwave oven na may kausap ulit sa phone niya. Hindi ko alam bakit pero nagtago ako at nakinig. Curious lang ako bakit nagiba ang mood niya. Nagtago ako at nakinig ng mabuti.
"Bullshit. Bakit ngayon pa nagsunod sunod ang problema. Can't Ryan do anything? I know he can do this...pero Yckos pag kumilos ang anonymous at nalaman nila? Ako kaagad ang mapupuntirya. They'll know that i'm hiding Ema. We can't let that happen." Kumunot ang noo ko. Tinatago niya ko? Kanino? Saan? At bakit? Naguguluhan ako.
"We have to do anything we can para hindi nila malaman ang totoo. I can't let them take Ema away from me. She's mine Yckos! Mahal ko si Ema at hindi ko kaya pag inilayo nila si Ema sa'kin." Hindi ko man nakikita ang reaksyon ni Wade ay ramdam ko ang takot niya. Bakit ba siya natatakot? Sino ba ang maglalayo sa'kin? Gulong gulo na ko.
"Alam kong walang sikretong hindi mabubunyag. But before that happens i want to be sure that Ema won't leave me. I love her... And.. And i don't know if i can live a day without her." Sumilip ako at nakita ko si Wade na hinihilot ang sentido niya. Muka siyang iiyak pero pinigilan niya iyon. Napahawak ako sa dibdib ko. Totoo nga.. Totoong mahal niya ko.
Narinig kong nagpaalam na si Wade at nilapag ang phone niya sa dinning table kaya ako nagmadaling bumalik sa entertainment room. Mahal niya nga ako. Hindi naman siya siguro maiiyak kung hindi eh? Ngayon ko lang siya nakitang ganon na parang isang pitik mo lang eh tutumba siya. Hindi siya ganon klase ng tao eh. Maangas siya, mayabang, masamang tao at malakas pero kanina talaga noong nakita ko na parang tutulo na ang luha niya nakalimutan ko yon lahat. Para bang ibang Wade iyong nakita ko. Bumukas ang pinto ng entertainment room at nakita ko doon si Wade na may dalang isang bowl ng popcorn at may juice pa.
"Here's the popcorn. I also got us juice kaya natagalan ako." Umupo si Wade sa tabi ko sabay nilagay ang popcorn at juice sa lamesa. Gusto ko sana siya tanungin tungkol sa narinig ko kanina pero hindi ko na lang siya binusisi. Sasabihin niya din naman sakin yon eh diba? Sana nga.
"Umm. Nakapili na ko ng movie." Ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti din siya pero hindi iyon tulad ng ngiti niya kaninang umaga.
"Romance? You're such a hopeless romantic, Ema." Medyo tumawa siya at pinlay na ang movie. Alam kong may problema siya pero nagagawa niya pa rin ngumiti sa harapan ko. Nagaalala ako sa kaniya. Natatakot din ako kasi curious ako kung bakit ganoon na lang ang pagprotekta niya sa'kin dahil sa ayaw niya kong mailayo ng kung sino man taong pinaguusapan nila ni Yckos sa phone kanina.
Humiga si Wade sa couch na inuupuan namin at umunan sa kandungan ko. Hinahaan ko na lang siya. Nawawala ang takot at pangamba ko. Pag kasama ko siya parang safe na safe talaga ako. Gusto kong ipakita niya pa sa'kin na mahal niya nga ako. Kasi ako.. Pakiramdam ko meron na din akong nararamdaman. Hindi pa nga lang buong buo para sabihin kong mahal ko na din siya. Pero malapit na din doon.
Hinaplos haplos ko ang itim at magulo niyang buhok. Tahimik lang siyang nanonood ng movie. Hindi na nga ako nakanood dahil siya ang tinitignan ko. Hindi siya nagsasalita at naka focus lang sa screen. Hindi ko alam pero bigla akong napatanong sa kaniya ng..
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Wala nang tanong tanong Ema. I love you so much. I would kill if i need to wag ka lang malayo sa'kin."
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
ChickLitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...