-BAD #55-
Nakaupo lang ako sa office ni Xyra at pinapanuod siyang inaayos ang mga gamit sa desk niya. Last day na kasi niya ngayon kasi pinagleave na siya ni Yckos at Lucas dahil ilang buwan na lang at manganganak na siya. Tumingin ako sa relo ko at napansin ko na 30 mins nang wala pa si Wade. Hindi naman ganon kalayo ang mansion dito. Siguro na traffic lang. Nagkibit balikat na lang ako. Nang matapos si Xyra ay dahan dahan siya umupo sa tabi ko dito sa couch.
"Sumakit tiyan ko hehe." Sabi niya pa at hinaplos haplos ang tyan niya. Mukang masaya na talaga siya sa buhay niya ngayon.
"Ninang ako ni baby Rome ha?" Nalaman na kasi nila na lalaki ang baby niya. Pinangalanan agad nila. I'm happy for them.
"Syempre! Ikaw pa! Si Primrose din ninang din siya." Nagtawanan namin at natigil lang kami nang may kumatok sa pinto. Akala ko si Wade na pero si Lucas lang pala. Kasama niya si Primrose at si Yckos.
"Ano ba yan! Napalibutan nanaman ako ng mga buntis!" Biro ko pagkatapos kong yakapin si Primrose. Tumawa sila. They're happy with their lives. Kumbaga nakuha na nila iyong happy ending nila. Ako din sa tingin ko malapit ko na din makuha ang sa'kin pag nasabi ko na kay Wade ang tungkol sa pagbubuntis ko. Nagprenancy test na ko kaninang umaga at nalaman kong buntis nga ako. Positive eh! Dalawang lines!
"Ay nako! Hindi pa rin ako kumbinsido sayo Ema! May feeling talaga akong buntis ka." Biro naman ni Xyra nagtawanan lang kami lahat. Pag si Xyra talaga nagbiro lahat tatawa eh.
"Bakit napunta sa'kin ang usapan? Anong meron?" Sagot ko sa kanila. Napansin kong mga nakabihis sila mukang may pupuntahan.
"Oh nasan na si Wade? Yayain sana namin kayo sumama sa'min sa restaurant. Nagyayaya si Daddy eh." Sabi naman ni Yckos. Napatingin ako sa relo ko. Magiisang oras na siyang wala.
"Wala pa ehh natraffic yata. Pero baka hindi muna kami sumama may paguusapan kasi kami." Sagot ko. Nagkatinginan si Yckos at Lucas na hindi ko alam bakit may parang kung ano sa tinginan nila.
"Ay ganon ba? Baka nga natraffice lang si Wade. Ihahatid ka na lang namin?" Sabi niya ulit. Umiling ako at ngumiti.
"Hindi na ano ba kayo. Enjoy your dinner. Hintayin ko na lang siya sa loby baka may dinaanan lang yon tapos natraffic. Tinawagan ko naman siya." Sagot ko sa kanila. Darating din yon si Wade alam ko yon. Hihintayin ko na lang siya.
"Are you sure ok ka lang? Pwede ka naman sumabay sa'min kasi madadaanan naman yung bahay ni Wade papunta sa restaurant eh." Sabi naman ni Primrose. Sumangayon naman si Xyra. Umiling na lang ako at tinulak ko na sila palabas ng office ni Xyra nang makaalis na sila inaalala pa nila ako.
"Ok lang ako hihintayin ko na lang si Wade kasi baka naman dumating yon dito hindi pa niya ko makita dito. Tara na sa loby. Hatid niyo na lang ako don." Natawa na lang sila sa'kin. Bandang huli nagpaalam sila sa'kin at ako naman ay naiwan lang sa loby.
Isang oras at mahigit na ang lumipas pero wala pa rin si Wade. Nasan na kaya siya? Nagaalala tuloy ako. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya pero hindi ko siya kacontact. "Nakapatay?" Bulong ko sa sarili ko habang paulit ulit na dinadial ang number niya. Bumuntong hininga na lang ako. Nakailang dial na ko pero wala talaga. Sinubukan ko naman tumawag sa mansion pero walang sumasagot. Inulit ulit ko pa kasi baka nandoon pa siya pero wala talagang sumasagot. Naupo na lang ako sa isa sa mga couch dito sa loby at naghintay. Nagaalala na ko baka kasi napano na siya. Ngayon lang siya na late. Paulit ulit kong tinitignan ang phone ko pero ni isang text o tawag niya wala.
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
Romanzi rosa / ChickLitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...