Bad #50

36.1K 709 7
                                    

-BAD #50-





Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ni Wade habang nakahiga. Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. Paano nga kung buntis ako? Matutuwa ba siya? Nagaalala ako sa magiging reaction ni Wade. Ilang linggo na lumipas simula nang dalawin ako nila Xyra at Primrose dito. Simula non ay naging mas maingat ako sa sarili ko kasi pano nga kung buntis ako? Kailangan ko magingat. Sa ilang linggo na pinagtuonan ko ng pansin ang sarili ko ay may mga sintomas nga na buntis ako. Ayoko pa mag pregnancy test hindi naman ako tiwala doon kasi naalala ko kinuwento ni Xyra sakin nag pregnancy test siya ng dalawang beses negative parehas tapos one week later nalaman niya na buntis talaga siya. Bumuntong hininga na lang ako.





Tatawag kaya ulit si Wade? Sabihin ko na kaya sa kaniya? Pero natatakot ako sa magiging reaction niya. Pano pag ayaw niya pala? Anong mangyayari sa'min? Ang gulo ng utak ko ngayon ang daming tanong. Naiiyak ako na ewan. Hayy.. Bakit kasi hindi na lang umuwi na ang bugok na yon! Nakakainis na rin kasi! Edi sana naguusap na kami ngayon diba? Tama ba naman kasi na iwan ako ng ganito katagal? Isang buwan? One month of missery!





Halos 1am na bago ako tinamaan ng antok. Pero hindi ako nakatulog dahil may marinig akong sasakyan sa labas. Dead end ang street nitong Mansion at napakalayo ng mga kapit bahay kaya imposible na hindi dito ang sasakyan na huminto. Lumabas ako ng kwarto at narinig ko rin ang pagbukas ng gate. Sino dumating? Pagdating ko sa mansion ay may mga lalaking nagpapasok ng dalawang maleta. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya si Wade na ang dumating? Tinakbo ko ang front door at doon ko nga nakita si Wade na kakababa lang ng sasakyan may band aid pa sa pisngi niya. Totoo ba to? Napatulala lang ako sa kaniya. Gusto kong maiyak. Sobrang namiss ko siya.





"Honey, i'm home." Sabi niya at lumapit sa'kin na may ngiti sa labi. Biglang bumuhos ang luha ko at pinaghahampas ko ang dibdib niya at umiyak ako ng umiyak.





"Gago ka! Bakit ngayon ka lang bumalik ha?! Tama ba na mawala ka ng isang buwan?! Tapos may pa arte arte ka pa na bawal tumawag?! Nang babae ka lang yata eh! Gago ka talaga!" Sigaw ko sa kaniya habang patuloy na umaagos ang luha ko. Nakakainis siya! Naiinis ako kasi namiss ko siya! Eh kung hindi siya nagtagal edi sana hindi ko siya namiss! Hindi sana ako nalungkot ng isang buong buwan!





"Hahaha! I missed you too, Babe." Binuhat niya ako at hinalikan ang labi ko. Hinalikan ko din siya. Sobrang namiss ko siya. Sa wakas nandito na ulit siya.





"Babe, stop crying. I'm here." Sabi niya at ngumiti sa'kin nang ibaba niya ulit ako. Niyakap ko siya ng napakahigpit at naamoy ko kaagad ang pamilyar niyang bango. Napangiti ako. Gumaan na ang pakiramdam ko.





"Welcome home." Tumingala ako sa kaniya at binigyan siya ng malawak na ngiti. Niyakap ako ni Wade at hinalikan ang noo ko.






"I missed you. I'm glad that you're still here." Mahinahon na sabi ni Wade. Hinaplos ko ang mukha niya at tinignan siya sa mga mata. Sasabihin ko na ba sa kaniya? Kaya lang hindi pa naman ako sigurado eh.





"What is it?" Tanong niya sa'kin. Ngumiti na lang ako at umiling iling. Wag na muna siguro? Pag sigurado na ko tsaka ko sasabihin sa kaniya. Ayoko naman sabihin na buntis ako tapos hindi pala. Wala pang kasiguraduhan.






"Wala. Tara na magpahinga na tayo. Mukang pagod ka." Ngumiti ulit si Wade at inakbayan ako. Inutusan niya ang mga lalaki na ipark ng maayos ang sasakyan at pagtapos ay pwede na silang umuwi.





Masaya ako na nandito na siya ulit. Umakyat kami sa hagdan at dumiretso sa kwarto niya. Tahimik lang kami parehas hanggang sa makapasok na kami ng kwarto. Nagpaalam siya sa'kin na maliligo muna bago mahiga kaya pumasok siya ng banyo. Napabuntong hininga na lang ako at humiga sa kama habang hinihintay siyang matapos. Ngayon ko na kaya sabihin? Pero hindi pa naman kasi ako sigurado kaya ayoko talaga muna sabihin kaya lang.. Err! Nakakainis paulit ulit ko na tong iniisip kanina pa. Dibale na nga pag sigurado na ko tsaka ko sasabihin sa kaniya. Tama ganun na nga.



"I'm so tired. I want a hug, Babe." Nakangusong humiga si Wade sa tabi ko paglabas niya ng banyo. Medyo tuyo na ang buhok niya mukang nag blower. May suot na din siya topless nga lang at naka sweat pants lang siya. Niyakap ko siya at ganun din siya sa'kin.




Tahimik lang kami at magkadikit lang ang mga noo namin. Nakapikit di Wade pero alam kong gising pa siya. Bumuntong hininga siya at nagmulat ng tama. May pagaalinlangan at takot sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko madalas makita siya na ganito ang ekpresyon. Nagtanong na ko.




"Bakit?" Iyon lang ang lumabas sa labi ko. Bumuntong hininga ulit siya at bumuka ang bibig na parang may sasabihin pero walang lumabas na salita sa labi niya.



Ngumiti lang siya at umiling iling. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap akong mahigpit. Sumiksik ako sa dibdib niya at ipinatong niya naman ang baba niya sa ulo ko. Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kaniya pakiramdam ko kasi kailangan niya ng yakap ko. Parang may bumabagabag sa kaniya na hindi ko maintindihan.




"You love me, right?" Mahinang tanong niya. Napalunok ako. Bakit parang may mali?



"Oo naman." Simpleng sagot ko. Napakagat ako sa labi ko. Parang may hindi maganda.. Bakit ganito ang pakiramdam ko?




"You'll never leave me, right?" Tanong niya ulit. Kumunot ang noo ko. Bakit ko naman siya iiwan?




"Yes. Bakit may problema ba?" Hindi ko na napigilan magtanong. Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hindi niya ko sinagot. Kahit wag niya na ko sagutin alam kong may problema. Hindi ko lang alam kung ano yon. Sana sabihin niya sa'kin. Mahal ko siya at lahat ng pagsubok kakayanin ko para maging maayos kami. Mahal ko siya kasing pantay ng pagmamahal ko sa mga magulang ko. Tulad ng naramdaman ko sa kanila, masakin pag nawala din si Wade kaya hindi ko hahayaan mangyari iyon.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon