-BAD #62-
"Aahhh!! Ang cute naman nito! " sigaw ni Primrose nang buksan niya ang regalo ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Naluha luha naman ako sa tuwa.
"Napakatagal na kitang kaibigan, Primrose and i know my gift isnt that much pero hindi naman para sayo yan para yan sa soon na inaanak ko kaya wag kang mag inarte jan." i said then everyone in the room laughed. Niyakap ko si Primrose at naiiyak naman siya. Napaka emotional niya talaga.
Matapos ko maibigay ang regalo ko kay Primrose ay bumalik na ko sa inuupuan ko. Nakita ko si Wade na nakangiti pa rin sa'kin. Naginit ang pisngi ko. Bakit ang gwapo niya lalo? Umupo ako sa tabi niya at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. He smells good too. Hindi ko pa naaamoy na mabaho siya. Bumabaho ba siya? Tahimik lang kaming nanonood sa pagbibigay ni Xyra ng regalo kay Prim. Kami kami lang naman ang nandito para sa baby shower niya.
"Ninang gusto niyo po ng juice?" Bumaling ako kay Tyrone na nakasuot ng baby blue botton down polo at may hawak na trey na may zesto.
"Kiss mo muna ako bago ako kumuha ng juice." Sabi ko kay Tyrone at hinalikan niya naman ang pisngi ko. Habang lumalaki ay gumagwapo ang batang to. Napaka talino pa.
"Thank you, Tyrone." I said at pumunta naman siya sa tapat ni Wade para si Wade naman ang alukin ng juice.
"Kuya Wade, juice po?" Pagaalok ni Tyrone kay Wade. Ginulo ni Wade ang buhok ni Tyrone at nagpasalamat sa juice. Umalis na si Tyrone at nagalok ng juice sa iba.
"I didn't know you like kids." Sabi ni Wade at kinuha sa'kin ang juice ko para ilagay ang straw.
"I love kids. Excited na nga ako kay baby." Sagot ko sa kaniya at ininom ang juice ko. Tumango tango siya at ininom din ang juice niya. Parang may gusto siya sabihin pero hindi niya sinasabi.
"Eh ikaw? Mahilig ka ba sa bata?" I asked him. Napaisip siya. I like his serious face. I don't know why pero simula nakita ko siya ulit gustong gusto ko nang nakikita ang mukha niya.
"Yes. Yes i like kids. Gusto ko nga magkaron ng anak. It's always been on my mind to have a family. Nasa edad na ko para mag settle down. Look at my friends.. Yckos and Lucas both have their family. Lia is pregnant, Ryan is busy with some girl he's been with for a long time. Kumabaga lahat sila masaya na sa buhay nila. I want to settle down too. I want to feel that happiness they're feeling." Naging maamo ang ekspresyon niya at ngumiti sa'kin. Damang dama ko ang kagustuhan niyang magkaron na din ng pamilya.
"Ganun ba.. Ako din naman gusto na mag settle down. Kagaya mo nasa edad na rin naman ako." Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan niya ang noo ko.
Hindi ko alam bakit pero biglang sumakit ang tiyan ko. Naccr yata ako. Nagpaalam ako kay Wade na magccr gusto niya pa sana ako samahan pero hindi ko na siya hinayaan sumama. Kaya ko naman. Habang papunta ng cr kay napangiwi ako. Ang sakit talaga. Hinaplos haplos ko ang tiyan ko. "Baby wag mo naman pahirapan si Mommy oh?" Sabi ko pa na parang kausap ko nga talaga ang baby ko. Ang sakit talaga kaya binilisan ko ang lakad papuntang Cr pero bago pa ko makarating doon ay...
"Oh my god!" I yelled nang maramdaman kong pumutok ang panubigan ko. Nagpanic ako hindi ako makagalaw hindi ko alam ang gagawin. Maya maya ay mag narinig kong yabag nang paa at napatingin ako doon. I saw Wade's eyes widen nang makita niya ako.
"Shit! Your water broke!" Sabi niya at dinaluhan ako. Tulad ko ay nagpapanic na siya hindi niya din alam ang gagawin.
"Call someone!" Sigaw ko at tumakbo siya pabalik sa sala. Wala pang isang minuto ay nagdatingan na sila Wade, Lucas at Yckos. Binuhat ako ni Wade at ako naman ay napapasigaw sa sakit ng tiyan ko. Dinala niya ako sa kotse nila Xyra at binuksan naman ni Yckos ang pinto. Lahat sila ay nagpapanic na.
"Aaahhh!! Ang sakit!!" Sigaw ko pa. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Mabilis na pinaandar ni Yckos ang kotse habang si Lucas ang nagbibigay ng direksyon kung saan ang ospital. Si Wade naman ang mahigpit ang hawak sa kamay ko at pinapagaan ang loob ko.
Hindi ko na talaga kaya ang sakit umiiyak na ko sa sobrang sakit. Wade is kissing my head and telling me it's gonna be alright. Nang makarating kami sa ospital ay inalalayan kaagad ako ng mga nurse. Makasigaw ba naman ang tatlong lalaking kasama ko ng nurse at doctor ewan ko na lang kung di pa kami pansinin. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil ang sakit nalang na nararamdaman ko ang napapansin ko.
"Nasan ba ang tatay ng batang to?! Manganganak na si Ema!!" Nakita kong kinuwelyuhan ni Wade si Yckos at humalagapak ng tawa si Lucas.
"Sabihin mo na kasi Yckos!" Pang aasar pa ni Lucas. Inis na inis na si Wade. I cleared my throat and breathe deeply.
"IKAW ANG AMA NITO! Wag kang sumigaw jan!"
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
ChickLitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...