Bad #46

34K 687 5
                                    

-BAD #46-









"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko kay Mr. Ledesma. Alam kong kinukwestyon nila ang pagiging anak ko sa mga magulang ko pero ngayon na nalalaman ko na lahat ay parang gusto ko nang pumayag mag pa DNA test. Alam ko naman na iyon ang gusto nilang mangyari.








"Vincent mentioned to us before that you had an accident when you were 16? The same time when our daughter got lost. Hindi naman siguro Hija masama kung ayain ka namin magpa DNA test. Kakaiba kasi ang pakiramdam ni Amara sa'yo. Iyong pakiramdam na nararamdaman niya lang pagkasama ang mga anak namin." Kahit ako din naman ay may ibang pakiramdam pag nakakasama silang dalawa. Gaya noong unang beses ko silang makita, ganoon pa rin ang pakiramdam ko ngayon.








"Ayaw ko po sana pumayag sa DNA test na hinihiling niyo. Pero dahil kakaiba rin po ang pakiramdam ko sa inyo ay papayag po ako." Dahil sa sagot ko ay tila sila nabunutan ng tinik. Pati si Vincent ay nagulat din sa sagot ko.








"Maraming maraming salamat at pumayag ka na. Akala namin ay napaikot ka na ni Wade na huwag pumayag sa DNA test. Halata naman na ayaw niya pumayag noong siya ang tanungin namin." Sabi pa ni Mrs. Ledesma sa'kin. Ayaw ni Wade? Bakit naman?







"Maraming salamat din po. Para na din sa peace of mind niyo po. Iyon lang din ang kaya ko itulong sa paghahanap niyo sa anak niyo." Kumuha ako ng ilang strands ng buhok ko at inipit iyon sa panyo ko. Binigay ko iyon sa kanila. Hindi pa rin sila makapaniwala at bakas ang tuwa nila sa ginawa ko. Simple lang naman yon.







Dumating na ang pagkain namin at naenjoy ko naman ang pagkain. Madami pa silang kinukwento sa'kin na kinatuwa ko rin naman. Ang gaang ng loob ko sa kanila. Namimiss ko na talaga ang mga magulang ako. Gusto ko na ulit sila makasama. Kung sana lang ay kaya ko silang buhayin o ibalik ang oras sana maayos ang lahat. Napansin kong malapit si Vincent sa magasawang Ledesma. Nakwento nila sa'kin na head doctor si Vincent sa ospital nila. Nakamit niya din ang pangarap niya maging doktor. Kung sana hindi namatay ang mga magulang ko baka doktor na din ako ngayon. Nakapag aral siguro ako sa isang tanyag na unibersidad at nakapag tapos sa kurso ko. Ngayon hirap pa kong tapusin ang course ko dahil wala na akong natatanggap na email mula sa online college na pinagenrollan ko.







"So totoo pala na boyfriend mo nga si Wade?" Naging seryoso ang tono ng boses ni Mr. Ledesma.







"Opo. Kelan lang po kami." Sagot ko sa kaniya. Tumango siya at Uminom ng wine.






"Tito, Tita, it's getting late.." Singit naman ni Vincent. Naging akward bigla ang aura namin. Kanina ay ok naman pero nang mabanggit si Wade ay nagiba agad ang aura ng usapan. Ganoon ba nila kinakamuhian si Wade?






"Yeah we should call it a night. May rounds ka pa bukas Hijo." Sagot naman ni Mrs. Ledesma. Ngumiti naman si Vincent sa kaniya. May pasok din ako bukas kaya buti naman at mukang uuwi na kami.







"Ihahatid ko na po si Ema. Goodnight po Tito and Tita." Paalam ni Vincent nang makalabas kami ng restaurant. Niyakap nila si Vincent at niyakap din ako ng mabilis ng mag asawa. Parang tumigil ang pintig ng puso ko. Nginitian ko lang sila at kumaway hanggang sa makasakay sila sa kotseng nasa harap namin.







Nang mawala na ang kotse nila sa paningin ko ay parang bumigat ang pakiramdam ko parang gusto kong umiyak. Pinigilan ko na lang. Sumunod na lang ako kay Vincent sa kotse niya. Inabot sa kaniya ng vallet parking boy ang susi ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tulad kanina nagpasalamat ulit ako. Tahimik lang kami sa kotse niya habang nasa byahe. Iba pakiramdam ko parang gusto kong umiyak at tumakbo ng tumakbo? May hinahanap ako na hindi ko alam parang ganun yung feeling ko.





"Umm Vincent hindi ako dito uuwi." Sabi ko sa kaniya nang mapansin kong lumiko siya sa subdivision kung nasaan ang bahay ko. Napatingin siya sa'kin na parang nagtatanong at naguguluhan.






"Doon ako sa bahay ni Wade. Doon kasi ako nagiistay." Dagdag ko pa. Nawalan ng ekpresyon ang mukha niya at nagfocus na lang ulit sa daan.






"So live in na kayo?" Napatigil ako sa tanong niya. Ano nga ba? Parang ganon? Kasi pag ako nasa bahay si Wade ang nagpupunta doon so parang ganoon din pag ako sa mansion niya.






"Parang ganon na nga." Sagot ko kay Vincent. Tumango lang siya at seryosong nagdrive. Tinanong niya ang address at sinagot ko naman. Iyon na ang huling salita niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng mansion ni Wade.





"What's sup with the lady guards?" Kunot noo na tanong ni Vincent pagkarating namin. Tinanggal ko ang seat belt ko at sumilip nga doon sa mansion. Nandoon pa rin ang tatlong lady guards sa gate.






"For protection. Medyo OA si Wade eh." Biro ko na lang. Tumango tango si Vincent at bumaba na kaming dalawa.






"Thank you for doing the DNA test. I means a lot to Mr and Mrs Ledesma." Sabi niya. Wala naman masama kung magpapaDNA test ako ehh. Hindi naman ako mawawala pag ginawa iyon. Munting pasalamat na din dahil mabait sila sa'kin.





"Wala iyon. Sige pasok na ko. Thank you sa paghatid." Paalam ko kay Vincent. Ngumiti siya ng konti.





"Anytime. I'll be here for you anytime Emalee." Makahulugang sagot niya sa'kin. Tumalikod na lang ako para pumasok ng gate. Pinagbuksan naman ako ng isang lady guard.






Nakahinga ako ng maluwag. Wala na talaga. Siguradong sigurado na talaga ako na si Wade na ang mahal ko. Wala na kong nararamdaman na kahit ako kay Vincent. Kung dati meron at naguguluhan pa ako. Ngayon malinaw talaga sa'kin na wala na. Sana umuwi na si Wade. Siya lang ang kailangan ko ngayon. I miss him. Sana ok lang siya.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon