Bad #36

41.4K 843 9
                                    

-BAD #36-








"Remember the Ledesmas?" Tanong bigla ni Wade sa'kin habang nakahiga kami at magkaharap. Hinahaplos haplos niya ang leeg ko. Sabi ko kasi medyo nasaktan ako nang kagatin niya iyong leeg ko kanina. Ngayon may isang bakat ng ngipin niya at tatlong hickey ang leeg ko. Hindi ko pinagsisisihan na bumigay nanaman ako sa kaniya. Inaamin ko gusto ko rin naman iyong nangyari sa'min. Namiss ko siya eh.








"Iyong nameet natin noong event na bumili ka ng napakamahal na display para sa museum mo? Oo naalala ko sila. Bakit?" Sagot ko kay Wade. Niyakap niya ko ng mahigpit. Napasuksok nanaman ako sa dibdib niya na gustong gusto ko dahil ang sarap sa pakiramdam. Rinig ko pa ang tibok ng puso niya na halos kasing bilis lang ng sa'kin.








"They want to talk to you and do a DNA test." Kumunot ang noo ko at tumingin kay Wade. Nabibiro ba siya? Seryoso naman ang ekpresyon ng mukha niya. Bakit ako kakausapin ng mga iyon? Tsaka DNA test? Para saan?







"Ok lang kausapin nila ako pero DNA test? Para saan? Bakit kailangan nila ng DNA test?" Tanong ko kay Wade. Biglaan naman yata? Tsaka bakit ako? Eh noong event nga lang nila ako nakilala.







"They're looking for their missing daughter. They thought that it's you. That's why they want to put you in a DNA test." Kumunot pa ang noo ko at inisip ng maigi ang possibleng dahilan bakit nila ako gusto ipa DNA test? Tsaka anak ako ng mga magulang ko. May mga legal na documents ako para mapatunayan yon kaya pano naman nila maiisip na ako iyong anak nila?








"I told them that i have no problem with it but if you said no then they can't do anything." Dagdag pa ni Wade. Bumuntong hininga na lang ako. Hinigpitan niya ang yakap sa'kin na para bang isa akong kayamanan na ayaw niyang mawala.







"Kakausapin ko sila pero hindi ako magpapa DNA test. Ayokong kinukwestyon ang pagiging anak ng mga magulang ko. I love my parents." Mahal na mahal ko ang mga magulang ko. Kung kaya ko lang ay sana binuhay ko na sila.







"Good girl. Now back to business." Ngumisi siya at dahan dahan hinaplos ang dibdib ko. Naginit nanaman ang katawan ko. Bakit ba ang halay ng lalaking to? Gusto ko naman!







"One more?" Bulong niya sa'kin. Hindi na kailangan sumagot pa dahil sinimulan nanaman niya. Pumayag naman ako at sumunod sa bawat galaw niya.







-----







"Tinatamad ako magluto." Sabi ko kay Wade pagkagising namin kinabukasan. Ikaw ba naman pagurin ng ilang beses at matulog ng alas tres ng umaga ewan ko na lang kung makapag luto ka pa.







"Then i'll cook breakfast. Well lunch i mean." Tumawa siya at bumangon na. Naka boxers lang siya na may design na winnie the pooh sa likod. Ang cute kasi muscle muscle ang katawan niya na parang lahat ng kakisigan ay sinalo niya tapos yung boxers niya may dilaw na bear sa pwetan.








"Come on stand up! We have a lot of things to do today." Hinila niya ako at napabangon naman ako. Pinulupot niya ang mga braso sa baywang ko. Ako naman ay pinulupot din ang mga braso ko sa leeg niya. Ang tangkad niya hanggang dibdib niya lang ako.








"Anong gagawin natin? Aalis tayo?" Tanong ko sa kaniya. Tatlong araw na kami dito hindi pa rin kami lumalabas. Gusto ko sana sulitin tong bakasyon namin kasi pag uwi namin ng Manila busy nanaman siya at may trabaho ako.








"Yes. We're going to the beach." Halos mapatalon ako sa tuwa sa sinabi niya. Gustong gusto ko pumunta ng beach! Kung papipiliin ako, beach o mall? Beach syempre! Mahilig ako sa mga lugar na tulad ng beach, park, tsaka kahit mga ilog o sapa ok na ok sa'kin. I love nature.






"Talaga?! Tara tara gusto ko yan!" Nagtatalon pa ako at sumampa sa likod ni Wade. Nagulat siya pero nasalo niya naman ako. Pinulupot ko ang mga braso ko sa kaniya at buhat niya naman ako sa likod niya. Tumawa siya habang naglalakad kami papunta sa kusina.






"But first, we eat brunch. O gusto mo sa labas na lang kumain para makaalis na tayo ng maaga? Its almost 12 already and one hour drive pa papunta sa beach." Binaba niya ako at humarap sa'kin. Gusto ko na magpunta ng beach. Huling akong nakapunta sa beach ay 18 pa ko.






"Oo nga! Let's get going!" Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko sa tuwa. Excited talaga ako lalo na at kasama ko si Wade. Masaya to.






"Ohhh..My girlfriend looks very excited." Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko. Gustong gusto ko pag naglalambing siya sa'kin. Ramdam ko talaga na mahal niya ko. Ang sarap sa pakiramdam pero pag iniisip ko na ginagawa niya to sa ibang babae parang sumasakit ang dibdib ko. Posible kaya na mahal ko na din siya? Hindi naman kasi ako bobo pagdating sa bagay na to kaya alam ko pag mahal ko o hindi.






"Oo excited ako kasi matagal na noong huli ako pumunta sa beach. Minsan naiisipan namin ni Primrose pumunta pero wala ehh busy kami sa pagtatrabaho. Tsaka gastos lang kaya hindi natutuloy." Sagot ko kay Wade. Ngumuso siya at tumango tango.






"Is that the only reason why you're so excited?" Tinaas baba niya ang kilay niya at nakangiti sa'kin. Parang alam ko na ang gusto niyang malaman. Napangiti ako. Kinikilig ako!






"Syempre dahil kasama kita kaya excited ako. Thank you talaga Wade. Una dinala mo ko dito sa magandang rest house mo tapos ngayon pupunta tayong beach? Ang saya saya ko." Niyakap ko siya ng mahigpit. Tang ina mahal ko na yata tong lalaking to.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon