-BAD #28-
"Hindi talaga titigil iyang si Takama. Wala ba yan ibang ginagawa? Yckos pabagsakin mo na kaya yung kumpanya niya para may ibang pagkaabalahan? Diba boyfriend ng kapatid mo si Lucas? Iyon makipag tulungan ka nang matahimik na yan Takama na yan." I feel how irritated Ryan is right now. I am also irritated and pissed. Lumakas nanaman ang loob ni Taka kaya nang gugulo nanaman siya.
Early this morning, one of my men told me that Takama went to my office to tell me that he's back from the hospital. Matagal siyang naospital dahil sa malubhang pagkakabugbog ni Yckos at Ryan sa kaniya noong huli kami nagkita. Buti nga at may konting awa pa kami at binuhay ko pa siya. But now that he's trying mess with my life- my life with Ema ay pinagsisisihan ko nang binuhay ko pa siya. Alam kong may balak manggulo ng hayop na yon sa'min kaya naisipan ko muna may stay sa Bohol with Ema. For her safety. Not that i can't protect her- hell i can! Gusto ko lang makasigurado. Isa pa, hindi lang kay Takama ko siya kailangan ilayo. Pati na din sa mga Ledesma na kilala pa lang ang ex boyfriend ni Ema na si Vincent Valderama.
"So tuloy kami ngayon sa Bohol. You guys wanna come with us or just gonna stay here?" Tanong ko sa dalawa. Si Yckos ay napaisip at hinahaplos haplos ang balbas niya. Nagiging balbas sarado na siya at ang buhok niya ay humahaba na rin. This is how shitty he is since Primrose left.
"Dito lang kami. Si Yckos may problema din to eh. Ako na lang ang gagawa ng paraan para mapatahimik yan Takama at Vincent Valderama na yan. Trabaho ko naman yan eh." I just nodded. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na din ng bahay niya si Ema at hila hila ang isang bag. I told her to bring clothes for one week. Isang linggo ko siyang itatago sa Bohol. Doon muna kami hanggat hindi tumitigil si Takama.
"Let's go?" I asked her and she nodded in respons. I took her bags and put it on the back seat of my car.
"Kasama kayo?" Tanong niya kay Ryan at Yckos. Umiling si Yckos at si Ryan naman ang nagsalita.
"Hindi. Ihahatid lang namin kayo para maibalik iyong sasakyan ni Wade dito pagkagaling sa airport." Paliwanag ni Ryan sa kaniya.
"Ay ganon. Kami lang talaga? Tayo lang talagang dalawa, Wade?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ema. Kumunot ang noo ko at napakamot sa ulo ko. She's been asking me this all day.
"Yes! Yes! Ema tayo lang dalawa. Didn't i told you this earlier? Paulit ulit ka na lang eh." I hissed. Sumimangot siya at napanguso.
"Sungit nito! Isang linggo kita kasama sa Bohol? Ay nako! Wag na lang! Akin na nga yang bag ko nagbago na isip ko!" Nilagpasan niya ako at binuksan ang sasakyan ko at pilit na kinukuha ang bag niya pero masyado itong mabigat.
"Ang mga babae talaga." Napailing at tumawa na lang si Ryan at Yckos. Sumakay na sila sa sasakyan ni Ryan at sumakay na din ako sa kotse ko. Pilit pa rin binababa ni Ema ang bag niya.
"If you want your ex boyfriend to see you here then fine. Maiwan ka ha?" Inistart ko na ang sasakyan ko pero as i expected sumakay na siya bigla sa kotse ko. She doesnt have a choice. I just smirked and quietly drive to the airport.
-----
Amara Ledesma's Point of View.
"Pero Papa iba talaga ang pakiramdam ko doon sa babaeng kasama nila." Dagdag ko pa habang inaayos ang mga bulaklak sa garden namin. Simula nang makilala ko ang Emalee Ventura na iyon ay iba na ang pakiramdam ko. I just know there's something in her that i must know. Pamilyar din ang mukha niya.
"Mama, let's just focus on finding Katrina. I know Kaith would be so happy pag nahanap na natin ang kakambal niya. We've been looking for her in a very long time now. Dapat mahanap na natin siya Mama." Niyakap ako ng asawa ko. Tama naman siya na kailangan nga namin mag focus sa paghahanap kay Katrina pero hindi talaga mawala sa isip ko ang ngiti ng Emalee Ventura na iyon.
"Papa can we investigate Emalee Ventura? Hindi naman siguro tayo matitigil sa paghahanap kay Katrina kung ipapaimbestiga ko rin si Emalee hindi ba? Para lang Pa, gumaan iyong pakiramdam ko?" Pakiusap ko kay Christopher. Bumuntong hininga siya at nginitian ako ng konti.
"Osige Mama, i'll ask Vincent about Emalee Ventura. Nalaman ko na silang dalawa ang cause ng commotion noong event and i think they know each other. I'll invite Vincent Valderama for dinner tonight so we can ask him about her ok?" Hinalikan ako ng asawa ko sa noo. Ito ang pinagpapasalamat ko. Iyong napaka bait sa'kin ng asawa ko kahit na madaming challenges ang dumaan sa buhay namin.
"I feel like we're gonna find our daughter soon Papa. Pakiramdam ko nasa paligid lang siya at naghihintay ng yakap natin. Let's just pray harder, Papa." Niyakap ko ang asawa ko na parang kumukuha ako sa kaniya ng lakas.
Namatayan na kami ng isang anak at ngayon hindi ako susuko habang hindi ko nakikita ang isa ko pang anak. I just hope Katrina is ok. Pag nakita namin siya ay balak namin umuwi na ulit ng America. Doon ang buhay namin. Malayo sa pamilya ng mga Sandoval na sumira sa masayang pamumuhay namin. Gagawin namin ang lahat mailayo lang ang pamilya namin sa mga Sandoval. Hinding hindi ko makakalimutan ang kawalanghiyaan na ginawa nila sa anak ko. Kaith deserves justice. Namatay man si Tero Sandoval ay hindi pa rin ako napapakali. Nasa paligid lang ang nagiisa niyang anak. At kahit na magisa lang siya ay ilalayo ko pa rin ang anak ko sa kaniya. Hinding hindi magsasama sa iisang bansa ang anak ko at ang mga dugong Sandoval. Hindi kailanman.

BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
Literatura FemininaWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...