Bad #17

56.5K 1.2K 52
                                    

-BAD #17-







"Christopher and Mara Ledesma called today." Napatingin ako kay Ryan. Naguguluhan pa ko sa sinasabi niya. Kahit si Yckos ay napatingin sa kaniya.







"They called you?" Tanong ni Yckos sa kaniya. Maliban kay Lia, kaming tatlo lang ang nakakaalam ng tungkol kay Kaith. Dahil sabay sabay kaming lumaki. Sila din ang naging takbuhan ko noong naulila ako sa mga magulang ko kaya alam nila ang buhay ko.







"Bakit ka nila tatawagan?" Tanong ko kay Ryan. May ipinakita siya sa'kin picture sa phone niya. Halos manginig ang buong katawan ko. Naibagsak ko ang phone ni Ryan. Naikuyom ko ang palad ko.






"They're still looking for Katrina, Wade. Ngayon at nakabalik na sila ng Pilipinas willing sila magbigay ng kahit magkano na reward sa makakahanap sa anak nila. And i think we both know who's Katrina." Halos maputulan ako nang hininga nang may iabot sa'kin brown envelope si Ryan. Nagkatinginan pa sila ni Yckos.







"I asked Yckos for the records of Emalee. Lahat ng legal documents niya ay ipinapakitang hindi siya anak nila Christopher at Mara pero hindi ako kumbinsido so i got her to a DNA test." Hindi ko alam kung bakit to ginagawa ni Ryan. Siguro tulad ko ay nakikita niya rin si Kaith kay Ema. Dahan dahan kong binuksan ang envelope at nakita doon ang sagot na hinahanap ko.





"Positive.." I said to myself after looking at the DNA test result.






"Yes, positive. Anak nga siya ni Mr. and Mrs. Ledesma. But the other thing will truely blow you away. Kahit ako ay hindi kinaya ang resulta." Lalo akong naguluhan sa sinasabi ni Ryan. Umupo siya sa harap ko at pinakita ang dalawang files ng blood test ni Katrina at Kaith.





"Nahirapan ako hagilapin to dahil sa tagal na din ng panahon na lumipas pero i have connections so i got the files i need." Lumapit si Yckos sa'min dalawa at umupo din sa sofa dito sa office niya. Kahit siya ay curious na din sa sinasabi ni Ryan.






"Ang blood type ni Kaith at tulad ng blood type ng Mama niya- type O. Si Katrina ay type A positive tulad ng Papa niya. They are twins but their blood type is different. It's unbelievable but it's true. You can see it here." Itinuro niya ang dalawang papel na nagpapatunay na magkaiba nga sila ng blood type.






"Oh ano naman meron dito?" Tanong ni Yckos sa kaniya nang tignan niya din ang mga papeles na yon.






"The one who died has a blood type of A positive. That means si Katrina ang namatay hindi si Kaith. Hindi ko alam bakit ganoon ang nangyari pero iyon ang nahagilap ko." Napatayo ako at napasabunot sa buhok ko.







So that means the girl who my father killed is Katrina not Kaith? I killed my father for killing the girl i thought is Kaith. Wala na kong pakielam kung mali iyong nagawa ko. Ngayon ang nasa utak ko lang ay ang katotohanan na si Ema at si Kaith ay iisa. Hindi siya si Katrina o si Ema. Siya si Katherine Ledesma. Ang Katherine na minahal ko. Pero ganito? Hindi niya ko kilala? Pano siya naging si Emalee? At sino ang mga naging magulang niya.







"Hindi ba alam ng mga Ledesma na si Katrina ang namatay?" Tanong ko kay Ryan. Umiling si Ryan.






"Hindi rin nila alam. Tayo lang nakakaalam nito. Ang alam nila si Kaith ang namatay. Hindi naman kasi magkaiba ang itsura ng kambal na yon sobrang hirap tukuyin kung sino si Kaith at Katrina. " sagot ni Ryan sa'kin. Hindi talaga ako mapakali. Tama lang na hindi nila alam. Dahil simula nang mamatay si Katrina ay kinamuhian na ng mga Ledesma ang buong angkan ko.






Pag nalaman nila na buhay si Kaith ilalayo nila si Kaith sa'kin. Hindi pwede iyon. Hindi pwedeng ihiwalay nila si Kaith sa'kin. She's mine. Dapat hindi nila malaman. Wala dapat makaalam nito. Sobrang nagsisisi ako sa pagtrato ko kay Ema. She's my Kaith. She's my only love. Gusto kong suntok suntukin ang sarili ko nang maalala ko lahat ng kababuyan na ginawa ko sa kaniya. She doesn't deserve to be treated that way. Lalo na sa'kin. She knows how much i love her.






"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Yckos sa'kin.







"Walang dapat makaalam nito. Hindi pwedeng malaman ng mga Ledesma na buhay si Kaith at nandito siya." Sabi ko sa kanilang dalawa.






"Akala ko ibibigay mo siya sa kanila eh. Tama yan. You're doing the right thing." Pag sang ayon ni Ryan sa'kin. Si Yckos ay ganoon din ang sinabi. Kaith is mine. She's mine.






-----




"Dito ka na lang matulog." Sabi pa ni Ema sa'kin. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya si Kaith. Hindi ko maintindihan ay hindi niya man lang ako maalala.






"Ok." Iyon lang ang nasagot ko. Titig na titig kasi ako sa kaniya habang nakaharap siya sa salamin at sinusuklay ang buhok niya.






Si Kaith nga talaga siya. The way she moves is screaming that person i love. Ngayon ko lang napansin ang mga traits ni Kaith sa kaniya. Bakit ang bobo ko? Bakit hindi ko kaagad nalaman? Matapos niya may suklay ay napatingin siya sa'kin.






"Oh bakit?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya. I gently touched her face. I still can't believe that she's here and she's mine.





I kissed her slowly and gently. I closed my eyes and feel her lips. She's kissing me back and it's the most beautiful thing i've ever felt. I'm still in love with her. I love her so much. I'm so happy that i found her. I will make her happy from now on. I will be her everything. I will do everything to keep her. She's mine. She's only mine.






"I love you.." I whispered between our kisses. Pansin kong nagulat siya. Niyakap ko siya ng napakahigpit at doon umiyak ako. I cried because of the happiness i'm feeling inside.








I've never felt so alive.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon