Bad #18

59.3K 1.1K 20
                                    

-BAD #18-







Nagising ako nang may narinig akong kung ano. May naamoy din akong mabango. Bago ako matulog kagabi ay tumaway na ko sa manager ng Security department na humihingi ako ng day off ngayon at pinayagan naman ako. Pero maaga pa rin ako nagising. Nakasanayan na ehh tapos dagdag pa iyong ingay na naririnig ko. Pag lingon ko sa tabi ko ay napansin kong wala na si Wade. Siguro gising na siya at siya iyong maingay sa baba. Hindi ko rin alam sa sarili ko bakit dito ko siya pinatulog. Diba ang plano iiwasan na siya? Hay nako. Pumasok ako sa banyo ko at naligo. Inayos ko din ang sarili ko at nagsuot ng komportableng pang bahay.





Habang nagsusuklay ako ng buhok ko ay naisip ko ang kakaibang kilos ni Wade kagabi. Hindi siya masama sa'kin. Ni wala siyang ginawang kababalaghan kagabi. Nagpaalam pa siya sa'kin kung pwede kaming tabi matulog which is hindi niya naman ginagawa. Hindi siya nagpapaalam kung anong gusto niyang gawin gagawin niya. Wala kang choice kundi sumunod dahil ipipilit niya ang gusto niya. Kagabi natulog lang kami. Walang nangyari. Humiga kami sa kama ko niyakap niya ko at hinalikan sa noo. Yun lang! Tapos natulog na kami. Ang weird nga ehh hindi siya bastos. Naninibago ako pero sana ganun na lang siya lagi.







"Babeee??" Napatingin ako sa pinto at nakita doon si Wade na nakasilip. Nabitawan ko ang suklay na hawak ko. Shirtless lang naman siya at naka boxers lang na itim. Tapos may suot na apron na kulay pink. Kahit na may suot siyang apron ang gwapo niya pa rin tignan. Parang bigla akong pinag pawisan.







"Ba-bakit?" Nauutal na tanong ko at nagiwas ng tingin. Umayos ka nga Ema! Ang berde ng utak mo! Dinampot ko na lang at suklay at humarap na lang ulit sa salamin. Jusme pag tumingin ako sa kaniya baka matunaw lang ako.





"Breakfast is ready. I cooked ham and eggs. I also prepared juice but if you want coffee i can make one." Napa tulala ako sa kaniya. Teka nga?! Si Wade ba to?? Hindi ko na kinaya. Lumapit ako sa kaniya at tinignan kung may lagnat siya. Wala naman siyang lagnat.





"What?" Kunot noo niyang tanong sa'kin. Totoo ba to? Anong trip niya bakit ang bait niya sa'kin. Kagabi pa siya.






"Ano nangyayari sayo? Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa siya at iyon na yata ang pinakagwapong tawa na narinig ko buong buhay ko. Pati pag tawa niya ang hot.






"I'm ok. I'm more than ok. Tara let's eat breakfast baka lumamig pa iyong pagkain." Kinuha ni Wade sa'kin ang suklay at hinagis iyon sa kama ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ko palabas. Mukang masayang masaya siya ah? Good mood?






Pagbaba ko ay nakita ko ang hapag kainan na may nakahain na agahan. Ilang beses kong pinangarap na mangyari to sa'kin. Iyong pag gising ko may nakahandang pagkain para sa'kin. Tapos may hahalik sa pisngi ko at tatanungin kung kamusta ang tulog ko, Kung nakatulog ba ko ng maayos. Iyong perfect definition ng relationship goals. May happiness? Napahawak ako sa dibdib ko. Kinikilig ako.





"C'mon let's eat. How was your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" Naramdaman ko ang mga braso ni Wade sa baywang ko. Niyakap niya ko galing likuran at hinalikan ang pisngi ko. Naginit ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.






"O-ok lang." Nauutal na sagot ko sa kaniya. Pakiramdam ko naiiyak nanaman ako. Pakiramdam ko nasasaktan ako. Hindi ko kasi matanggap na kinikilig ako.






Ngumisi siya at hinalikan ulit ang pisngi ko. Kumain kami ng agahan. Nagkwentuhan pa kami ng tungkol sa mga bagay bagay. Nagtanong siya kung anong mga ginawa ko noong college ako o kung ano mga hilig ko. Basta tungkol sa'kin inalam niya. Matapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan. Ayaw niya pa sana akong magligpit pero inuto ko na lang at nagpauto naman. Hinayaan ko na lang siya at sinakyan ang trip niya. Bahala na nga kung anong balak niya bakit siya ganito sa'kin. Naghuhugas na lang ako nang kamay ko nang biglang yakapin ako ni Wade.






"Ang clingy mo naman!" Saway ko sa kaniya. Tumawa lang siya. Kinilabutan nanaman ako.





"I love you." Bulong niya sa'kin. Pangalawang beses na niya tong sinabi sa'kin. Kagabi sinabihan niya din ako. Wala akong masabi. Bakit niya ba sinasabi sa'kin to. Naikuyom ko ang kamao ko.






"Ano bang balak mo sa'kin Wade?" Dahan dahan kong inalis ang mga braso niyang nakayakap sa'kin. Humarap ako sa kaniya at tinitigan ko siya.






"What do you mean?" Kumunot ang noo niya.





"Bakit mo sinasabi na mahal mo ko? Imposibleng mahal mo ko Wade. Isang linggo pa lang tayo magkakilala. No. Mali, hindi tayo magkakilala Wade. Pangalan lang ang kilala natin sa isat isa. Imposible na mahal mo ko. Ano bang balak mo? Anong gusto mong gawin? Kung sasaktan mo ko wag mo nang ituloy. Hahayaan kita angkinin mo ko lahat ng gusto mo. Wag mo lang paglaruan yung puso ko. Nasaktan na ko noon at ayoko nang maranasan yon ulit!" Tinulak ko siya at tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Nagkulong ako doon at umiyak ng umiyak.






Isang taon na, isang taon na pero masakit pa rin. Isang taon na siyang wala pero masakit pa rin. Masakit na masakit pa rin. Binuksan ko ang drawer ko sa lamp table at kinuha ang kwintas na may pendant na letter V. Umiyak lang ako hanggang sa makatulog ako.

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon