-Special Chapter 1-
Emalee:
I woke up with a light feeling on my chest. Napangiti kaagad ako at nagpagulong gulong sa kama ko. Nandito ako sa kwarto ko at masaya ako ngayon. Tumingin ako sa maliit na calendar sa bedside table ko. Today is the day. Ang pinakahihintay ko at syempre ni Wade. Today is our wedding day.
Bumangob ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si Mommy at Daddy sa dining table na nilalaro si Caleb. He's three months now at nagbebaby talk na. Ang cute cute ng anak ko. Anak namin. Kinilig ako. Hihi! Ano ba yan!
"Goodmorning Ma, Goodmorning Pa." Bati ko sa mga magulang ko. Nginitian nila ako. Hinalikan ko sila sa pisngi.
"Blooming ang anak ko ah? Handa ka na ba mamaya?" Tanong ni Mommy sa'kin. Sino bang hindi handa? Dumaan na ang halos isang taon na pagpaplano ako pa ba ang hindi handa?
"Handang handa na po ako Ma. At masayang masaya ako ngayon. Ganito din ba feeling niyo noong kinasal kayo? Yung parang ang gaan gaang sa pakiramdam? Tapos parang kinikilig ka na walang tigil?" Kinikilig na tanong ko sa kanila. Natawa sila sa'kin. Tinawag ako ni Daddy at lumapit ako sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Ganyang ganyan din ang naramdaman ko noong sumagot ng oo ang mommy mo sa'kin noon. Nung kasal namin i was really nervous but happy at the same time. You mommy was crying a lot though." Hinampas ni Mommy si Daddy sa balikat at tumawa ulit kaming tatlo. Maya maya ay umiiyak na si Daddy. Naiiyak na din tuloy ako.
"Dad naman ehh. Umiiyak ka na agad! Wala pa nga tayo sa simbahan eh!" Pinunasan ko ang luha niya at niyakap ko siya ulit.
"Sorry anak ha.
I'm sorry for what i did. I know i'm wrong for being selfish. Tama ang Mommy mo. Kung ang diyos nakakapag patawad dapat ako din matuto magpatawad. I'm sorry anak. I'll do everything just to make you happy. And if Wade makes you happy. Ako pa mismo ang maghahatid sayo sa kaniya sa altar." Sabi ni Daddy. Naiyak na ko ng tuluyan. Pati si Mommy ay naiyak na din. Nagyakapan kaming tatlo kasama si Caleb. Masayang masaya talaga ako ngayon. I never imagine this would happen to me.Napapatanong tuloy ako kung anong ginawa kong mabuti bakit ako binigyan ng ganitong blessings sa buhay. Noong una simpleng buhay lang ang meron ako kasama ang mga magulang kong umampon sa'kin. Tapos noong namatay sila akala ko ako na lang mag isa sa buhay pero hindi pala. Dumating si Wade ng hindi ko inaasahan. Hindi naging maganda ang simula namin pero sa ganito pala kami mapupunta. Idagdag pa ang anak namin na si Caleb. Hindi ko din inaasahan na darating siya sa buhay ko.
Tapos nalaman ko pa na totoong magulang ko pala ang mga Ledesma. Edi may magulang ulit ako. Kumpleto na ang pamilya ko kahit hindi ko na maalala ang kakambal ko pero ayos naman ang lahat dahil kinukwento nila Mommy at Daddy sa'kin si Katrina. Ngayon na nakatingin ako kay Caleb hindi pa rin ako makapaniwala sa masayang buhay meron ako ngayon. Hindi ko nga alam na magiging kami pala sa huli ni Wade tapos ngayon may anak pa kami. Sobrang blessing talaga sa'kin ito.
-----
Sobrang cute ni Caleb! Nakasuot siya ng black tux with sky blue polo sa panloob. Naka neck tie pa siya kaya ang sarap sarap niya ngayon pang gigilan. Gusto ko siyang buhatin at halik halikan kaya lang ayaw ibigay nila Mommy sa'kin dahil daw baka masira ang ayos ko. We're now here in Sy hotel near the church. Nandito sila Mommy na buhat si Caleb, ang dalawang brides maid ko na si Xyra at Primrose. All girls lang kami dito dahil ang mga lalaki nasa church na daw kanina pa kasama ang mga anak anak nila. Si Caleb lang ang nandito dahil kailangan din ingatan ang ayos ni Wade.
![](https://img.wattpad.com/cover/45699719-288-k302429.jpg)
BINABASA MO ANG
Owned by The Baddest Bidder [Complete]
ChickLitWade Arsen Sandoval is a bad man. Hindi lang sa isang bagay kundi sa lahat. He's known as the best and baddest bidder in the world. But behind all that he has a weakness that only him knows; And that weakness is a girl named Ema. [R18] some chapters...