Bad #29

48K 962 9
                                    

-BAD #29-








"Welcome back po sir Wade." Napakunot ang noo ko nang sunduin kami ng isang lalaki sa Airport. Medyo matanda na siya at simple lang.







"Yeah. Thanks. How's the mansion?" Tanong ni Wade doon sa lalaki. Napaka disrespectful talaga niya? Mamaya nga tatandaan kong batukan siya.








"Magiisang linggo na pong tapos ang mansion niyo sa Panglao Island. Tinatanong nga po ng Tita Wency niyo kung saan ang mansion niyo." Kumunot ang noo ni Wade nang makasakay kami sa itim na Ford adventure. Meron ulit dalawang lalaki doon. Isa ay nag dadrive at ang isa naman ay ang nagsakay ng mga bag namin. Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang usapan ni Manong at ni Wade.







"Didn't i clearly told all of you na wala nang makikipag koneksyon sa mga taong yon? Do you really want to lose your job?" Seryosong tanong ni Wade sa lalaki. Napayuko ang lalaki at humingi ng tawad.







"They are not my family ok? Don't talk to them, don't let them in my property! Treat them as nobody! Hindi ko sila pamilya!" Nanlaki ang mga mata ko. Galit na galit siya. Nakakuyom ang mga kamao niya. Natahimik kaming lahat sa sasakyan.







"Let's go. I'm tired, it's late." Sabi ni Wade kaya sumunod na sila at umandar na ang sinasakyan namin. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Wade.







Tumitingin tingin lang ako sa kaniya habang nasa byahe kami. Nakatingin lang siya sa labas at nakakuyom pa rin ang kamay niya. Bakit pag pamilya niya ang pinaguusapan eh mainit lagi ang dugo niya? Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya kaya umusog ako ng konti para makalapit sa kaniya at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Pakiramdam ko kasi talaga napaka komportable ko pag kasama siya at kahit na anong gawin ko ay parang sanay na ko gawin sa kaniya. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.







"Are you ok?" Tanong niya sa'kin. Medyo natawa ako at tumingin sa kaniya. Ako pa talaga ang tinanong niya?







"Ako dapat ang nagtatanong niyan. Ok ka lang ba?" Balik tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga ulit siya at ngumiti lang ng konti sa'kin.







"I am now." Inihilig niya ang ulo niya sa ulo ko. Napangiti ako. Ganoon lang kami habang nasa byahe.







Nakahawak siya sa kamay ko, nakahilig ang ulo ko sa balikat niya at ang ulo niya naman ay nasa ulo ko. Matangkad si Wade at tulad ng mga kaibigan niya, maskulado din ang katawan niya. Kung tutuusin nga hindi na ko magtataka kung madaming babaeng magkandarapa sa kaniya dahil gwapo naman siya, cool, kaya lang masungit. Ibang iba si Wade kay Vincent sa lahat ng bagay. Si Wade, patamad tamad lang pero malaki na din pala ang business kiya gaya ni Yckos. Samantalang si Vincent sobrang kinacareer ang pag dodoctor. Parehas ng magulang ni Vince at pati na din ang mga kapatid niya ay Doctor kaya siguro siya nagdoctor na din. Si Wade...ngayon ko lang narealize wala akong kaalam alam sa kaniya. Kung may kapatid ba siya? Nasan ang mga magulang niya o bakit siya galit sa pamilya niya. Samantalang siya, tila alam na alam na kung sino ako. Gusto ko siya kilalanin. Gusto ko maging open siya sa'kin. Mas maganda siguro yon at baka maging ok na ang samahan namin hindi iyong nagiinisan kami lagi? Tama. Dapat kilalanin ko din si Wade.





-----





"You can go, i'll call you when i need anything."



"Sige po sir.."






Pakiramdam ko ay lumulutang ako. Nakatulog pala ako? Kinusot ko ang mga mata ko at doon ko narealized na buhat buhat ako ni Wade. Bridal style na buhat. Napatingin ako sa kaniya at poker face naman siyang tumingin sa'kin.







"You were asleep when we got here so i carried you. Don't worry we're here." Aniya pagkapasok namin sa isang kwarto. Hiniga niya ako sa kama na sobrang sarap higaan. Napakalaki at malamig din dito.






"This is my room. Hindi pa nadedeliever ang mga kama sa guest room kaya dito ka matutulog. I don't even know what's the reason of you sleeping in the Guest room eh girlfriend naman na kita." Aangal pa sana ako pero tinaas niya ang index finger niya at nakangisi sa'kin.







"I own you. You're my girlfriend whether you like it or not." Sabi pa niya sa'kin na nagpatibok ng puso ko. Ano ba to? Teenager lang? Pero bumilis talaga ang tibok ng puso ko dahilan para mapahawak pa ko sa dibdib ko. Kung dati ay naiinis ako pag sinasabi niyang i own you ngayon naman parang gustong gusto ko pa. Ang bipolar lang?







"Ayan ka naman lagi ehh. Sasabihin mong you own me pero may iba ka naman." Tinutukoy ko ay iyong Lia na sinasabi niya. Ganon ba siya sa lahat ng babae? Pag nilandi siya lalandiin niya din?






"We don't have a relationship. She's just a close friend." Sagot niya sa'kin. Muka naman totoo ang sinasabi niya pero pag naaalala ko iyong mga oras na nakita ko sila mag kasama ay naiinis pa rin ako. Bakit nga ba ako naiinis? Umiling iling na lang ako at tinanggal ang sapatos ko para makahiga na  nang maayos gabi na din at pagod din ako sa maghapon.






"Are you jealous?"



"Oo"



Nagkatinginan kami ni Wade. May ngisi sa mga labi niya at ako naman ay naguguluhan? San galing yun? Nagiwas ako ng tingin sa kaniya. Ako nagseselos? Hindi naman eh! Naiinis lang ako kasi napaka babaero ni Wade tapos ang landi naman nung Lia na yon! Selos na ba yon? Nagseselos na nga ba ako? Maya maya pa ay naramdaman ko ang paghila ni Wade sa kamay ko dahilan para mapahiga ulit ako sa kama. Magkaharap na kami ngayon dalawa. Tahimik at walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at ganoon din ako. May kung anong lungkot sa mga mata niya.







"Is it really that hard to trust me, Ema? Mahirap bang maniwala sa isang tulad ko?" Malungkot na tanong niya. Walang ni isang salitang lumabas sa labi ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi pero...






"Who am i kidding right? I'm a bad man. Angels don't trust demons." Dahan dahan siyang tumalikod sa direksyon ko at dumistansya ng konti sa'kin. Parang sinaksak naman ang puso ko sa ginawa niya. Napalunok ako at niyakap siya galing likuran. Hinilig ko ang ulo ko sa likod niya. Rinig ko ang pagtibok ng puso niya. Mabilis din, parang sa'kin pag kasama ko siya.








"Hindi ka naman mahirap pagkatiwalaan. Ipakita mo lang sa'kin. You just have to prove it Wade. Patunayan mo."

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon