(Gwen)
"Paaniniiii!"
"ANO?!" Nakakabwiset na tong si Ella ah. Sinabi nang huwag na huwag akong tatawaging 'Panini' sa public place.
Lumapit ako sa kanya. Masama ko syang tiningnan. Panini pala ha?
"I mean Gwen pala. Peace? " bawi nya sabay peace sign ng makita nya ang naiinis kong mukha. Peace peace, peacepisin ko mukha nito eh. Kanina pa talaga. Pasalamat sya nasa park kami ngayon at walang masyadong tao, kung nagkataong maraming tao, naku! Ibabaon ko na talaga 'tong si Ella.
"Mama mo, nag text! Nasaan ka na daw!" sabi nya. Hay, kaaalis ko lang hinahanap na naman ako. Payborit talaga ako ng nanay ko. "Oh eh anong sabi mo?" tanong ko.
"Nasa park."
"Gaga! Bakit yun yung sinabi mo" sabay batok. Nemern kaseee. Kaya ayaw ko syang kasama, hindi siya marunong mag dahilan man lang na nasa school kami.
"Aray ko naman! Eh ano ba dapat ang sasabihin ko ha?!" irap nya sa akin. "Malamang, nasa school tayo!" sabi ko.
"Sira ka ba?! Sabado ngayon Walang tao sa school, Duh?!"
Oo nga pala. Bat di ko agad naisip yon? Hay naku, wala na akong magagawa kundi umuwi at mag saing.
Lagi na lang pag ako nawala, hinahanap ako kaagad. Pag sasaing lang naman yung dahilan kung bakit ako hinahanap eh. Parang wala dun sina Liam at Dan. Ang laki laki na naman ni Dan at Liam eh bakit sa akin pa rin iaasa yung pag sasaing. Nakakainis.
"Halika ka na nga..." sabi ko sa kanya sabay hablot ng kamay at hinila siya. "Aray ko! Ang kamay ko, Gwen." reklamo nya. Hmp, mamaya na sya mag reklamo, nabubwiset na ako sa kanya. Kararating ko lang sa park tapos pauuwiin agad agad ako.
"Heh! Tumahimik ka dyan" saway ko. Bigla naman nyang hinila yung kamay ko pabalik. Ano na naman ba problema nito? "Wait lang. Teka, si Mam ano yun ah. Ano nga ulit name nun?" kunwari nag-iisip niyang sabi. Malay ko sa sinasabi nya.
"Malay ko." Suplada kong sagot. Sa akin pa itatanong malay ko kung sino man yun.
"Si Mam, ano nga..Tsk. Ayun si Mam Vien" sabi ni Ella tapos nakataas pa ang hintuturiniyang daliri.
"Oh, eh ano ngayon?" taas kilay ko namang tanong sa kanya. Anong meron dun sa Mam nyang yun?
"Wala, dapat batiin sya." Rinig kong bulong nyang sabi. "What? Ayaw ko nga. Di ko naman kilala yun." sabi ko. Sino ba namang guro yung tinutukoy nya?
"Hindi naman ikaw ang lalapit ah. Ako. Kaya dyan ka lang" irap nya.
Ayy ganon? Okay.
So, ayun nga ang baliw kong pinsan iniwan ako dito sa kalagitnaan ng daan, masalubong lang at mabati yung kung sino mang Mam na yun.
Kita ko namang tinuro ako ni Ella tapos tumingin sa akin yung si Mam Vince - Vine, ano? Nakalimutan ko name, basta yung babaeng kausap ni Ella. At ngumiti at nag wave sa akin, hmp. Feeling close. Lumingon ako sa kabilang side kunwari di ko napansin, at sa kaswertehan ko naman nakakita ako ng cotton candy. Bibili na lang ako nito.
"Manong, pabili nitong penk..." sabay turo dun sa bago nyang gawang cotton candy.
"Itong pink?" turo turo nya.
Hindi! Hindi yan. Yung green, may green ba sya? Wala naman. Puro pink lang yung kulay ng cotton candy nya. Tapos nag iisa nalang yung kulay blue. "Oho, yan hong penk." Sabi ko. Pake ba kung penk ang gusto kong gamiting word.
"Oh" sabay abot nya. Binigay ko yung bayad ko bago umupo sa mahabang upuan katabi nung vendor.
"Ui, pani--- Gwen? Tara na?" Bago pa nya ituloy na 'Panini' ang sabihin niyang name sa akin, sinamaaan ko na agad sya ng tingin.
"Mamaya na. Kumakain pa ako." sabi ko at nginuya nguya yung cotton candy. "Dalhin mo na lang sa inyo" sabi pa nya. Sabay higit sa akin. As if naman kaya nya akong higitin patayo.
"No, ayaw ko. Pag dinala ko aagawan ako nina Liam at Dan" sabi ko. Hindi nga ako makapag solo ng pagkain sa bahay eh. Lagi na lang ako inaagawan. "Madamot ka talaga ano?!" Sarkastiko nyang sabi.
"Oo matagal na." sabi ko. Sinubo ko na ang last drop ng cotton candy.
**
"Saan ka na naman ba galing, Ate?" tanong agad sa akin ni Dan pagpasok ko palang ng pinto.
"Wow! Taga NBI ka ba? Galing mag usisa ah!" Pang-aasar ko sa kapatid ko. Daming alam. Makapagtanong wagas. O yan tuloy hindi na makapagtanong.
Hindi naman nila masisi ang katulad ko na 'Ate', kahit bata pa ang age, matured na dapat dahil sa buhay namin. Siguro ang ibang tao hindi nila ako maiintindihan ang opinyon ko kapag naencounter nila ako. Judgemental ba.
Lumaki kasi akong tahimik lang. Masayahin ako kasama ang mga pinsan ko. I mean kapag nasa bahay ako, upo lang tapos basa ng librong luma. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas ng bahay at mag gala gala. Hindi halata sa akin ano? Kasi nga kapag kaharap ko na yung pinsan ko o kaya ang mga kaibigan ko sa paaralan lumalabas yung pag ka joker ko, or samting layk dat. Pero pag ang mga kapatid ko na minsan, o kaya yung mga tita ko, balik sa dati. Tumatahimik ako. Syempre, nakakahiya naman na ang kilala nilang dalagang pilipina ay isang baliw pala. Char! Sanay na din naman ako. Mataray daw ako? At suplada. Hindi ba pwedeng diretso lang mag salita, suplada agad?
Pansin nyo kung bakit blonde ang kulay ng buhok ko? Nakuha ko daw sa tatay ko. At huwag nyo na itanong kung sino man ang tatay ko, di ko na siya matandaan. Kahit isang picture, wala si Mama nakatago. Pero nakasama ko pa daw Papa ko mga 4 years old siguro ako. And then iniwan nya kami matagal na. Binuntis nya lang ng tatlo yung nanay ko, ayun iniwan na niya kami. At ang kamalas malas nga naman, ito sa kanya ako may resemblance ng itsura ng kulay ng balat, ng buhok. Pati na rin ng mata, my eyes are actually hazel eyes.
Ako si Gwen Crown. 16 years old, pa lang. Ang bata ko pa ano? First year college pa lang ako, ibig ko sabihin mag pi-first year pa lang. Sa isang institute ako papasukin. Maliit lang daw yung school na yun tapos malapit pa. Wala eh, mura daw yung tuition, yun lang yung kaya ng Mama ko mapapasok lang ako ng college.
"Gwen? Saan daw papasok si Veronica?" tanong ni Mama sa akin.
"Ewan, di ko naman yun nakakatext na eh" sagot ko. Si Veronica/Ron o Ronnie, best friend ko yan. Ewan ko nga ba dun, parang hindi ko best friend, sa iba sumasama tapos pag makakasalubong mo, hindi ka naman papansinin tapos pag iiyak naman sa akin lalapit. Gara rin eh no? Crying shoulder talaga ako. Tapos pagkatapos umiyak, aalis, magpapakatanga ulit. Uulitin na naman niya magpakatanga, tapos magpakatanga, iiyak ulit. Kaya pag hihingi siya ng advice, may screenshot na ako ng convo namin na may advice ko, para di ako mahirapan kakakuda sa kanya. Basahin na lang niya ang screenshot ng convo namin.
"Ang alam ko, sa C.Columbus Institute din sya papasok ah" sabi pa ni Mama.
Ha! Ano daw?! Dun din siya papasok? Akala ko ba ayaw ng Papa nya dun sya pumasok. At saka bakit hindi nya sinasabi sa akin?
"Hindi ko din po alam Ma. Wala naman po siya nababanggit sa akin. Paano niyo po nalaman?" tanong ko naman sa Mama.
"Nakasalubong ko Mommy nya, nagkumustahan kami. Siya mismo nag banggit sa akin na doon papasok kaibigan mo" sagot ng Mama. Tumango tango ako. "Sige po, mag saing na po ako" sabi ko naman.
"Ate! Sarapan mo yung kanin!" rinig kong sigaw ni Liam mula sa salas.
Sumilip ako sa salas namin. "Aadobohin ko ba to?" sarkastiko kong tanong.
"Lagyan mo ng magic sarap!" sigaw niya.
"Baka gusto mong ikaw na lang lagay ko dito!" taray ko. Arte arte eh. Pa magic magic sarap pa, ang sosyal. Hmp! Malagyan na nga lang.
Ginawa ko naman ang gusto ang kapatid kong bunso syempre, baka umiyak pa. Hahaha!
"Gwen tawag ka ni Ella. Naisaksak mo na yata ang rice cooker. Ako na bahala dyan. Tulungan mo si Ella sa project ng pamangkin nya." sabi ni Mama. Bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Opo" matipid kong sagot at saka lumabas ulit ng bahay. Pero bago ako lumabas, hinarangan ko yung TV.
"Patayin nyo na tong T.V. Kanina pa to. Tulungan nyo si Mama dun" strikto kong sabi sa mga kapatid ko. Nag sitangunan naman ang dalawa kong kapatid at bago binigay sa akin ang remote para ako ang mag papatay ng TV.
O di ba! Iba na kapag AKO, sumusunod sila. Charot lang!
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...