(Gwen)
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kasi matapos nila akong iwan sa loob ng clinic kasama si Ms. Vien. Yung feeling ko nahihiya ako, natatakot na may kasamang kilig factor. Halo halo na. -.-
"So..."
Ayan na nag start na sya mag salita. Pigil na pigil naman yung mata ko wag lang lumingon sa kanya.
Pero yung kanina, kinikilig ako nung bigla syang lumapit sa akin tapos, worried na worried.
Bakit ang bilis mo mainlove?
Hindi ako inlove! Crush ko lang sya.
"M-Ms. Vien? Pagagalitan nyo po ba ako?" tanong ko, maiba lang yung atmosphere sa loob ng katawan ko.
"Hmm, oo. Medyo, slight." Sagot nya. Ano daw? Alin dun yung sagot nya?
"Ah eh, Ms. ---"
Natigilan ako ng lumingon ako sa kanya. Yung mukha nya kasi, yung mukha nya ang lapit lapit sa mukha ko!
Naramdaman kong umiinit ang mga pisngi ko lalo na ng lumapad ang ngiti nya.
Iwas na iwas ako na wag tumingin sa mata nya pero itong
traydor kong mata sa labi nya tumingin.Gwen! Mali to! Pwede ba pigilan mo yung nararamdaman mo. Teacher yan, student ka. At ang masaklap! MAY BOYFRIEND YAN!
Konting inch na lang ang natitira between sa mukha namin. Wala ba syang balak na ilayo ang mukha nya?
Eh ako? Wala ba akong balak na ilayo ko ang mukha ko? Wala, syempre, gusto sya di ba? Duh!
"Ang cute mo talaga Gwen. And, bakit ba laging nakapout ang labi mo?" bulong nya tapos binaba nya ang tingin sa mga labi ko.
OH MY GOD!
"M-Ms. V-Vien?" uutal utal kong sabi. Bakit ba kasi ganito, hindi ko man lang mapigilan ang sarili ko na iwasan ang mga ganyang tingin.
"Hhmm?" sagot nya, pero di pa rin nya nilalayo ang mukha nya. Kaya pinagpasyahan kong ilayo ang mukha ko at sa kisame ko iti tinuon.
Rinig ko naman tumikhim sya. Kaya napatingin na naman ako sa kanya. Aaarrgghh!
"Bakit ayaw mo ipatawag Mama mo?" tanong nya.
"P-Po? Kasi ano." nag aalinlangan akong sumagot sa kanya.
Sige pano kapag sinabi ko? Na, ayaw kong malalaman nina Mama lalo na yung mga Tita ko na nakipag basag ulo ako. Naku, tyak sesermunan ako ng husto. Tapos, pag sinabi ko kay Ms. Vien at sinabi nya kay Alex tapos sasabihin naman ni Alex sa Mommy nya, tapos idadaldal naman ni Tita Yolly sa mga Tita ko. O e di wow lang pasahan ng chismis. Sermon ang abot ko.
Ayoko lang kasi na pag chichismisan ako sa amin. Kahit na hindi naman nila alam ang tunay na kwento, kung ano ano ang sasabihin.
"Kasi?" o ayan na naman nilalapit na naman nya ang mukha nya sa akin.
"Mapapagalitan ako. Ah eh, Ms? Hindi po ako makahinga. Medyo, ilayo nyo naman konti ang mukha nyo" sabi ko sa kanya. Parang napapaso kong dinampi ang pisngi nya para ilayo sa akin.
"Ows? Oh baka kinikilig ka lang?" Ngisi nyang tanong.
"A-Ano?! H-Hindi ah!" deny ko. Bakit ka nauutal Gwen? Nahahalata ka tuloy.
"Really? Then, why are you stuttering? Kasi crush mo ko?" Ngisi na naman nyang sabi. Ha?! Pano nya nalaman yon? May nag sabi ba sa kanya? Omy! No! Hindi nya pwede malaman na crush ko sya.
"A-Ano po? C-Crush ? H-Hindi ah!" deny ko.
Sige lang Gwen, kaya mo pa. Tumanggi ka pa. Para naman hindi ka magmukhang tanga dyan.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...