(Gwen)"Happy Birthday anak. Good Morning!"
Pag mulat ko palang nakangiting mukha na ni Mama ang bumungad sa akin.
"Good morning po Ma. Sina Dan po?" tanong ko.
"Nasa eskwelahan na." sagot nya.
"Okay po. Uh, sige po. Ligo lang ako" sabi ko kay Mama at tumayo.17 na ako. Matagal pa ako mag dedebut. Sa isang taon pa.
After ko maligo, wala na si Mama sa bahay. Hays, pumasok na siguro sa trabaho. Nakita kong may bagong timplang kape tas may hotdog at egg na may sinangag na kanin.
Wow! Sana lagi ko nalang birthday, para may ganito. Hahaha!
After ko kumain, nag ayos na ako ng sarili ko at nag handa na ako sa pagpasok. Lakad lang muna ako para ma-exercise ang katawan ko pati na rin kinain ko.
Mag mula nung naging kami ni Vien, feeling ko mas okay ang lahat. Perfect. Kahit na nag seselos sya kay Veronica kapag nakikita nya to na hawak ang kamay ko. Ang cute, pinanlalakhan ako ng mata. Minsan may pagka careless sya kasi nga hahawakan nalang ang bewang ko hindi man lang inaalala na nasa school kami. O kaya hahalikan nalang ako ng mabilis. -.-
"Guys? Anong meron?" taka kong tanong kay Ella. Pag pasok ko palang kasi kalibungbungan na sila at busy sa mga hawak. May mga banner sila eh, at may nakasulat na happy birthday. Para sa akin ba yun?
Eh, kung para sa akin yun, di dapat sana kanina pa nila akong binati nung papasok palang ako ng gate. Di ba may mga ganung eksena na, papasok ka palang ng gate tas may surprise na may mga ganitong echos.
"Duh, birthday kaya ni Ms. Vien!" irap nya. Galit pa rin ba to sa akin kasi nabatukan ko sya ng sobrang lakas nung isang araw?
"Duh! Malay ko ba!" irap ko din bago iniwan sila sa kinatatayuan nila. Malay ko bang kabirthday ko ang girlfriend ko. Wala naman syang sinasabi sa akin. At saka, tanong ako ng tanong sa kanya kung kailan ang birthday nya hindi naman sya sumasagot.
Mamaya ko nalang sya babatiin. Bibili muna ako ng gift para sa kanya.Dahil hindi nga ako pinapansin ni Ella lumabas nalang ako ng school, bibili ako kahit keychain or cellphone chain man lang, basta may mabigay ako.
P.S wala akong pera guys yan lang kaya kong bilhin para sa sarili ko. Hello wala akong extra allowance no!
Lumingon ako kina Ella na busy sa pag hihintay sa pagdating ni Vien. Bakit ganun? Bakit hindi man lang nila ako gi-greet ng happy birthday ngayon? I'm sure tanda nila ang birthdate ko. Hindi nila yun nakakalimutan. Pero bakit ngayon wala man lang akong natatanggap kahit isang greet. Kahit kay Vien, alam nyang ngayon ang birthday ko. Pero hindi sya nag tetext.
Oh baka naman mamaya nya pa ako babatiin. Oo nga, baka mamaya pa.
"Ate, magkano po yung ganyan?" tanong ko sa Ale na nakaupo at nag susulat ng different names sa chains na tinda nya. Ito nalang ang bibilhin ko.
"Bente pesos ineng"
"Aahh. Sige po. Dalawa nga po" sabi ko.
"Ano bang pangalan ang ilalagay ko? Pakisulat mo nalang dito" sabi ng Ale at may inabot sa akin na papel na 1/4 at ballpen.
"Ito po. Ito rin po yung bayad" sabi ko sa Ale, abot abot ang papel kasama na rin yung bayad.
Alam ko masyadong maliit at cheap ang ibibigay ko, pero punong puno naman ito ng pag mamahal. Sa susunod ko nalang sya bibigyan ng magandang regalo.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...