(Gwen)
Taranta akong lumabas mula sa banyo at nakita sina Ella, Alex at Veronica na nag lalakad lakad.
"Yun pala si Gwen. Hinahanap ka ni Ms. Keith" sabi ni Alex matapos akong lumapit sa kanila.
"Oo mamaya na. May hinahanap ako" sagot ko, tatalikuran ko na sana sila pero hinila ako pabalik ni Ella.
"Sino si Ms. Vien? Hinahanap ka din nya. Hahaha!" Asar na sagot ni Ella. Tumawa din naman sina Alex.
Nakakatawa!
"Wala akong pake alam sa panget na yun." sagot ko. Wala akong panahon para makipag lokohan.
Kailangan ko mahanap ang bag ko. May pera ako dun, sayang din pag nawala lalo na yung pinag ipunan kong cherry mobile snap phone. Mas sayang yun.
Iniwan ko na sila at nag patuloy sa paghahanap ng bag ko. Baka yung pumasok sa C.R ang kumuha ng bag ko. Eh sino naman yun? Ni hindi ko naman nakita ang mukha. Kahit ang paa nya.
Ang tanga tanga mo kasi Gwen! Bakit kasi iniwan mo yung bag mo sa lababo! Yan nawala tuloy.
"Hi, may nakita po ba kayong bag? Yung kulay red na may itim?" tanong ko sa mga dumadaan. Umiling lang sila.
Muntanga lang ako dito sa kinatatayuan ko eh. Malay ba nila sa bag ko -.-
Waaaahhh! Yung bag ko! Tulungan nyo ako mahanap ang pinakamamahal kong bag.
Habang imbyerna akong nakaupo sa may bench, natanaw ko naman sina Alex na tumatawa sa kubo kasama si Ms. Vien.
Tumayo ako at kumpletong kumpleto yung mga pinsan ko sa loob ng kubo, imbes na tumawa sila ng tumawa mag papatulong nalang ako kanila sa pag hahanap ng bag ko.
"Guys? Nakita nyo ba yung bag ko?" pukaw ko sa kanila. Matapos akong makalapit sa kanila. Tumigil naman sila sa pag tawa at hinarap ako. Yung mata ko naman, kay Ella lang nakatingin ayaw kong tumingin sa gawi ni Ms. Vien.
"Bakit nawawala ba?" tanong ni Angel yung classmate ni Alex.
"Siguro kaya nga tinatanong ko eh" saracstic kong sagot. Ewan ko ba naiimbyerna na ako. Lalo pa't makadikit si Ms. Vien kay Angel kala mo naman close na close sila!
Selos?
Ako selos? Hindi ano! Bakit ako mag seselos. Wala akong pake sa kanila. Basta mahanap ko lang bag ko, sapat na.
"Ang taray" rinig kong sabi ni Zac. "Zac, utang na loob. Tulungan nyo na lang ako hanapin ang bag ko" sagot ko.
Naiimbyerna na talaga ako.
"Ito ba?" Tanong ni Ms. Vien. Lumingon ako sa kanya. "Oh yan pala eh" relief na sagot lo sabay turo sa bag ko.
Wait! O______O
Hawak ni Ms. Vien ang bag. Bakit na kay Ms. Vien ang bag ko?! Kanina pa akong hanap ng hanap, nasa kanya lang pala.
Sya ba kumuha sa C.R? Bakit nya kinuha? Oh kung hindi sya, paano napunta sa kanya?
Kamot batok akong lumapit sa kanila, lalo na kay Ms. Vien. Hindi ko alam kung makukuha ko pa ang bag ko, lalo pa ngayon na niyayapos na nya.
"Hindi po unan ang bag ko" pokerface kong sabi. Tinaasan nya ako ng kilay. Napalunok ako ng laway ko dahil sa kaba.
"Ah, eh. Y-Yung bag ko po" sabi ko. Pilit ko nirereach ang bag ko pero nilalayo nya. Imbes na ibigay, nginitian lang ako. Tawa naman ng tawa ang mga pinsan ko sa akin.
Nararamdaman ko ng naawkward ako sa ginagawa ni Ms. Vien.
I think she's doing this on purpose.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...