(Gwen)
"Panini?! Ano bang oras ng pasok mo? Aba't tanghali ka na ah!" sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Halos, masira yung pinto ko sa lakas ng katok nya.
Hay nako, always na lang. Puyat na puyat nga ako kagabi eh, paano ba naman yung tinuturuan kong bata may project, tapos hindi sinasabi na kinabukasan na ipapasa.Wala pang gamit, ako pa bumili nung hapon pagkatapos namin mag laro ng badminton ni Ella. Oh e di mabilisan yung panggawa ko kagabi. Kaya mga alas dos ng madaling araw ako nakatulog. Ikaw kaya mag drawing na ng mag drawing, buti nalang medyo may alam ako sa ganyang larangan. LOL.
"Gwen?! Ano?! Maligo ka na! Si Ella naririto na"
"Opo" sagot ko. Ano bang oras ng schedule ko ngayon. Mumukat mukat akong bumangon habang inaabot ang bag ko sa mesang katabi ko lang.
Halos lumuwa mata ko ng mabasa ang schedule ko ngayon.
OH MY GOD!
11:30 ang time ko pero anong oras na ako gumising? Alas dyes pasado na. Ang tagal ko pa man din maligo.
Ayy nako naman! Bakit kasi ngayon pa to nangyayari sa akin. Sumilip ako sa sala. Naroon na si Ella bihis na sya. Ready to go na. No choice ako kundi ang lumabas ng kwarto at maligo ng mabilis.
"Ano ba yan Panini! Ngayon ka pa lang maliligo?!" Rinig kong sigaw ni Ella mula sa labas. Sira ba tuktok nitong pinsan ko? Kung tinulungan nya ako kagabi e di sana natapos ko ng maaga yung project ng pamangkin nya! Palibhasa kasi kapag sya ang magdrawing patpat na tao lang kaya nya.
**
"Good Morning" bati ng propesor na pumasok sa loob ng classroom namin. Tumunghay ako para makita kung sino ang unang propesor namin today. Medyo lumukot ang mukha ko ng makilala ko kung sino, yung babaeng teacher na akala mo kung sino na pinagtanggol yung lalaking sinuntok ko noong orientation. Honestly, sya ang kauna unahang propesor na kinainisan ko. Why? Una sa lahat hindi nya ako pinaniwalaan na hindi ko nga kilala ang pangalan ng tatay ko. Tapos ang sunod ay yung Mark na bwiset. Hindi nya man lang maramdaman na may feelings din ang isang katulad ko na napipikon sa ginawa ng bwiset na Mark na yun. One sided for hort.
Anyways, nag sasalita na sya sa una at kailangan daw mag introduce.
Akala ko ba nasa college school na kami? Bakit may pa introduce introduce your self pang nalalaman? At saka, tinawagan na nila kami ah? Last orientation so they must know our names already.
Pinagdadasal ko na mag class dismissed na bago pa man sumapit sa pangalan ko ang pag introduce
"Introduce yourself here in front" rinig kong sabi ni Ma'am. Nakatungo ako, sana hindi ko turn. Tumikhim syang muli kaya napatunghay ako. Sa akin sya nakatingin. Ngumiwi ako bago sumulyap sa mga kaklase ko na sa akin din nakatingin.
"Ako na ba?"tanong ko sa kanila. Tumaas kanang kilay ni Ma'am. "Yes, ikaw na. Tayo na dyan, dali" sabi nya. Kung ako na, bakit hindi ko narinig name ko?
Dahan dahan pa akong tumayo. Introduce lang naman. Napaka simpleng bagay di ko magawa. Tumingin ako sa kanya tapos ginesture nya yung kamay nya.
"You may take your seat" sabi nya. Tumango lang ako na parang nahihiya bago umupo sa tabi ni Ella.
Nag simula na sya mag discuss, hindi pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nya. Nilapat ko ang baba ko sa mesa ko habang habol ng tingin sa kanya sa unahan.
Habang pinagmamasdan ang mga galaw nya, hindi ko naiwasan pagmasdan ang hubog ng katawan nya. Maganda rin pala talaga ang katawan nya. May shape at mukhang wala syang tyan. Bumaba ang tingin ko sa mga binti nya. Nakapalda lang pala sya. Mahahaba din ang biyas nya at makikinis. Ang puti pati nang mga binti nya. May boyfriend na kaya to? Ang swerte naman ng boyfriend nya. Oh baka naman girlfriend? Ang swerte ng magiging jowa ng mga yon, I mean look at her, may professional work, maganda, seksi, ang kinis ng legs. Napapakagat labi ako.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...