(General)
"Aalis na muna ako" paalam ni Gwen sa kanyang ina. "Bumalik ka agad. Mag luluto ka pa" sigaw ng Mama nito.
Lalong nainis si Gwen, kaya bumalik ito sa loob ng bahay. Kanina pa syang inuutusan ng nanay nya. Hindi naman sa ayaw nya pero, naroroon naman ang mga kapatid nya. Malalaki na ang mga ito at kayang kaya ng gawin ang mga gawaing bahay.
"Ma,hindi po ba marunong mag luto sina Dan at Liam? Lagi nyo na lang po iniaasa sa akin yan, Ma. Dapat kanina pa po akong nasa Columbus. Alas otso kami pinapupunta dun eh ano nang oras ngayon? Alas dyes na." yamot na sagot ni Gwen. Hindi nya gustong sagutin kanyang Mama. Pero namimihisa ang mga kapatid nyang walang ginagawa sa bahay. Sa kanya at sa nanay nya lang inaasa ang lahat.
"Ma, pasensya ka na po pero sana sina Dan at Liam din nauutusan nyo po" bumutong hininga ni Gwen. Bumuntong hininga din ang Mama nya.
"Ano yan Ma?" tanong ni Dan matapos marinig ang diskusyon ng kanyang Ate Gwen at ng Mama nya.
"Tulungan nyo ang Mama, hindi yung puro nood kayo ng TV. Paano kayo aasenso nyan kung di kayo marunong gumawa para sa sarili nyo?" galit na sabi ni Gwen, agad ng tinanggal ang saksak ng TV sa wall socket.
Natahimik naman ang dalawa nyang kapatid.
"Pag dating ko dapat ayos yang mga ginulo nyo ah. May pagkain na rin kayo. May maluluto naman dyan. Mag luto kayo. Maglaba ka ng mga damit mo, Dan. Hindi yung iaasa nyo pa kay Mama. Hindi na kayo bata." sermon pa nya saka umalis ng bahay.
Ngayon lang sya nakapag sermon ng ganung kahaba sa mga kapatid nya. Ayaw naman nyang lalaki ang mga itong tamad at iresponsable. Kaya hanggat maaga, kokontrolin nya sa tama ang mga kapatid nya.
Hayst, sana gawin nila yung sinabi ko. buntong hininga ni Gwen sa sarili.
**
Habang pumapasok ng entrance si Gwen at Ella, hindi maiiwasang maagaw pansin ang kanilang pagdating.
Pinag hiwalay ang dalawang course, mag kasama pa rin si Ella at Gwen. Mag katabi lang si Ella at Gwen. Nag headset si Gwen ngunit hindi napansin ang pag-upo sa tabi nya ang lalaking si Mark.
Kinulbit ni Ella si Gwen, dahil nag sisimula nang magsalita si Sir Angelo. Napansin naman ni Gwen may katabi pala siyang lalaki. Kaya binulungan niya si Ella.
"Palit tayo ng upuan, ito na namang baliw na to ang katabi ko" bulong ni Gwen, kaya humagikgik ng mahina si Ella.
"Ok" sagot naman ni Ella, at agad namang tumayo para lumipat sa kinauupuan ni Gwen.
"Bakit ka lumipat?" tanong ni Mark, mapansing iba na ang katabi nya.
"Gusto niya eh" bulong na sagot ni Ella
"Mag-uusap nga kami" Inis na sabi ni Mark.
"Sa tingin mo, kakausapin ka nun?" yamot namang tanong ni Ella.
"Oo"
"Ang lakas ng hangin Grabe! Hanga na ako sayo" sarcastic na tugon ni Ella bago ito umirap. Muling kinulbit ni Mark si Gwen. Pero hindi pinansin ni Gwen si Mark.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...