(Ella)
Kararating lang ni Panini sa loob ng room. Buti na lang hindi pa nag sisimula ang test.
"Anyare sayo Gwen?" nag aalalang tanong ni Veronica. Kasabay namin sya sa room mag test.
Oo nga anyare sa babaeng to? Ang laki ng eyebugs sa mata. Mukhang puyat na puyat.
"1 oras lang at kalahati ang tulog ko." antok na antok nyang sagot sa amin.
Sasagot pa sana si Veronica, pero pumasok na si Ms. Vien sa silid. Tapos biglang tumayo si Panini at may inabot na 4 na pirasong bond paper.
Ay! Oo nga pala! Kaya siguro puyat si Panini, may ginawa sya. Yung sinasabi nyang poems. Apat yung pinagawa sa kanya ni Mam. Ang grabe naman ni Mam, yun kaagad ang pinagawa sa kanya. 5 speech tapos 4 pang tula.
Talagang mainit ang dugo nya pagdating kay Panini. Pero ang alam ko hindi naman ganyan si Ms. Vien eh. Mabait yan, ngayon ko lang sya nakitang nag pagawa ng ganyang kadaming speech at tula. Kasi last year nung pumasok nga ako dito tapos tumigil din naman agad, pag may nag cutting class sa kanya, kinukutusan nya lang o kaya pipitikin ang tenga tapos diretso ng office kay Ms. Keith.
Siguro, nag bago na sya ng patakaran. Pero kanina naman nakikipaglokohan pa sya sa mga kaklase kong lalaki.
"Pst! Payong, Nag aral ka?" pukaw sa akin ni Panini.
"Oo naman. Ikaw ba?" tanong ko.
"Hindi nga eh. Yun yung inatupag kong gawin. Ang gumawa ng tula." Nabubwiset na sagot ni Panini sabay irap sa una kung nasaan si Ms. Vien.
"Hayaan mo na, tutulungan na lang kita." nakangiti kong sagot kay Panini.
"Salamat." sagot nya.
"Ako din tutulungan kita sa isang subject na alam ko mag kapareho tayo." singit naman ni Veronica.
Mag s-start na ang test, pinimigay na ni Mam Vien ang mga test papers.
"Ms. Crown?" tawag bigla ni Mam Vien. Tumingin kami ni Veronica kay Panini na nakasubsob sa desk nya.
"Ms. Gwen Crown!"
"Po?" balikwas na tugon ni Panini.
"Dito ka sa unahan." Maawtoridad na utos ni Ms. Vien. Lumingon ako kay Panini na hindi masyado maiumulat ang mga mata.
"Mam, pwede po dito na lang muna ako. Sobrang nakakasilaw lang po dyan ng araw" pakiusap ni Panini.
Umiling si Ms. Vien. "No, I said dito ka sa unahan. Makikipagharutan ka lang dyan" sabi ni Ms. Vien. Napanganga naman ako sa sinabi ni Ms. Vien. Grabe naman, mukha bang may kaharutan dito si Panini. Halos nakasubsob na sa arm desk dahil sa antok.
Palihim na umirap si Panini. Nakatalikod sya mula kay Ms. Vien kaya nakakabulong bulong sya ng patalikod.
"Palibhasa sya ang maharot. Idadamay pa ako" pabulong na turan ni Panini. Bahid sa mukha ni Panini ang pagkawalang gana matapos nakalipat sa unahan. Nakaupo sya at hawak ang papel na sagutan.
"Okay, class. Mag start na kayo mag answer. Yung mga bag nyo dito nyo ilagay sa unahan." mawtoridad na sabi ni Ms.Vien bago sumulyap kay Panini.
Nag simula na kami mag klase. Si Panini pinipigilan na huwag makatulog kasi antok na antok.
Kawawa naman si Panini, sana man lang binigyan ng konsiderasyon ni Ms. Vien. Hays.
**
"Oh ano? May nasagot ka naman sa test papers?" tanong ko kay Panini. Nasa Cafeteria kami ngayon. Kasama namin si Veronica, hinihintay ang boyfriend.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...