(Gwen)
2 days na akong absent at kung pumapasok man ako, nag cucutting class ako kay Ms. Vien. Naiilang pa din ako sa kanya. Di ko alam, basta pag nakikita ko sya natataranta ako o kaya di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Hanggang ngayon kasi ramdam ko pa din yung mga labi nya. Hindi kaya may crush sa akin si Ms. Vien? Bakit nya ako hinalikan?
bobo
One more thing na nakapag pabagabag ng isipan ko ay ang mga salitang binitiwan ng misteryosong babae noong isang araw. Hanggang ngayon hindi ko pa din sya nakikita. Estudyante kaya sya dito?
"Aray naman!" inis kong daing matapos akong banggain. Nahulog tuloy mga binili kong iced tea na nasa bote. Nasa 7/11 kasi ako bumili ng drinks nga para mabusog ako. At narito ako sa may hotdog oven. Buti na lang hindi ko pa nabubuksan, at kumukuha ng hotdog, kung nagkataon, gumulong pababa yung hotdog. Pag babayarin pa ako ng hindi ko pa nalulunok.
Inis naman akong tumingin sa bumangga sa akin. Ang laki laki ng space, sa tabi ko pa talaga dadaan.
"Sa susunod titingnan mo ang dinadaanan—"
Bago ko pa mapagpatuloy ang sasabihin ko, nagulat ako sa reaksyon ng lalaking nakatingin sa akin. Gulat na gulat na nakatingin sa akin.
Anyare sa lalaking to?
At saka, bakit ang familiar ng mukha nya. Saan ko nga ulit sya nakita? Hindi ko marecall kung saan pero, alam ko kilala ko ang pagmumukhang to!
"Ano nga nga?" Naiimbyerna kong sabi sa kanya. "Sa susunod titingnan mo ang dinadaanan mo!" inis ko pang sabi. Tumango naman sya at nag sorry. Buti naman marunong sya mag sorry. Kasi kung hindi baka lalo akong mainis at ilagay sya sa hotdog oven na nasa harapan ko. Nag bayad na sya dun sa cashier at hinila na nya palayo yung kasama nyang babae, na tantya ko girlfriend nya. Narinig ko kasing nagsalita yung babae na 'Mahal bakit?' At saka makikita naman sa kanila na magsyota sila eh, hello akbay akbay tapos ang sweet.
Iiling iling naman ako habang kumukuha ng hotdog. Parang ewan lang yung reaksyon ng lalaki matapos tumingin ako sa kanya, parang nakakita sya ng multo. At excuse me, ang ganda kong multo no!
Nakakaasar ha! Pero inpernes may itsura, yun nga lang magkasitangkad lang kami. Ang bansot nya tuloy tingnan. Pero pamilyar talaga yung mukha nya. Parang nakita ko na sya ilang beses na, di ko lang matandaan kung san.
Bigla akong natigilan dahil may naalala ako.
Sya yung nakakayamot na boyfriend ni Ms. Vien! Teka lang, kung boyfriend ni Ms. Vien yung lalaki eh sino yung kasama nyang babae na tinawag syang MAHAL? Hala baka naman another girl friend nung lalaki yung kasama nyang babae ?! O baka naman hindi? Eh bakit tinawag ni girl na mahal yung lalaki? Mag kapatid kaya sila? Masyado lang siguro silang close kaya ganun yung tawagan nila.
O well! Humanda na lang sa akin ang boyfriend ni Ms. Vien kapag nalaman ko na niloloko nya ang MK ko.
Wala kang pake alam sa relasyon nilang dalawa. Hindi ka involve.
Pero, kung sakaling niloloko ng lalakinh yon si Ms. Vien? Hahayaan ko lang?! Hindi ako papayag!
Agad ako lumabas ng 7/11 after ko makapag bayad sa cashier. Malapit na rin mag dilim. Napansin ko din ang babaeng blonde na nakatayo sa may nagtitinda ng fries. Yung babaeng kinausap kami about kay Carlo Kumunot ang noo ko ng lalo ko mapansin na may mga kasamahan sya. Sila yung mga Amerikanong hinog. Magkakaibigan ba sila?
And speaking of Carlo, ano kaya nangyari sa kanya. Si Tita Cathy ang nakipag-usap sa mga professors kahapon, sa kanya namin sinabi kasi alam namin na ayaw nya din na napapag-usapan sa compound namin at ayaw nya na mapagalitan ako ni Mama. Busy din naman kasi si Mader kahapon, may work sya.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...