(Gwen)"Pinsan! Mamaya daw sa bahay ni Cristina. Kailangan na daw natin matapos ang project para kay Ms. Vien." Rinig kong sigaw ni Ella mula sa labas ng laboratory.
Nasa loob kasi ako ngayon ng laboratory, nag aayos ng mga computer. Tapos, nag papalamig pa. Major class kasi namin. Tapos mamaya uwian na kami. Yehey!
"Ah sige sige." Sagot ko naman. Hindi pa rin kasi namin tapos yung project ng what so ever na Ms. Vien na yan. Naiinis lang ako lalo pa't naalala ko hanggang ngayon ang mga ginawa nyang MAJOR MAJOR noong sabado, kasal ni Ate Andrea.
Nag promise pa nga ako sa sarili noon di ba? Pero wala din, sa bakuran pa mismo at sa kwarto ko may nangyari. Oh baka iba yung isipin nyo, oh ito basahin nyo nalang.
(Flashback)
Hmm. Ang sarap naman ng litson. Todo ang kain ko dito sa may malapit sa stage. Dun kasi nakalagay yung mga pagkain, kaya madali akong makakain.
"May ngipin ka ba? Para kang sawa, hindi mo na nginunguya"
"Wag ka nga ang sarap kaya ng litson." Irap ko sa kanila.
Natigilan ako sa pagkain ko kasi may naamoy akong pamilyar na pabango.
"H guys!" Bati ng taong nasa likuran ko.
Sinasabi ko na nga ba eh. Sya nga. The one and only.
"Pwedeng umupo?" Tanong nya.
Nagtanong pa sya alam naman nyang pauupuin sya.
"Ayy, opo mam! Dun po sa tabi ni Gwen" turo turo ni Ella ang bakanteng upuan na katabi ko. Humanda ka talaga sa akin Ella. Namumuro ka na.
Ramdam na ramdam ko na nakatingin sya sa akin kaya hindi ako tumitingin.
"Salamat. Paul! Here, may seat dito." Sigaw nya. Sumulyap ako ng konti at nakita na umupo yung Paul na timer sa tabi ni Ms. Vien.
Nakakaimbyerna. Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. Binilisan ko ang pagkain ko para makaalis dito sa table na to."Boyfriend ko" pakilala ni Ms. Vien dun sa lalaking katabi. Ano yun sinusupalpal nya sa akin kasi katabi nya ako. Huh, hindi ako selos!
"Ah, opo. Kilala na po namin yan." Ngiting sagot ni Ella.
"Bagay na bagay nga po kayo eh" singit naman ni Veronica. Tapos, tinap nya ako sa balikat. Nakakainsulto ah. Kunwari pa.
"Salamat." Sagot nung Paul.
"Kilala mo ba boyfriend ni Mam? Gwen?" Baling sa akin ni Ella.
Dahil insultong insulto ako. Tiningnan ko sila ng pinakamalupit kong inis na tingin.
"Ah, oo. Kilala ko yan. Kilala nya nga rin po ako eh" sabi ko. Kita ko naman nanlaki yung mata ng Paul habang nakatingin sa akin. Parang alam na nya yung ibig kong sabihin.
"Talaga?"sabay sabay nilang tanong habang nakatingin sa akin.
"Sya pa nga po yung bumunggo sa akin sa may 7/11, nung bumibili ako ng hotdog. May kasama pa po syang babae nun" painosente kong sagot. Kala nyang Paul na yan, maloloko nya si Ms. Vien.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...