(Ella)
Alam ko guys magagalit kayo kasi may POV na naman ako dito. Isiningit lang ako ulit ni awtor.
Alam nyo kung bakit?
Kasi wala ng labstori dito sina Panini at si Ms. Vien. Ako at si Maricris na lang. At labstori na namin ni Kiss ang ilalathala ni awtor. Wala nang poreber si Panini. Wala na kayong aabangan! Bwahahaha!
"Ugh! Aray!" Impit ko matapos may bumatok sa akin.
Lumingon ako. Nakita ko si Alex. Sinamaan ko sya ng look. Ang sakit ng ginawa nya.
"Wag ka mangarap dyan Ella." irap nya. Umupo sya sa tabi ko.
"Free dream!" Inis kong sigaw sa kanya. Binaling nya ang tingin sa akin at tiningnan ako ng masama.
"Anong free dream?" taka nyang tanong.
"Libre mangarap" sagot ko. Hay nako. Bobplacks din to minsan.
"Dami mong alam" irap nya.
Nye nye nye.
Hay nako, ang tagal dumating ni Panini. Kanina pa namin sya hinihintay. Baka sakaling napossessed na sya ng good spirit at kausapin na kami. Kasi, last time, hindi talaga nya kami kinausap.
Nasa klase na si Maricris, ganon din sina Zac, Jeric at Mike. Tapos kami lang ni Alex ang natira dito. Mamaya pa ang klase namin.
"Ano kaya problema ni Panini?" Tanong ko sa kanila. Umiling silang lahat. Sa malamang hindi naman nga din nila alam.
Hanggang sa may mga dumating na pajero na itim. 3 silang sasakyan. Kutob ko si Panini ang isa sa mga sakay don. At tama nga ako, lumabas mula sa isang pajero si Panini.
"Ui, si Panini" sabi ko, siniko ko si Alex para tumingin din sya tinitingnan ko. Nakita ko agad ang bwiset nyang mukha pagpasok nya palang ng gate, yun agad ang napansin ko.
Habol kami ng tingin kay Panini. May mga body guards sa likuran nya. Tapos ang nasa unahan nya yung Papa nya yata. Lumingon ako sa labasan, nakita ko ang mga convoy na dala ng Papa ni Panini. Grabe yaman talaga nila.
At, ang Panini naka coat. Naka turtle neck pa. Korean ang peg ng lelang nyo. Ang init init dito sa Pinas may paganyan pa syang style. Hahaha! Baduy!
Nag tinginan kami ni Alex at nakiusyoso kami. Hindi kami chismosa guys. Gusto ko lang din namin marinig kasi nga ang balita aalis na sya dito sa Columbus?
"Sir, ano po bang problema? Bakit kailangan ilipat si Ms. Crown?" Tanong ni Ms. Len. Admin namin.
Hinintay namin sumagot si Mr. Crown. Tapos binaling ko ang mga mata ko kay Panini. Ay grabe, diretso lang tingin nya. As in sa pader lang sya nakatingin. Walang kurap kurap. Anong masamang espiritu ang sumanib sa katawan nya? Pero, may sasanib nga ba sa katawan nyang espiritu? HAHAHa! Sa tingin ko wala, eh masama na yang si Panini.
"Because I want to. May mga business ako na kailangan asikasuhin and of course my daughter, I want her to go with me" sagot ng Papa ni Gwen.
Totoo nga. Ililipat si Panini ng school. Bakit? Anong dahilan? Tapos, sabi pa nya lumayo kami sa kanya. Hindi na nga kami makakalapit sa kanya, kasi lilipat na sya ng school. Paano pa kami makakalayo sa kanya eh lumayo na nga sya.
Tapos kahapon sinigawan nya ako! Gusto ko syang sabunutan kahapon matapos nya akong englishin! Pwede naman syang sumigaw eh, wag lang english.
Nakinig akong muli. Hindi ko lang masyado marinig ng ayos dahil maingay ang mga stupidyante na nakaupo sa couch. Mga nakikiwifi lang naman. Napansin ko ang mga titig ni Ms. Vien kay Panini. May feelings pa din talaga si Ms. Vien kaso hindi pwede eh.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...