Chapter 34

4.1K 152 5
                                    

(Gwen)

"Aim! Fire!"

*Bang!

"Daplis pa din. Pang ilang magazine mo na yan Gwen?" biro sa akin ni Claire, may halong totoo. "Twee?" childish kong sagot. Tumawa naman sya bago ginulo ang buhok ko.

"You're so adorable. Maybe that's the reason why she fall for you" natatawa nyang bulong. May sasabihin sana ako ng may sumigaw.

"Guys! Anj wants to play volleyball!" sigaw ng isang kulotin na lalaki sa pinto. Si Jack nga ba to or si Harry?

"C'mon!" yakag sa akin ni Claire. Hinawakan nya ang wrist ko at hinila palabas. Dinala nya ako sa may ibaba ng garden, na may malaking gymnasium.

"Are you sure principal won't get mad?" tanong ni Sarah kay Claire. Tahimik lang si Claire na nakaakbay kay Sarah at magkaholding hands. Ang sweet naman nilang dalawa. "No." sweet na sagot ni Claire.

"I don't know how to play Claire" sabi pa ni Sarah. Kahit anong anggulo nya, ang cute nya. Kahit pag sasalita nya. "I'll just gonna sit here and watch you" sabi pa ni Sarah. Nag nod lang si Claire at sumenyas sa akin na mag lalaro na kami.

Kakampi ko si Claire. Si Harry naman sa lalaki. Natutuwa naman ako kasi nakikita kong nag i-smile si Anj pero nawawala din naman agad kapag napapansin nyang sa kanya ako nakatingin. Sungit!

After ng 4 sets at grupo ni Anj ang nanalo, tanggap ko naman. Hahaha! Hindi naman ako ganon kagaling mag laro ng volleyball eh. Niyaya naman nya kami mag laro ng basketball. Biglang tumayo si Sarah at sumali sa amin.

Habang tinatakbo ko ang bola palayo, nararamdaman kong sumasakit ng binti ko. Hindi ko pinansin yon, hanggang sa bumaba ang sakit. Pinasa ko kay Claire ang bola, pero binalik nya kay Gray at binalik sa akin ni Gray. Kaya tumalon ako at shinoot. Hindi ko alam pero ng nag land ako, sumakit ang kanang paa ko. Ang tendecy, napaupo ako sa court, hawak ang kanang paa ko.

"Claire! Gwen's hurt!" sigaw ni Sarah. Sya ang unang nakakita sa akin.

"Kaya mo ba mag lakad?" tanong ni Jack. Mag sasalita na sana ako ng may pumasok.

"Ms. Ruthfield and Ms. Anj, at the principal's office, now" sabi ng isang lalaki sabay labas. Nag tinginan si Sarah at Claire. Worried na nakatingin si Sarah kay Claire.

"I'll be okay, baby. Anj. C'mon" sabi ni Claire. Nag akbayan ang dalawa palabas ng gym. Anong gagawin nila? Pilit akong tumayo.

"Where are you going?" tanong ni Tina sa akin. Tinuro ko ang papalabas na sina Claire at Anj. Hinila ako pabalik, na lalong ikinasakit ng paa ko.

"Ooppss, sorry. Just stay here okay" sabi ni Tina. Kinabig ko ang mga kamay nila. "Let her go" utos ni Raegan. Binitawan nila ako. Pipilay pilay naman akong sumunod kayna Claire at Anj.

Medyo malayo ang nilalakad nila pero kaya ko pa naman. Hanggang sa lumiko sila at pumasok sa isang room. Hindi ito yung opis na pinasukan ko kanina. Mas malaki ang loob, kaysa sa kanina. May konting guang ang pinto, kaya naririnig ko ang pinag uusapan nila. Pero hindi ko masyadong kita si Papa.

Pinagagalitan ba ng Papa ko sina Claire at Anj? "May inutos ba ako sayong mag laro kayong lahat?" Galit na sigaw ni Papa.

"It's my fault. I was the one who encourage them to play" sabi ni Anj. "Wala akong pakealam kung sino ang nag simula at nag yaya mag laro. Walang kwenta yang pag lalaro nyo. Ano bang maitutulong nyang sports?! Claire? Tapos ka na ba sa pinapagawa ko sa yo?" Baling ni Papa kay Claire. Hindi sumagot si Claire, nanatili lang syang tahimik.

"I can see that hindi pa tapos. Isa ko pang malaman na nag lalaro kayo, all of you! Bibigyan ko kayo ng parusa."

"Why'd you play anyway?" Biglang tanong ulit ni Papa. "Because, Gwen really love to play volleyball specially basketball. She's, a sports lover based on my information" sagot ni Anj. "Then, tell her quit playing. It's not worth to play. I know she's not good as I expect." Diretsahang sabi ni Papa. Nalambot ang buo kong katawan. Hindi ko inaasahan na ganon ang sasabihin nya sa tungkol sa akin.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon