(Gwen)"Ate kung nakapag saing ka na daw?!" Rinig kong sigaw ng kapatid ko. Si Liam.
"Oo nga sabi eh!" Inis ko namang sagot. Pikit na pikit na yung mata ko, antok na antok na ako tapos, gigisingin ka pa ng bwisit na bunganga ng kapatid kong yun.
Ipipikit ko na sana ang mga mga mata ko ng tumunog naman yung cellphone ko. Argh!
Unknown:
>Hi
Hay naku, wala akong pake sa hi mo. Wala akong load at hinding hindi kita rereplyan. Baka kung sino to, nakakatakot na.
Pinindot ko ang silent button para hindi na ko marinig ang anong tunog na manggagaling sa phone ko, o di ba makakatulog na ako. Wala pang abala. Pagod na pagod kasi ako guys. Kahapon kasi, nag laro kami ng basketball tapos, nag punta kaming mag pipinsan sa park at kasama yung batang tinuturuan ko si CJ. At pagkatapos nun nag diretso kami sa bahay ni Alex nag papatulong na mag ayos ng mga upuan, kasal daw kasi ng ate nya at dun sa malawak na likod bahay nila ang venue. Inabot kami ng ala una ng madaling araw kasi hinanda pa namin yung stage na gagamitan ng banda na hinayr nila.
Kaya ngayon, alas nueve ng umaga antok na antok pa rin ako. Kaya mga matutulog muna ako.
**
"PAANNIINNIII!!!"
Si mama ba yun?
Minulat mulat ko ang mga mata ko at nakita si Mama na nakapamewang sa may pinto.
Ano na naman gusto ni Mama?Nakakainis naman eh.
"Ho? Bakit na naman po?" Reklamo kong tanong kay Mama habang kusot kusot ko ang mga mata ko.
"Aba, kanina pang bihis ang mga pinsan mo, pupunta ng simbahan. Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Mama.
"Hindi ho" sagot ko. Nakaantok pa kaya.
"Anong hindi, tumayo ka riyan at mag bihis ka na. Maya maya dadating na si Ella. Dalian mo. Pupunta na kami ng mga kapatid mo." Sabi ni Mama bago binuksan ang pintuan.
"Intayin nyo nalang ako Ma" sabi ko. Bumabangon na ako ng kama, mas mabuti ng si Mama ang kasabay ko kaysa mga pinsan kong ewan. Tawa lang ng tawa ang gagawin nila sa loob ng simbahan.
"Panini, kahit hintayin kita, wala ka naman mauupuan sa sasakyan. Kasama pa si Tita Anding mo" sabi nya.
"Ano ho bang sasakyan nyo" nakakunot noo kong tanong habang inaantok na nakatingin kay Mama.
"Yung kotse ni Cathy"
Ha?! Wala nga ako mauupuan don. Ang liit liit kaya nung kotse tapos kasama pa si Tita Anding na ang taba taba naman.
"Sya aalis na ako. Maligo ka na ah" bilin nya.
"Opo" sagot ko.
Hays, buti nalang lumabas na. Pag kalabas na pag kalabas ni Mama humiga ako ulit sa kama ko. Pero hindi pa nakakapikit ang mata ko ng pumasok sa loob ng kwarto ko si Ella.
"INSAN! RISE AND SHINE!" sigaw nya. Ugh! Bwiset! Anong akala nya matutuwa ako sa pag mumukha nya.
Alam ko maganda ang pinsan ko ngayon, at wapakels ako dun. Kailangan ko tumulog. Binigyan ko sya ng pinakamalupit kong death glare para lubayan nya ako.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...