Chapter 3

8.4K 264 17
                                    

(Gwen)

"Ma! Ang bigat bigat kaya nitong mga nilabhan nyo" pangalawang reklamo ni Dan. Tss. Nakakaya ko nga yang buhatin eh. Kaya ang resulta na rin sa tyan ko nag kakaroon ng abs.  Hindi naman ganung bumabakat. At saka 4 packs lang.

"Ako na lang." sabi ko sabay buhat nung baldeng punong puno ng mga nilabahan.Yung hanggang tuhod ang taas ng timba.

Nilagay ko agad sa sampayan yung mga damit. Ang dami daming reklamo eh.

Uupo na sana ako ng sumigaw si Mama mula sa labahan.

"Panini?!" pangalawang tawag na naman ni Mama.

"Po?!" Tumakbo akong papunta sa kinaroroonan ni Mama.

"Ang timba?"

Iniabot ko ang timba tapos tinalikuran ko. Hay grabe, tapos na akong tumulong. Nakapag buhat na ako, tapos ako pa nag sampay, WALA pang REKLAMO hindi katulad ng kapatid ko, dami daming reklamo sa buhay.

Saktong paghiga ko palang sa kama ng bigla namang sumulpot si Ella sa harapan ko. Ano na naman ba yung ginagawa nya dito? -.-

"Tara?"

"Saan naman? Hindi pa ako naliligo" sabi ko sa kanya. Tinatamad akong umalis. Kasi pag umalis ako ng bahay, itetext na naman si Ella tapos pauuwiin ako ni Mama. Oh e di wag nang umalis.

"Bibili lang ako ng sisig dyan sa kalapit na restaurant." sabi nya. "Tinatamad ako" bored kong sagot.

"Bili din kita" sabi nya. Lumapad ngiti ko. "Sige tara" excited kong sabi. "Bwiset ka talaga Panini! Kailangan may kapalit?!" Inis na turan sa akin ni Ella. Ngumisi ako sa kanya. "Kung sana sinabi mo agad na ibibili mo din ako ng sisig, tumayo ako agad"

"Bwiset ka talaga" irap nya. "Ayaw mo yata. Ikaw na lang mag-isa" inis kong sabi kay Ella. Babalik na sana ako sa kwarto ng hilahin nya ako pabalik. "Teka lang naman! Ito na nga oh ibibili na kita, bukal sa loob ko. Lika na!"

**

"Panini! May laro mamaya" sigaw sa akin ni Vince habang nag lalaro ako sa may court ng basketball.

"Oh eh ano ngayon?" Suplada kong tanong. Ewan ko ba naiimbyerna ako. Paano kasi kanina nung nag punta ako at hinatid sa bahay si Ella tinawag ako ng Lola nya. Tita Mina ko. Tapos, akala ko bibigyan pa ako ng sisig yun pala uutusan lang akong samahan yung batang tinuturuan ko sa park at mag lalaro daw. Bakit hindi si Ella ang utusan nya? Bakit ako? Palibhasa kasi sa pababayaan lang ng pinsan ko.

"Ang init ng ulo mo." sabi nya. Umirap lang ako sa pag lalaro at pag shoshoot ng bola.

"Ano? Sasali ka ba?"tanong na naman nya.

"May pustahan?" tanong ko.

"Oo, 100 pesos each." Taas baba kilay na sabi nya. Mga mukhang pera talaga tong mga to.

"Wala akong pera" sagot ko. Yung totoo? May pera naman talaga ako eh. Ang nakakainis lang pang gastos ko sa mga pagkain o kaya naman ay tinitipid ko para sa baon ko kapag umaalis ako in short pag may gala.

"Dali na" pilit ni Vince. Umiling ako at binigay sa kanya ang bola. Ayaw ko talaga mag laro lalo na pag tinamaan na naman ng ewan siJeric. Paano kasi, kaya minsan natatalo kami inaangkin nya yung bola at gusto nyang magkascore, hindi marunong magbigay.

"May pupuntahan ako mamaya, ipapasyal namin si Cj. Isasama ko si Ella"sagot ko.

"Kasama namin mamaya si Ella sa laro"

What?!  So, it means ako lang? As in ako lang talaga ang magiintindi sa pamangkin nya? Mygad!

"Ano? Sali ka na kasi" pilit nya.

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon