(Gwen)
"Alam mo ikaw! Kagabi ka pa." inis nyang sabi sa akin matapos akong sundan.
"Inaano ba kita?" inis kong tanong sa kanya. Susundan sundan ako tapos sisigawan.
"Gwen isa! Tumigil ka sa pag lalakad mo. Bwiset na!" inis nyang sabi sabay hablot sa tshirt ko sa likod. Yamot akong humarap sa kanya, halos mapapikit ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin.
Lumayo ako kaagad at baka kung ano pa isipin nya at ng mga nag lalangoy dito sa isa pang pool. Narito kasi ako sa 2nd floor, I mean yung isa pang floor, pangalawang floor. May pool pang malaki at may konting nag lalangoy. Dito ako nag punta para makatakas sa leche plan na nakasalo sa umagahan kanina. Ang haharot sa hapag tapos, makatitig naman sa akin eh wagas. Tapos ito nga sinundan nya ako.
Teka, kilala nyo ba kung sino ang tinutukoy ko? Tama kayo, si Ella. Joke! Si Vien. Yung EX ko lang naman!
"Sagutin mo nga ako. Saan ka nanggaling kagabi? Alam ko nag sisinungaling ka kanina. So tell me the truth." tanong nya.
"Yon na nga yon! Kulet mo po!" inis kong sagot at iniiwas ang mata sa kanya.
"O yan, tingnan mo. Nag sisinungaling ka na naman. Iniiwas mo ang tingin mo sa akin" sabi nya tinuturo ang magaganda kong mata.
"At paano mo naman po nasabi yan?" nakataas ang isa kong kilay.
"Kilala kita." nakataas din ang isa nyang kilay. Pataas ng kilay lang?
"Syempre no, studyante mo ko" irap ko. Tamaan man lang sya sa sinabi ko. At mukha ngang natamaan sya, natigilan eh.
"Studyanteng naging akin" sabi nya. Ako naman ang nag mukhang tanga dito. Lintek na to, daming alam.
"Tse! Daming alam" irap ko at lalayasan syang muli ngunit hinila na naman nya ako pabalik. Isa pa, tutulak ko na to sa pool.
"Ano ba! Tantanan mo na nga ako! Tinigilan na kita di ba! Yun ang utos mo sa akin, nirespeto ko. So please respect me!" madrama kong pahayag. Pero may point yung sinabi ko. Kitang kita ko sa mga mata nya na nagulat sya. As in, nanlalaki eh.
Nilayasan ko na sya don sa pool. Bumaba ako at nag tungo sa kwarto. Mas mabuting mag-ayos na lamang ako ng mga gamit ko. Kaysa naman magpakita sa babaeng yon!
After ko mag-ayos, bumaba akong muli at doon nag tungo sa second floor, naroon pa rin sya.
Napatingin ako sa tubig sa pool. May sugat ako sa may bandang labi. Sa tuhod meron din. Napakasaklaugh ng ginawa ko kagabi. Kung alam nyo kung anong dalamhati ang nangyari sa akin sa misyon nina Anj.
(Flashback)
Hanggang sa matapos ang byahe, tahimik lang sina Claire Sarah, at Anj. Hay nako. Alam ko naman na concern lang si Sarah sa kalagayan ko. Ito naman kasing si Anj, akala mo bata ang sinisigawan. I mean isip-bata si Sarah, sana hindi na lang nya sinigawan para maingay dito sa loob ng kotse. Ang tahimik kaya habang bumibiyahe kami, napakalayo pa ng byahe, nakaka-antok tuloy.
Lumabas sila, kaya lumabas din ako. Ginala ko ang mga mata ko. Bakit kaya ganon, kapag may kidnapping or anything else na sangkot sa ganon, sa lumang building dinadala. Bakit hindi na lang sa bahay para maayos-ayos naman. May aircon pa ang biktima. Sa mga telenovela laging lumang building o kaya lumang factory, sa lumang mall naman para masosyal sosyal.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...