Chapter 32

4.1K 132 7
                                    

(Gwen)

"Anak, kailangan natin sundin ang Papa mo. Kailangan mong matulog don" pag pupumilit ni Mama sa akin. Kararating ko lang sa school ito agad ang ibubungad sa akin ni Mama.

Badtrip na nga ako kanina sa school tapos babadtripin na naman ako dito sa bahay.

Ikaw kaya ang hindi mabadtrip ng makita mo na kausap ng girlfriend mo ang ex nya. At nakangiti pa yang si Vien habang kausap ang ex nya.

"Teka sandali Ma ah, bakit ko kayo susundin. I mean, bakit nyo sya susundin ? Ayaw ko nga matulog sa bahay na yon. Bakit nyo ko pinipilit eh ayaw ko nga" inis na inis na sagot ko kay Mama.

"Kasi kailangan mo"

"Ayaw ko nga. Wait, intayin nyo ako dito sa loob ng bahay at ako po ang kakausap sa kanya don sa labas" sagot ko. Lumabas ako ng bahay para kausapin yung nasa loob ng kotse.

Kailangan ?! Bakit ?! Anong klaseng ama yan, basta basta nag uutos na duon ako matulog. Aba, matinde!

"Ehem... Mr. Crown" interupted ko sa kanya sabay katok sa bintana nya.

"Gwen, ano tara na ?" nakangiti nyang sabi.

"No, hindi ako sasama sayo. Hindi ako tutulog sa mansion mo." diretsahan kong sagot sa kanya. Tiningnan naman nya ako ng why look.

Tss. hindi ba nya obvious na kung bakit ?

"17 palang ako para angkinin at sabihin na nasa kontrata kaya dapat sundin. And, besides! Kababago palang kita nakikita eh, kung makapag utos ka eh inam" sigaw ko sa kanya tapos iniwan ko sya don.

"Done! Good Night Ma." sabi ko sabay pasok ng kwarto ko. Kahit na ang aga aga pa para matulog eh nag good night na ako. Nakakabadtrip, bakit ba.

Matapos ako mag bihis narinig kong na kakatatok si Mama sa pinto ng kwarto ko.

"Panini, buksan mo ang pinto" sigaw ni Mama mula sa labas.

Ala bahala ka sa buhay mo. Nag uumpisa na naman si Mama gumawa ng eksena.

"Panini isa"

O e di dalawa.

"Dalawa!"

"Kahit mag bilang ka dyan Ma, mag mumukha ka lang baliw. Eh bukas naman yang pinto" sabi ko. Unlock naman kasi ang pinto ko tapos dadramahan ako ni Mama na buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

Pumasok so Mama at umupo sa paanan ng kama ko.

"Anak, sige na pumayag ka na sa gusto ng Papa mo" pag pupumilit ni Mama.

"Ayoko nga sabi! Hindi ba kayo nakakaintindi nun?!"

"Hindi ko kayo maintindihan eh. Bakit nyo ko pinagpipilitan na mag stay don. Eh ang akala ko ba eh kukunin ako kapag 18 na ako? Bakit 17 parang gusto na akong kunin! Hindi ko maintindihan ang sistema ng buhay natin Ma!" sigaw ko. Hindi ko naman gusto sigawan si Mama eh. Nakakainis lang kasi, gulong gulo ako sa pamilya ko ngayon. Basta na lang ako uutusan na doon matulog. Basta na lang sumulpot ang Papa ko tapos, wala man lang syang pasabi sabi na 'Anak, ako to si Fernando tatay mo'

CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon