(Gwen)
Peeeeeeeppp!!
"Ay palaka!" Gulat kong sigaw. Bigla na lang may bubusina ng malakas sa likuran ko. Lumingon ako sa kotseng nasa likod ko. Akala mo kung sino porket ang ganda ganda ng kotse nya.
"Nakakabingi yang kotse mo!" Sigaw ko dun sa bumusina sa akin.
Nagulat ako ng dumungaw mula sa bintana ng kotse si Anj. Grr. Anong problema nya? Nasa tabi naman ako tapos bubusinahan nya ako ng pag kakalakas.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at dahil nga nainis ako gumitna pa ako ng pag lalakad. At mabagal pa akong nag lakad para lalo syang mainis.
At tama nga naman ako kasi mukhang naiinis sya pero nag pipigil lang. Ayan oh, binubusinahan ako. Bahala ka sa buhay mo. Hahaha!
Bigla naman nawala ang huling halakhak ko kasi may nakatingin sa akin at gulat na gulat sa ginagawa ko. Ngumiti naman ako sa kanya sabay pabebe wave.
"Gwen! Ano ba, may kotse oh" sigaw nya sa akin at hinila sa may sidewalk. Kilala nyo kung sino? Sino pa nga ba? Wala naman mag sasaway sa akin dito maliban kay Vien.
"Nasisirana ka na ba ng ulo? Bakit dyan ka sa gitna nag lalakad eh may kotse sa likuran mo! Para kang nagpaparada sa ginagawa mo." inis pa sermon sa akin.
"Nakakainis kasi yang drayber ng maladugong kotse na yan eh. Akala mo kung sino, kung makabusina inam" inis kong sagot sabay halukipkip at umirap. Tiningnan ko si Anj na pababa ng kotse nya na sa tingin ko ay FERRARI. Tumingin sya sa kinaroroonan ko bago ako binigyan ng daggering look.
Wow! Tapang ah! Patulan ko na talaga to!
"Wag mo na ulit uulitin yan. Nakaka gulat yung ginawa mo kanina. Buti hindi ka binangga ni Ms. Crown." Rinig kong sabi ni Vien. Ano ba pinagsasahi nito? Ako nga tong balak banggain ni Anj tapos, yun ang sasabihin nya?
"Uh? Hello! Wala akong kotse" sarcastic kong sabi sa kanya.
"I know. Hindi ikaw ang tinutukoy ko. Si Anj Crown ang tinutukoy ko. Wag kang feeling" sabi nya.
Wow! Asan na ang kasweetan nya kahapon? Mapanlait na sya ngayon. Matapos nyang malaman ang matamis kong 'Oo, mahal din kita' then laitan time naman. Iba talaga tong teacher na to kapag pinaparamdam nyang mahal nya ako. Lalaitin muna nya ako tapos saka mag ni-ninja moves ng mga hindi kaaya ayang moves.
At saka, Anj Crown? So Crown pala ang apelido ng Anj na yan. Akala mo galing Iceland sa sobrang puti! Susme! I'm sure hindi kami related kasi hindi ako mukhang babaeng sobrang puti na pwedeng ipalit sa bida sa Twilight!
"Back to earth, Gwen. Blank space na utak mo." snapped ni Vien
Tse! Mag hanap ka ng kausap mo. Nag lakad lakad na ako papunta sa gate ng school pero hinila ako ng magaling kong girlfriend at tiningnan ng mapang akit nyang mga mata.
"Public place ito MA'AM. Baka gusto nyong tanggalin ang kamay nyo sa bewang ko." Sabi ko. Diniinan ko na ang pag sasalita ng salitang 'MA'AM'
Imbes na tanggalin nya yung kamay, wow lang ah ibinababa nya pa, hanggang sa umabot sa pwet ko.
Tumikhim ako. "Saan ang punta ng kamay mo? Stop right there, mag jowa pa lang tayo, hindi mag-asawa" taas kilay kong paalala sa kanya. "No touch" dagdag ko pa. "Pumasok ka na sa loob" utos ko bago tanggalin ang nakalingkis nyang kamay sa bewang ko.
Tumawa sya ng mahina bago ako hinalikan sa pisng. Ay jusko, walang pinipiling lugar, buti nalang walang tao at wala kami sa may tapat ng CCTV.
"We will talk later and my surprise ako sayo. Kailangan ko lang pumasok sa room kasi nandun ang kapatid ko" paalam nya.
BINABASA MO ANG
CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)
Teen FictionLove isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na lang, ang pangit sa ears. Isa lamang akong studyanteng single at wala pang balak na magkaroon ng labl...